Note! Please read!
I wrote this story wayback in 2015, so the plot might not be that unique and the content might not be well delivered. Please bare with it though, I don't want to edit the story anymore because I might ruin the originality. Also, some details might not match accordingly but I'm trying to find them so I can fix it. If may details po kayong napansin na hindi nagmamatch pls don't hesitate to send me a msg, it will be a big help since I don't have much time to re-read all of the stories. And pls remember, you are free to judge the story but in a respectful way, that's the only kind of criticism I can accept.
Also, if you want to read my recent stories, you can follow me on my w*****d account. My username is Priceless_smiles. Minsan mahirap siyang isearch so try to search for #xian and it will lead you to some of my stories. That's all, thank you so much!
**
Naomi's POV
"Pwede ba, Nicole Ashley De Vera! Hindi ba talaga uso sayo ang space?! Jusko naman!" Halos itulak ko ang kapatid ko palayo sakin. Aba naman! Naglalakad kami sa mall at kung makaakbay ay daig pa ang boyfriend! Sarap sapatusin! Naka-sneakers wedge pa naman din ako.
Nagulat ako nang bigla niya nalang akong batukan. Napahawak tuloy ako sa ulo ko. Masakit yun ah! Akmang gaganti ako ng hampas nang huliin nito ang kamay ko.
"Naomi Allison De Vera, sinabi ko na sayo na wag mong babanggitin ang buong pangalan ko!" Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. Dahil sa ginawa niya ay nabitiwan niya ang kamay ko kaya nasabunutan ko siya.
"Ouch, aray ko! Naomi!"
Binitiwan ko rin naman siya agad nang maalala kong nasa gitna kami ng mall. Nang mapalingon ako ay nakita kong pinapanood na pala kami ng mga tao.
"Lecheng babae 'to, pati ako dinadamay mo sa pagiging man hater mo. Ano bang ginawa sayo ni Dy--" tumigil siya nang tignan ko na siya ng masama. My ever so glare, makuha ka sa tingin my dearest twin brother!
"Okay okay, I'll shut up."
"Good."
Nagpatuloy ako sa paglalakad lakad. Nakasunod lang naman ang kakambal ko. Nasabi ko na pala ang pangalan niya kanina, pero hindi siya babae. He's a boy, 101% sure. Kambal kami pero mas matanda siya ng ilang minuto sa akin.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo paikot-ikot dito. Nagugutom nako!"
Hindi ko siya pinansin. Kahit kailan patay gutom talaga 'yang lalaking yan. Kaya ayokong magkasama kami sa mall e. He won't stop pestering me. Sila mommy kasi e, ayaw akong payagan pumunta ng mall mag-isa. Bibili lang naman ako ng school supplies at kaunting gamit e.
Maya-maya pa ay bigla nanamang umakbay ang kambal ko sa akin. Pinabayaan ko nalang kahit naiirita ako. Madalas kasi kaming pagkalamang mag-on dahil sa pagiging touchy niya. Hinahalikan pa nga ako sa pisngi e. Sweet brother siya actually and kahit na ganito kaming dalawa, sobrang caring niya in his own way. Yun nga lang ay hindi kami showy sa ganung bagay. Yung lambingan naming magkapatid ay sakitan.
"Bwisit ka talaga e no? Sabi ng wag kang magsusuot ng ganiyan kaiksing shorts e." Bulong nito sa tenga ko na hindi ko naman pinansin.
He always hate the way I dress kaya nasanay na rin ako. I don't have to follow him though, I still choose what I want to do.
"Kanina pa tayo nagiikot dito ngayon mo lang ako sinita. Late reaction eh?" Sagot ko bago pumasok sa national bookstore.
"Pinagtitinginan ka kasi! Naiinis na ako sayo Naomi ah. Bilisan mo na nga!" Bigla niya nalang akong iniwan. Tignan mo yung siraulong yun, tinotopak nanaman. Sarap ipatapon sa planet Nemik minsan e!
Binilisan ko nalang ang pamimili ng gamit tapos nagbayad din ako agad sa counter. Dang! Pasukan nanaman bukas at tamad na tamad pa rin ako. I still have my hangover from summer.
Paglabas ko ng national bookstore ay nowhere to be found ang kapatid ko. Wow, just wow! Iniwan ako ganon?
Pumunta nalang muna ako ng powder room para makapag-ayos. Nakaka-stress ang kakambal ko. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Mamaya magkasalubong pa kami ni Cuttie dito, that's double trouble. I'm sure dito rin ang punta nun ngayon para mamili. Ayokong magpang-abot sila ng kambal ko dahil maharot ang baklang yun! Tapos madalas pa silang magkasundo sa panenermon sa akin. Mamaya mahipan yun ng hangin at maging magsisters sila. Jusko, ayoko ng baklang kapatid.Baka talbugan ang beauty ko!
Nang makuntento na ako sa ayos ko ay nagmadali na akong lumabas ng CR. Pero hindi ko nagustuhan ang naabutan kong eksena sa labas.
"I told you right? I don't entertain my fans when I'm on my out alone. Bakit ba ang kulit mo ha?!"
It was Gelo Ferrer, na ipinapahiya ang isang fangirl sa harap ng maraming tao. Seriously? I blinked twice. Pinilit kong maghanap ng mga camera, anong malay ko kung nagshoshooting lang sila. Pero wala, as in puro mga simpleng tao ang nakapaligid sa kanila.
Unang naisip ko ay panoorin sila, siya. Naattract nanaman kasi ako sa kaniya. Iba kasi talaga ang tindig niya. His s*x appeal is oozing, it'll make you stop on your tracks. It's intimidating, na kahit nasa malayo ka, basta matanaw mo yung figure niya, manliliit ka kasi sobrang lakas ng s*x appeal niya. May kakaiba lang talaga sa kaniya kaya mapapalingon ka.
Wild gasps of people disturbed me from my reverie. Nagulat ako nang makitang umiiyak na yung babae habang nakayuko. While Gelo is already walking away. What did he do?
Mabilis ding naglaho ang mga tao. May mangilan-ngilang naiwan para tignan lang ang babae but no one even attempted to comfort her. And this is why I hate myself sometimes. Mabilis kasi akong maawa. I just found myself embracing her and pulling her away from the eyes of those people. Dahil malapit lang din kami sa comfort room ay doon ko na siya dinala.
She's still crying and I don't know how will I make her stop. For one second ay nainis tuloy ako sa sarili ko.
"Hey, tahan na. Ano bang nangyari?" I lend her my handkerchief and she used it to wipe her tears. Nanlaki pa ang mata ko when she blows on it. Oh gosh, ako nalang ang nahiya para sa panyo ko.
Maya maya lang din ay tumahan na siya. Nagulat ako nang makita ang pamilyar niyang mukha.
"Alex?!"
Nang nakita niya ako ay agad na siyang napayakap sa akin. She's Alex Perez, ex ng kambal ko. Naghiwalay sila dahil naging adik itong si Alex kay Gelo. Isa siyang avid fan. Yun na yun, it's their story to be told. Wag isama sa buhay ko.
"Ate Nam I never thought na ganun pala si Gelo. Nagpapa-autograph lang naman ako e." then she broke to tears.
My weakness is the art of comforting. Epal ako, oo. Mabilis kasi akong maawa but that's the end of it, maaawa lang ako pero hindi naman ako marunong mag-comfort. Yung way ng pagcomfort ko sa kapatid ko is through, well hurting him. Babatukan ko siya tapos sasabihing move on na bro, o kaya hahampasin ko sa likod at sasabihing pumapanget na siya. Alangan namang gawin ko yun kay Alex diba?
I sighed. But seriously, hindi ko nagustuhan yung ginawa ni Gelo Ferrer sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang ganun ang naging attitude niya kanina. Mabilis pa naman din akong magalit kapag maltreatment na sa babae ang pinag-uusapan.
"Alex wala na tayong magagawa kung ganun pala talaga siya. Atleast namulat na 'yang mga mata mo. Siguro naman titigil kana sa kabaliwan mo sa kaniya. Pinagpalit mo ang kambal ko sa isang walang kwentang lalaki. Karma yan," Oops. I didn't mean to sound rude pero totoo naman yung sinabi ko. She pouted.
"I have to go. Umuwi kana okay?"
I pat her shoulder atsaka na ako lumabas ulit ng comfort room. Now I'm back searching for my brother. Saang lupalop ng mundo ko kaya pwedeng hanapin ang lalaking yun?
Naglakad-lakad pa ako sa loob ng mall pero s**t lang! Did he really leave me?! Sumasakit ang ulo ko sa lalaking yun! Mabuti nalang at naalala kong kotse ko pala ang ginamit namin papunta dito at nasa akin ang susi. Baka naghihintay lang yun sa parking lot. Agad akong lumabas ng mall at nagpunta doon pero habang naglalakad ako palapit sa black Mercedes benz ko ay nakita ko ang isang kotseng paatras at mukhang paalis na ang bumangga sa likod ng kotse ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Holy cow, that's my f*****g car! Agad akong napatakbo palapit. Huminto ang pulang kotse na mukhang mamahalin pero hayop siya! Wala ba siyang balak bumaba?!
Kumatok ako sa tinted na bintana ng kotse niya pero ang leche hindi man lang nagbukas ng bintana! Tinignan ko ang likuran ng kotse ko at nanlaki ang mata ko nang makita kong may damage ito! Agad bumalik ang tingin ko sa pulang kotse.
"Hoy, wala ka bang balak bumaba diyan?!" Sigaw ko .Seconds passed and yet walang impaktong lumabas. Akmang sisipain ko na ang kotse niya nang bigla iyong umandar paalis kaya napaupo ako.
"What the f**k?!" I yelled. Tinignan ko agad ang plate number ng lokong yun. I swear, may araw din sakin kung sinuman ang driver ng sasakyan na yun. Humanda lang talaga siya.
"O, anong trip mo? Bakit ka naman nakaupo diyan?" My eyes flew on my brother's face na nasa likuran ko na pala. I glared at him.
"What?" He asked at medyo napaatras pa siya. Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
"Bullshit Ash! Saan kaba kasi nagpupunta?! Looked what happened!" I pointed the back part of my car.
"Anong nangyari diyan?"
"Obvious ba? Binangga ng kung sinong gago! Putangina lang talaga!"
"Watch your mouth young lady. Pabayaan mo na yan. We can do something about that."
I glared at him, "And I can do something about you too. What do you think about the ropes on the atic?"
He laughed, "Ang wild mo talaga. Pero ang cute cute mo nga kapag nagagalit. Kaya siguro naiinlove sayo mga nakakaaway mo e. I wonder about the new culprit--ouch! Ano ba!"
Binato ko lang naman siya ng sapatos ko. Sana nabukulan na siya. Wala namang sense ang mga sinasabi niya. Sumakay nalang ako sa kotse at mabilis itong pinaandar. Sasakay na sana siya but I locked the doors.
"Naomi!"
I glared at him, "My sweet revenge for leaving me alone." Then I pulled out of the parking lot, leaving him. Bahala siyang umuwi mag-isa, I had enough of this day.
*
Sa totoo lang ay tinatamad akong bumangon, nawala lahat ng excitement ko sa katawan dahil sa nangyari sa kotse ko kahapon. Inis na inis pa rin ako hanggang ngayon pero kailangan kong pumasok. I don't want to make a bad impression on my first day in class.
Bumangon ako at pinatay ang alarm clock na namemeste sakin kanina pa. Pupungas-pungas pa akong tumayo mula sa kama ko. Monday again, may pasok, babalik ang sakit sa ulo dahil sa mga school works. Ugh! Iniisip ko palang parang gusto ko nalang bumalik sa kama ko at matulog ulit.
Then suddenly, my phone rang. Kinuha ko yun sa ilalim ng unan ko at hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mata ko nang makita kung sinong demonyo ang tumatawag sa akin. Seriously? Ganito kaaga ako balak asarin ng baklang 'to?
"What?" I asked after pressing the answer key. I heard him--er..I mean her, well..she laughed, without humor.
"Ano nanamang problema mo sa buhay ngayon?" I rolled my eyes.
"Magsasayang lang ako ng laway kung sasabihin ko sayo. Wala ka namang gagawin tungkol dun."
I heard her laugh again. Kumunot ang noo ko, ano ba? Masyadong masaya? "Pwede ba Cuttie? Tigilan mo ang pamemeste sa buhay ko kahit ngayon lang? Naiistress na ako dahil may pasok nanaman."
And for the third time, she laughed again. Mahanginan sana ang baklang 'to at nang madiretso na siya sa mental. Parang tanga. Pinatay ko na agad bago pa man niya ako masigawan.
After kong makapag-prepare for school ay bumaba na rin ako sa dining para sumabay magbreakfast kina mommy. Nag-uumpisa na sila nung makababa ako. Umupo na ako agad sa pwesto ko which is sa harapan ng kambal ko at sa tabi ni mommy sa right side ni daddy.
"Goodmorning," I greeted. Si Ash ay nakatingin lang sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Tahimik kaming nagbreakfast. Konti lang naman ang kinain ko dahil busog pa ako.
Nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na sa kotse ko sa labas. Nag-init bigla ang ulo ko nang maalala kong yung lumang kotse ko pala ang gagamitin ko ngayon dahil may damage ang likod ng kotse ko. Damn! Naalala ko nanaman ang bwisit na pulang sasakyang bumangga sakin kahapon! Mabuti nalang at nakatatak na sa isip ko yung plate number niya. Makita ko lang talaga yun, hindi ko sasantuhin ang kotse niya.
Padabog kong isinara ang pinto nang makasakay na ako .Nagdrive nalang din ako agad para makarating na ako sa school. Nakakasakit lang ng ulo na lumang kotse ang gamit ko. Uulanin nanaman ako ng panglalait ni Cuttie! Yung impaktitang yun! Ugh!
Maaga pa naman nang makarating ako. Nakahanap ako agad ng space sa car park. Pero habang nagpapark akoay may nakita akong pamilyar na sasakyan mula sa rearview. Bigla akong napangiti nang makita kong nagpapark din yung pulang kotse sa likuran ko. I immediately pulled out at dire-diretso kong binangga ang likuran ng kotse niya. Hindi pa ako nakuntento at binangga ko ulit. Serves you right! Akalain mo nga namang schoolmate ko ang walangyang bumangga sa akin kahapon?
Nagpark na ako at nakangiti akong lumabas ng kotse. Sakto namang lumabas din yung driver. Biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino iyon. Because just like one damn hot model, parang nagslow motion ang paglabas niya sa kotse. s**t lang, hindi ko ineexpect na makakaharap ko siya. Dammit!
I was taken aback nang pabagsak niyang isara ang pinto ng kotse niya. Darn it. And now he's all turned up infront of me. Get back to your senses Naomi! You're mad! Ugh! Nakakatanga! Bakit siya pa?!
"So what's with the show miss?"
Thank God I was able to get back to my feet. Tinapatan ko lang siya at tinaasan ng kilay. Oh come on, I won't go jelly with this.
I smiled at him,an insulting one, "I'm just returning the stunt you've pulled out yesterday with my car."
Ineexpect kong magrereact siya, violent reaction or kahit man lang apologetic look. But darn it! Wala man lang nagbago sa facial expression niya kahit 1%?! Seriously? Blanko lang ang mukha niya, it's a blank expression and yet he looks like a greek god! Oh god! Greek god?!
"Pay for the damage," He said simply. Napanganga naman ako.
"What?"
He gave me a boring look at talaga namang nainsulto ako dun! Sinong siraulo ang titignan ka ng ganun while talking about car? Parang wala lang sa kaniya ah!
"Do I have to repeat what I said?"
Napanganga ako! Is this the real Gelo Ferrer? Paano sumikat ang aroganteng 'to?
"Hindi ko babayaran. Wala akong dapat bayaran." Pagmamatigas ko.
Tinitigan niya lang ako. At hindi ko mapigilang mangilabot sa mga mata niya. His eyes are so enigmatic, on screen and on person, his aura doesn't change a bit. But I jerked the thought. Kahit saang parte ko siya tignan wala naman akong nakikitang dapat kong itakot. Ano bang natira nito?
"Okay," He finally said. And I swear, napanganga nanaman ako. What the hell?
Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang buksan ang compartment ng kotse niya at maglabas ng baseball bat. Hindi na ako nakapagreact nang hampasin niya ang salamin sa harap ng kotse ko. Napanganga nalang ako sa ginawa niya. For one second parang nawala ako sa sarili at gusto ko nalang siyang panoorin. The way he moves is just so hypnotizing. It was like he's a statue moving infront of me, nakakawala sa sarili.
But the next thing I know, bumalik yata ako sa katinuan at saka palang nagsink sa akin ang ginawa niya. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kotse ko and I realized what just happened.
Nang tignan ko siya ay naglalakad na siya palayo. Parang naramdaman ko ang paginit ng ulo ko.
"Gelo Ferrer!" Sigaw ko. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Ganun pa rin, wala pa ring kahit anong expression sa mukha.
"What did you f*****g do?!" Sigaw ko ulit pero tinitigan niya lang ako na para na akong naba aliw. Putangina! Nanggigigil na ako ha!
Pakiramdam ko ay nagdilim na ang paningin ko nang talikuran niya ako at muli siyang maglakad palayo. Hindi ko namalayang pinulot ko na pala yung baseball bat at saka ko siya hinabol. Huli na ang lahat nang marealize ko ang pangyayari. Nagtilian ang ilang mga nakakita sa amin habang nanlalaki naman ang mga matang nakatingin ako sa walang malay na si Gelo sa sahig ng parking lot.
Nabitiwan ko agad ang baseball bat at napatakbo ako palapit sa kaniya, "G-Gelo.."
"Tumawag kayo ng doctor!" Rinig kong may sumigaw sa isa sa mga nakakita sa amin.
Sinubukan ko namang iangat ang ulo niya pero nanlaki lalo ang mga mata ko nang makita ko ang dugo niya sa kamay ko. The next thing I knew, nagdilim na rin ang paningin ko.
**