Chapter 13 : Gelosia dello Champagne

1038 Words
SAINT LOURDES UNIVERSITY, DUMAGUETE "NAWALA KA NA NAMAN KAHAPON," untag ni Veronica kay Champagne nang umagang 'yon. Hindi niya akalaing maaalala pa nito ang ginawa niyang pag-eskapo mula sa mga ito. Nagkamali pala siya at heto nga pinaalala lang sa kaniya ng kaibigan, mabuti na lang at wala si Sharon at Valentina kung hindi tutudyuin na naman siya ng mga ito kung saan na naman siya nagsusuot. "S-sumama tiyan ko," nakahanda niyang alibi rito, habang nasa sasakyan siya kanina pinag-iisipan niya ito. Tama nga ang hinala niya at ito agad ang bungad sa kaniya nang kaibigang si Veronica. "Totoo ba 'yan?" tanong nito. "Oo. Talagang sumama lang ang tiyan ko kaya nagpasundo ako kay Manong Domeng." "If you say so. Hindi naman kita pipilitin magsabi ng totoo." "Totoo nga kasi," aniya rito. Alam niyang mahirap paniwalain si Nica, ibang-iba ito sa mga kaibigan niyang si Sharon at Valentina. Kilala rin ng mga 'to si Vino at hindi lingid sa kanila ang damdamin niya para kay Vino. "Kamusta si Chiara? Pinagayagan na ba siya?" Nagkibit-balikat si Nica habang sabay silang naglalakad sa pasilyo papunta sa departamento nila. "I don't know. Hindi siya pumasok kahapon at ngayon naman hindi ko naman siya nakita. Nagtanong na nga ako kay Manong Guard kung pumasok na ang anak niyang si Genesis." Ngumiti ng pilit si Champagne sa sagot sa kanya ni Nica tungkol sa kapatid ni Vino na si Chiara, alam niya ang tungkol sa tinatagong relasyon nito kay Genesis, ang isa sa napakatalino sa unibersidad na pinapasukan nila. "Oy! Huwag mong mababanggit si Genesis kay Vino ha," anito sa kaniya. "Alam ko naman, hindi ko naman ipapahamak si Chiara kahit hindi kami magkasundo sa ngayon." Tama si Champagne, mula nang maghiwalay ang mama at papa nito at piniling sumama sa mama niya, nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan nila ni Chiara —hindi tulad n'ong dati na talagang malapit silang dalawa sa isa't isa. "Ang hirap ng sitwasyon niyong apat, ikaw kay Vino si Chiara naman kay Genesis. Iba talaga ang problema ng mga mayayaman, nakakabaliw!" "Sinabi mo pa!" segunda naman ni Champagne sa komento ni Nica tungkol sa kapalaran na mayroon sila. Nagpasya na lamang silang naglakad ng tahimik hanggang sa makarating sa silid-aralan nilang wala ng kahit na ano'ng pag-uusap, hindi rin ganoon ka-safe ang paligid, aniya sa isip ni Champagne. Maraming mata dito ang Mama Ysabella niya maging ang Mama Elena naman ni Vino at Chiara. Kahit hindi naman sabihin ng mga 'to ang galaw nila habang wala sila sa tabi ng isa't isa, nararamdaman ni Champagne at hindi siya pweding magkamali sa pakiramdam niyang 'yon. Afterall, kilalang-kilala niya ang mama niya kapag gumalaw, pasimpleng mabait lang ito sa harap ni Vino at Tito Vincenzo niya. "Kamusta kayo? Saan naman kayo galing na dalawa?" bungad ni Sharon nang makarating na silang dalawa, nilagay muna niya ang mamahaling bag niya sa sariling desk table at nilapitan itong katabi si Valentina. Nakipag-beso-beso sila sa isa't isa. "Nakita kong naglalakad si Nica, kaya magkasabay kami," tugon niya. Tiningnan niya ang librong binabasa ni Valentina, Calculus ito. Naalala niya ang exam nila sa subject na 'yon. "Ang unfair mo naman, Tina. Ikaw nag-aaral samantalang kami hindi?" biro nyang reklamo sa kaibigan nilang Dean's Lister. "Hindi ko na problema," walang ganang sagot nito sa kaniya habang nasa libro pa rin ang buong pansin. Oo nga naman! Hindi naman talaga problema ng kaibigan niya kung bakit mukhang babagsak na naman siya sa exam nila, ayon kasi siya kahapon piniling pumuslit kasama si Vino na dapat nag-aaral din siya ng leksyon nila. "Joke lang, nag-aral din ako kagabi 'no," pagsisinungaling niya sa mga ito. Tumawa si Sharon at Veronica halatang hindi naniwala sa mga sinabi niya. "Tayo lang magkakaibigan dito, maglolokohan pa ba tayo?" natatawang aniya naman ni Sharon. Nakitawa na rin siya sa dalawa. Sa puso ni Champagne ayos lang na 'di siya nag-aral ang importante kasama niya si Vino. Ipapasa ka ba ni Vino? Kastigo ng isip niya. Napataas kilay na lamang siyang may kabang nararamdaman— paano na lang pala kung bumagsak na naman siya? Ano na naman ang gagawin nyang kasinungalingan sa mga magulang niya. "Mag-aaral din ako, tabi." Mabilis na naupo si Champagne sa tabi ni Valentina, nakihawak siya sa isang bahagi ng makapal na librong binabasa nito. Ito pa naman ang pinakamahirap para sa kaniya. "Kung bakit ba naman ganda lang ang mayroon ako, utak kaunti lang?" tanong niyang natatawa sa tatlo, habang magkakaharap sila. "Ito notes ko, pag-aralan mo. Ginawa ko talaga iyan para sa 'yo at alam naman naming lahat kung saan ka na naman pumunta kahapon, Ms. Romano." Napangiwi siya sa sinabi sa kaniya ni Valentina, hindi niya pala talaga siya makakapagsinungaling sa mga ito. "Kilala ka namin at alam namin ang sitwasyon niyong dalawa ni Fontana. Mag-iingat ka, iyon lang ang gusto naming sabihin sa 'yo, Champagne," ani naman ni Sharon. Seryoso na ngayon ang mga mukha ng mga 'to, parang hindi siya sanay. Pakiramdam niya may mangyayaring hindi maganda. "N-namasyal lang kami," pag-amin niya sa tatlo. Wala na siyang dapat pang itago sa mga ito, tulad ni Jean alam niyang mapagkakatiwalaan ang mga kaibigan niya. "Mag-iingat ka!" halos sabay-sabay pang sabi ng mga ito sa kanya, ngumiti na lang siya ng pilit sa harap ng mga 'to. "Iniingatan ako ni Vino, hindi niya ako pababayaan!" mahina niyang sagot sa mga ito. "Oo nga pala nakita niyo na ba ang balita sa page ni Mayor Beltran?" ilang sandaling ani sa kanila ni Sharon. Nagkatinginan silang tatlo ni Nica at Tina dahil wala naman silang nasasagap na kahit na ano'ng balita mula sa Alkalde ng lugar nila. "Dumating na ang anak nitong si Henessy, galing ibang bansa." Hindi napigilan ni Champagne ang paglunok ng sunod-sunod sa sinabi ni Sharon sa kanilang tatlo, kilalang-kilala niya ang tinutukoy nito at hindi siya pweding magkamali. Isa lang naman ang Henessy na kilala niya mula pagkabata— ang kababata ni Vino na minsan nang nagpahamak silang dalawa nang isumbong sila nitong magkayakap sa harap ng fountain ng munisipyo noon. "May welcome party siya at lahat tayo ay imbitado..." dugtong pa nito. Pati kaya si Vino? aniya ng isip ni Champagne. Tila nabuhay na naman ang labis niyang paninibugho sa babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD