Chapter 15 :Spia di champagne

1204 Words
FONTANA RESIDENCE "SINO ang kausap mo at abot teynga yata ang ngiti mo, Vino?" Napapitlag si Vino nang marinig niya ang boses ng Mama Elena niya sa likuran niya. Napalunok siya ng lihim nang pasimpleng nilagay sa bulsa ang cellphone niya, mabuti na lang at natapos na ang pag-uusap nilang dalawa ni Champagne. Na wala itong narinig na kahit na ano sa naging usapan nila ng dalaga. "Nothing, Ma. Kaibigan ko lang, may binalita lang tungkol sa ganda ng takbo ng negosyo nya," ani niya sa mama niya. Madalas na siyang magsinungaling dito lalo na kung tungkol kay Champagne ang madalas na dahilan. "Nag-usap na ba kayo ni Henessy? May number ka na ba niya?" natanong sa kaniya ng mama niya. Heto na naman po sila at magsisimula na naman itong pakialaman ang buhay niya. "H-hindi pa, Ma. Sa mga susunod na araw na lang siguro baka mabigyan din kami ng pagkakataong mag-usap na dalawa, marami lang kasi akong ginagawa ngayon at sadyang wala lang talagang oras para isingit si Henessy." "Pero hindi ba! Sinabi ko na sa 'yo ang tungkol sa welcome party niya?" "Hindi ko naman makakalimutan, Ma," inis niyang sagot dito. "Pinapaalam ko lang, Fontana." "Pag-uusapan na lang namin ni Henessy, kung sakaling magkita kami, Ma." "Ano'ng kung magkita? Ikaw ang mismo ang makipagkita kay Henessy at hindi lang kapag nagkita kayo." Napasulyap siyang nagtatanong dito. Pati ba naman ang bagay na 'yon ay panghihimasukang mama niya? Natawa na lamang ng lihim si Vino sa mga narinig niya rito. Napalingon siya sa gawing likuran nito kung saan nandoon si Chiara nakatayo at sa ayos nito galing ito sa eskwela. "Magandang hapon, Ma, Kuya." Lumapit ito sa amin ni mama, mabilis na hinalikan sa pisngi si Mama Elena at ngumiti lang sa akin. "Ikaw? Kararating mo lang..." "Ma! Exam week ngayon Nina Chiara, baka nakakalimot mo?" Tumahimik ang mama nila nang sabihin niya ito. Mabuti na lang at nabanggit sa kaniya ni Champagne iyon kaya nagawa niyang iligtas ang kapatid mula sa sermon ng mama nila. "Tama si kuya, Ma. Exam week namin ngayon, ngayon lang ako dumating dahil nag-aral pa ako ng leksyon ko sa library, dahil d'on ay may katahimikan! Hindi tulad dito!" "Aba't!" "Ma, Please!" Nagawang pigilan ni Vino ang mama niya sa akmang pagpigil nito kay Chiara na umalis at iwan silang dalawa. "Hayaan niyo na si Chiara, Ma. Bigyan mo naman ng katahimikan ang buhay niya, lalo na ngayon kailangan niya ng focus." "Magsama kayong magkapatid!" Sumuko din ito, aniya. Mabuti na lang at nakausap niya muna si Champagne, bago nito guluhin ang araw niya. Ang dalagita na lang talaga ang nagsisilbing pahinga niya kapag dumadating ang sakit ng mama nila sa pangingialam ng buhay nilang magkapatid. Inis na tumayo si Vino, ang mabuti pa magtungo na lang siya sa sariling silid niya at d'on na lang magpahinga. ROMANO RESIDENCE NGITI ang sumilay sa labi ni Champagne nang mabasa ang text message sa kaniya ni Vino. Hindi naman talaga siya nag-alala, gusto niya lang magpalambing kanina nang tawagan niya ito. At heto nga late ang reaksyon ng binatang iparamdam sa kaniyang wala siyang dapat ipag-alala kay Henessy, higit na sa damdaming mayroon ito para sa kaniya. 'Mahal din kita, Vino. Salamat,' aniya ni Champagne sa sarili nya nang itago niya ang cellphone sa bulsa. Bababa na siya para tingnan kung ano ang hinandang pagkain ni Jean para sa kaniya. Hindi na siya nangangamba ngayon, hahawakan niya na lang ang mga sinabi sa kaniya ni Vino. "Oh! Kanina lang ang pangit ng timpla mo, nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon," salubong sa kanya ni Jean. "Nag-usap na kami ni Inno," sagot niya rito. "Kaya pala. Kamusta naman? Nagkita na ba sila n'ong Henessy?" "Hindi niya nasabi sa akin, pero ang sabi niya ako lang daw ang mahal niya na wala akong dapat ipag-alala," animo batang sumbong niya rito. "Naniwala ka naman, Champagne?" "Nega ka! Ihanda mo na lang kaya ang pagkain ko, hindi ba sabi ko sa 'yo magpapalit lang ako ha." "Ito na po, Senyorita. Nanginginig pa." Natatawang sabi sa kaniya ni Jean. Madalas talaga itong kontra sa kanila ni Vino pero alam niya namang naka-suporta ito sa kaniya ng lubos kahit na ano ang mangyari sa kanilang dalawa. "Pwedi bang sabayan ang magandang dalagita namin sa meryenda niya?" biglang sabat ni Mama Gemma sa pagmumuni-muni ko. Hindi ko inaasahan ang pagdating nitong walang pasabi. Umupo ito paharap sa akin. "Malalim yata ang iniisip mo, kaya hindi mo napansin ang pagdating ko," anito. "May kinakabisa lang po ako, Mama," pagsisinungaling niya na naman sa harap nito. "Eksam niyo na pala sa eskwela, Anak. Kaya mo ba? Baka gusto mong ikuha kita ng tutor para may makatulong ka." Tutor? Ano naman ang matutulong sa kaniya n'on kung sa lahat ng sandali na kay Vino lang ang buong pansin niya. "Ayos lang naman ako, Mama. Isa pa, matalino si Valentina kaya niya akong tulungan sa lahat ng leksyon namin sa eskwela, wala kayong dapat ipag-alala," tugon ni Champagne sa mama niya na may malaking ngiti sa labi niya. Tama naman ang sinabi niya, malaki ang naitutulong sa kaniya ni Valentina... hindi lang sa kaniya kun 'di sa mga kaibigan pa nilang si Sharon at Veronica. "Magsabi ka lang kung may kailangan ka, Champagne. Alam mo naman na handa kaming ibigay sa 'yo ang lahat ng kailangan mo." "Salamat, Mama.." aniya rito. Ayaw niya maman maging ungrateful sa mga inaalok nitong magandang oportunidad sa kaniya, habang nandito siya sa poder ng mga ito lahat ng 'yon tatanggapin niya. Wala dapat siyang panahon ngayon, para maging matigas utak niya sa mga ito. Kailangan niyang maging sunud-sunuran para lahat ng gusto niya mangyari naaayon sa gusto niya. Dahil aminin niya man o hindi sa sarili niya wala siyang ibang kailangan ngayon kun 'di ang mga ito lang. Naaalala niya si Vino, ang bilin nito sa kaniya na magtiyaga lang muna sila at ang lahat ng ito'y may kahahantungan na maganda. Hindi niya naman pinangarap na maghirap ang mga anak nila pagdating ng panahon. Gagawin niya ang lahat para sa kanila at sa tulong ni Vino lahat ng ito'y magagawa niya. Hindi siya papabayaan ng magiging marito niya. Ang sarap lang sa pakiramdam isiping magiging asawa niya si Vino, mas masarap pa siguro ito kapag dumating na ang panahong magiging Mrs. Champagne Romano Fontana El Tofolli na siya. Napasinghap si Champagne, mnandoon pa rin ang ngiti sa labi niya. "Mukhang lumakbay yata ang diwa mo, Champagne?" Tsaka lamang niya natauhan nang marinig ang boses ng Mama Gemma, nasa harapan niya pala ito tila nakalimutan niya. Madalas lang talaga siyang ipagkanulo ng nararamdaman niya kay Vino. "Niente, Mama." "Ok, sto vivendo per la falciata" Sinundan ng tingin ni Champagne ang mama niya nang tumayo ito. Lumapit pa ito sa gawi niya't mabilis siyang hinalikan sa pisngi, bago ito nagpaalam sa kaniyang hindi man lang natuloy ang gusto nitong pagsabay sa kaniyang kumain. ANG hindi alam ni Champagne ay ang lihim na pagmamasid sa kaniya ng isang katiwala mula sa kanang bahagi kung saan ito nakatayo patalikod mula sa kaniya. Mabilis niyang kinuhanan ng litrato ang dalaga't pinadala sa isang taong nagpapabantay ng bawat galaw nitong hindi niya dapat malaman at walang dapat makaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD