Chapter 12 : Ricordi Carini

1066 Words
FONTANA RESIDENCE "BAKIT KA NA NAMAN NAMBUBULABOG? KALALAKI MONG TAO NAGDADABOG KA DYAN!" inis na sigaw sa kaniya ni Chiara nang isarado niya ng malakas ang pinto ng silid nito. "Hindi ka maniniwala sa pumunta dito sa bahay! At teka lang! Nandito ka 'di ba? Pero bakit hindi mo inaalam kung sino ang mga nagagawi rito ha?" inis niyang turan dito, nagsisimula na naman itong magkulong sa kwarto nito. Hindi nga ito pumasok kanina. "Ano ba problema mo? Hindi ka man lang pumasok kanina." "Naiinis ako! Ayaw kong makita si mama!" "Galit ka pa rin ba dahil hindi ka nya papayagan umalis, Chiara?" "Dahil hindi siya nakakatuwa, kuya! At talagang hindi na ako natutuwa sa kaniya kahit na ano ang gawin niya!" tugon ni Chiara sa kaniya. "Alam mo bang nandito si Henessy," pagbibigay-alam niya sa kapatid. Nagtaas ito ng tingin sa kaniya at naroon ang tingin niyang nangungusap nang ipukol niya rito. "Hindi ko alam." "Naabutan ko sila sa baba ni mama. Mabuti hindi ka pinatawag ni mama rito?" "Hindi nya naman alam na nandito ako." "Kaya pala!" "Anong mayroon kay Henessy?" tanong nito sa kaniya. "Gusto mo ba talaga sumama sa Boracay?" Tumango-tango sa kanya si Chiara, nandoon sa mga mga mata nito ang animo'y nangungusap payagan niya lang ito. "Then, sundin mo ako!" "Anong plano mo?" "We can use Hennessy, alam mo kung gaano siya kalapit kay mama. Matutulungan niya tayong tulungan kang payagang umalis." Napangiti si Chiara sa sinabi sa kaniya ng kuya niya Vino. Nagkaroon ito ng pag-asa na makasama sa mga kaibigan niyang kaibigan din ni Champagne sa binabalak ng mga itong magbakasyon sa Boracay pagkatapos ng klase nila ngayong semester. Magkakaron siya ng pagkakataong makasama si Genesis, ang tinatago niyang nobyo. "Posible ba, Kuya?" "Oo, naman! Lalo na kung magpapakabait ka," ani sa kanya ng kuya niya. Mabait naman talaga siya, lalo pa't may kailangan siya ngayon. "Of course naman, kuya." "Papasok ka na ng eskwela? Hindi ka na magkukulong dito sa silid mo?" Mabilis siyang tumango-tango bilang tugon sa sinabi nito sa kaniya. Iyon lang naman ang pwedi niyang maipangako sa kapatid niyang ginagawa ang lahat ng paraan para lang matulungan siya. "Ako ang bahala kay Henesssy, ikaw ang bahala sa pag-aaral mo ngayon para maging maganda ang lahat ng grado mo. Nagkakaintindihan ba tayo, Sorella?" "Yes, Fratello. Maraming salamat, kuya." Tumayo si Chiara at mabilis na niyakap ang kuya niya. Wala na siyang hihilingin pang iba, hindi kadali maging kapatid ang Kuya Vino niya pero masasabi niya naman na kahit kailan hindi siya nito nagawang pabayaan. Lagi itong handa para gabayan at tulungan siya sa lahat ng sandali ng buhay niya mula pagkabata. "Si Champagne, hindi siya makakasama. Nakausap ko kanina si Nica, hindi raw nagpapaalam si Champagne dahil hindi siya papayagan." Ngumiti ang kuya niya sa harap niya, tila ayos lang dito kung wala si Champagne sa grupo nila. "Ako ang bahala kay Champagne, hindi naman siya malulungkot kung hindi niyo siya kasama. I can make her happy." "Naku, Kuya ha. Huwag sa paraan na alam mo na—" "Sira! Kung ano ano-ano na lang ang iniisip mo. Sigi na. Aalis na ako, nagutom akong kausapin ka." Hinatid niya ng tingin ang kuya niya hanggang sa tuluyan nitong isarado ang pinto ng silid niya. Napangiti siya sa mga naisip, tiwala siya sa kapatid niya ganoon din kay Henessy, tama ito kung gaano kalakas ang babae sa mommy nila dahil sa kagustuhan nitong magkatuluyan si Hennessy at ang Kuya Vino niya. Magaling pumili ang mommy nila para sa babaeng gusto sa kapatid niya, nag-iisang anak ng Mayor ng Las Ferellas si Henessy, modelo na ito ngayon sa ibang bansa ayon na rin sa social media accounts nitong matagal niya nang sinusundan noon pa mang magtungo sila sa Italya, maganda rin naman talaga si Henessy at bukod pa roon sexy na ito. Tanda niya nga na palagi itong kasali sa Flores De Mayo kada Mayo sa lugar nila at ang kuya niya naman ang madalas kapareha ng dalaga noon, ang dalagang madalas pagsilosan ni Champagne sa kapatid niya. Poor Champagne, aniya sa isip ni Chiara. Alam niyang babalik na naman ang paninibugho nito oras na malaman niyang bumalik na ang babaeng gusto ni mommy kay kuya. Kahit pa alam niyang si Champagne lang ang mahal ng kapatid niya wala pa rin itong magagawa kung mga magulang na nila mismo ang hadlang. Lumungkot ang mukha ni Chiara nang maalala si Genesis, mas lalo ito— hadlang din ang mommy nila sa pag-iibigan nilang dalawa lalo pa't anak si Genesis ng isang guard sa universidad na pinapasukan nila ni Champagne, pero May magagawa ba siya kung natutunan niyang mahalin ang lalaki? 'Kaya ko naman siyang ipaglaban sa lahat! Lalo na kapag tapos na ako sa aking pag-aaral at hindi ko na kailangan pa ang pera ni mama para mabuhay kami!' ani ni Chiara sa sarili. Wala naman siyang hangad pa kay Genesis, masipag itong tao at bukod d'on napakatalino nito, kung hindi nga siya magkakamali Magna c*m Laude ngayon ang lalaki sa closing ng taong 'to. Kaya nila ni Genesis ang mga sarili nila na hindi kailangan ang tulong ng daddy at mama niya. NASIYAHAN si Vino dahil nakita niya rin sa wakas ang saya sa mga mata ni Chiara nang sabihin niya ritong may paraan na para payagan ito ng mommy nila. Good timing naman ang pagbalik ni Henessy ng bansa at magagamit niya ito para maging masaya ang kapatid niya. Wala siyang dapat ipangamba kay Henessy, dahil noon pa man kaya niyang paikutin ito sa kamay niya. Hindi naman sa sinasabing patay na patay sa kaniya ang dalaga, kun 'di hanggang ngayon tumatanaw pa rin ito ng utang na loob sa kaniya sa ginawa niyang pagligtas ng buhay nito noon nang muntik na itong malunod sa malalim na swimming pool noong sabay na nagkaroon ng bakasyon ang pamilya nila sa Baguio kasama si Champagne. Napangiti si Vino nang maalala ang sandaling 'yon, halos bugbugin siya ni Champagne noon dahil sa sobrang selos nang makita nitong ginawa nya ang mouth to mouth resuscitation, ang buong akala ng batang Champagne noon hinahalikan niya na sa labi si Henessy. 'I miss my poor lady, Champagne! Kaya mas lalo kitang minahal, kahit noon pa man. You're innocent and lovely my, Amore,' bulong niya sa sarili para sa nag-iisang babaeng ang labi lang nito ang gusto nyang hagkan mula n'on hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD