Chapter 14 : Sei la mia principessa

1137 Words
ROMANO RESIDENCE HABANG nasa biyahe pauwi si Champagne, hindi niya naiwasang hindi i-check sa page ng Alkalde ng lugar nila ang sinasabi kanina sa kanila ni Sharon tungkol kay Henessy na anak nito. Nakumpirma niya nga mismo sa sarili niyang totoo ang lahat, nandito na nga sa Las Ferellas ang nag-iisang anak nitong pinagmamalaki sa buong bayan nila. 'Alam na ba ni Vino 'to?' tanong ni Payne sa sarili niya habang papasok siya sa bahay nila. Imposibleng hindi alam ng lalaki. Malapit sa pamilya nito ang pamilya ng mga Beltran at kahit kailan hindi niya magawang kalimutan ang kasunduan ng pamilya ng mga ito sa isa't isa tungkol kay Vino at Henessy. "Hi, Maam Payne," bati ni Jean sa kaniya ng makasalubong niya ito sa sala. Hindi niya namalayang nakapasok na pala siya hanggang sa loob ng bahay nila. "Magandang hapon. May gusto kang kainin?" "Walang maganda sa hapon, Jean..." mataray niyang sagot dito. "Relax! Hindi mo ako kalaban! Kakampi mo ako, anong mayroon?" tanong nito sa kaniya nang mapaupo siya sa mahaba't malambot na sofa nila. "Si Henessy! Bumalik na ang bruha," walang gatol nyang sagot dito. Natawa na lamang si Jean sa hilatsa ng mukha niya nang sabihin niya rito ang tungkol kay Henessy. "Nabalitaan mo na pala." "Alam mo rin?" tanong niyang nagtataka rito. Kung alam na ng katiwala nila, imposibleng hindi alam ni Vino ito. Nagkita na ba sila? Nag-usap? Nagyakap? Ano? Taranta niyang tanong sa isip niya. "Kulang na nga lang magpa-press conference si Mayor Hernan Beltran sa pagdating ng anak niya," natatawang tugon sa kaniya kasabay ng pag-alok ng isang basong tubig nito sa kaniya. "N-nagkita na kaya sila ni Vino?" tanong niyang hindi talaga mapakali rito. "I don't think so! Natatandaan ko ang sinabi mo noon na pinagkakasundo nga ang dalawa 'di ba?" "Oo!" "E, bakit ka ba natatakot? Akala ko ba mahal ka ni Vino, halos kasasabi mo lang kahapon niyan sa akin... tapos ngayon parang takot na takot ka diyan." May point naman si Jean, kahit papano. Oo nga naman! Ano ba ang kinatatakot niya? Mahal siya ni Vino, mula noon hanggang ngayon. 'Dahil maganda at sexy iyon?' tanong ng sariling isip niya sa kaniya. "Magtiwala ka na lang kay Vino. Tingin ko naman hindi ka niya lolokohin kahit pa wala kayong label na dalawa!" pang-iinis ni Jean sa kaniya. Halata niya naman na pinipikon lang siya nito dahil natatawa ito nang sabihin nito sa kaniya ang mga salitang 'yon. "Sa tingin mo nagkita na ba sila?" tanong niyang may lungkot sa mga mata rito. "May sinabi na ba sa 'yo si Vino?" "Hindi pa kami nag-uusap eh!" "Then, hintayin mo. Baka naman sasabihin rin sa 'yo ni Vino kung sakali ngang nagkita na sila, Champagne. Hindi naman itatago sa 'yo ni Vino 'yon, sigurado ako." Nagtiwala na lamang siya sa mga sinabi sa kanya ni Jean. Buo naman ang tiwala niya kay Vino at hindi siya nito kailan man pababayaan. "Ihanda mo ako ng makakain ko. Aakyat lang ako, gusto ko lang huminga muna sa mga iniisip ko." "Okay po, Senyorita." "Tsee! Bababa agad ako, sarapan mo ha." "Oo naman! Kilala kita baka mamaya ako pa napagbuntunan mo, kawawa naman akong nagtratrabaho lang ng marangal dito," matatawarang biro sa kaniya ni Jean. Mabuti pa ito maganda ang mood, naisip niya na lang na baka pumuslit na naman ito at nakipagkita sa boyfriend nitong coach sa court ng subdivision nila. 'Mabuti na lang at nararanasan ko 'to ngayon. I can't blame Jean.' Mapait ang ngiting sumilay sa labi niya nang sundan niya ito ng tingin; mabait ang katiwala nilang 'to at hindi niya alam ang gagawin sa coach na 'yon kapag sinaktan nito ang kaibigan niya. 'Humanda siya kay Vino!' nakangiti niyang sabi sa sarili. Malaki ang katawan ni Vino, hindi niya palalampasin ito kapag sinabi niyang may nanakit kay Jean. Sumakit na naman ang ulo niya nang maisip si Henessy, dapat siguro umakyat na siya, aniya para makausap niya si Vino. Tatanungin niya rito kung nakita ba nito ang babaeng 'yon, pero syempre hindi siya magtatanong dito. Hihintayin niyang umamin o mag-kwento ito sa kaniya, gaya nga ng sabi ni Jean walang itatago sa kaniya si Vino at wala naman itong dapat itago talaga sa kaniya dahil bukas na bukas naman ang lahat ng mayroon siya dito. FONTANA EL TOFOLLI RESIDENCE. TATAWAG sana si Vino kay Champagne nang biglang tumunog ang caller tone ng cellphone niya ang babae ang tumatawag. Napakunot-nuo siya at hindi iyon gawain ni Champagne, inisip niya na lang na siguro mahalaga ang sadya nito kaya ito mismo ang tumawag sa kaniya ngayon. "Hello, Payne... May nangyari ba?" agad niyang tanong kay Champagne. "W-wala. Kamustahin lang sana kita. Hindi ka kasi nagparamdam sa akin maghapon, ikaw sana ang tatanungin ko kung may nangyari ba?" tanong nito sa kaniya. Napangiti siya sa katotohanang hinahanap-hanap din pala siya ng dalagita kung hindi niya ito nakakausap at napupuntahan ng lihim. "Nandito lang ako sa bahay maghapon. Wala naman nangyari at wala naman pweding mangyari. Bakit?" tanong niyang may pagtataka rito. Wala naman dahilan kung bakit mag-alala sa kaniya si Champagne, at ang dahilan kung bakit hindi niya ito napuntahan kanina ay dahil may mahalaga siyang inasikaso sa plantasyon ng mangga nila sa Hacienda Blumentritt. Siya ang nagawang utusan ng Mama Elena niya dahil nagka-emergency daw ang kanang kamay nito sa lupang iniwan ng Papa Vincenzo nila. "Wala ka bang s-sasabihin sa akin, Inno?" tanong sa kaniya ni Champagne. Napansin niya ang pag-utal-utal pa ng boses nito nang itanong sa kaniya ang bagay na 'yon. Napakunot-nuo si Vino, wala naman siyang natatandaan na may tinatago siya kay Champagne o posibleng bagay na hindi niya masabi rito. Bahagya pa siyang nag-isip at pilit na inaalala ang dahilan ng pagtawag nito sa kanya. "W-wala... Mayroon ba? Wala akong maisip, Payne?" sagot niya ritong may pagtataka pa rin. Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ng dalaga sa kabilang linya. Ilang sandali pa nagpaalam na ito sa kaniya at kakain daw ito, dahil kagagaling lang nito sa eskwela. Gusto nya pa sana itong tanungin tungkol sa gusto nyang sabihin nya rito pero pinatay na nito ang linya nito. Doon lang naisip ni Vino ang tungkol kay Henessy, napangiti na lamang siya dahil siguro nakarating na rito ang tungkol sa babaeng anak ni Mayor Beltran. Iyon nga at halos katatapos niya lang mapanuod ang live ng Alkalde nila tungkol sa dalagang anak nito, iyon siguro ang sadya sa kanya ni Champagne at wala ng iba pa. Napangiti siya sa naisip na baka nagseselos na naman ito at wala naman dapat ipag-alala dahil mahal niya ang dalagita sa kabila ng sitwasyong kinakaharap nila. [ Ikaw lang ang mahal ko... Ngiti ka na, Aking Prinsesa. ] Ito ang pinadalang mensahe ni Vino kay Champagne, gusto nyang mawala ang pag-agam-agam sa puso nito, tungkol kay Henessy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD