Chapter 11 : Hennessy è Tornato

1071 Words
ROMANO RESIDENCE KAHIT pagod naging masaya naman si Champagne sa naging lakad nila ni Vino, ang pagpunta nila sa Tore ang isa sa napakasayang sandali sa buhay ng dalaga. Mabuti na lang at wala ang kaniyang Mama Gemma ayon sa katiwala nilang si Jean nasa Rancho raw ito at hindi pa umuuwi. "Mukhang maganda yata ang araw mo, Champagne?" bigkas ni Jean sa kaniya. Naging malapit niya na itong kaibigan at nagsilbing hingahan niya na rin sa bahay nila kapag napupuno na siya sa mga magulang niya. Malaking bagay na mayroon isang taong handang makinig sa kaniya't mapagkakatiwalaan niya. "Nagkita kami ni Vino," aniya rito. Kahit ang tungkol kay Vino ay pinagkatiwala niya rito. Hindi naman siya ipapahamak nito dahil subok niya na ang kaibigan. "Saan?" tanong nito sa kaniya. Umupo pa ito sa kama niya habang nagpapalit siya ng damit sa harap nito. Hindi na rin naman siya nahihiya at gaya ng sabi nga niya, komportable na siya ng sobra dito. Kinse pa lang kasi ito nasa kanila na ang dalaga at habang nagdadalaga siya ito na ang alalay niya sa loob at labas ng bahay nila. "Pumunta siya ng eskwelahan namin kanina." "Tapos?" "Pumunta kami sa Tore, Jean," pagbibigay alam niya rito. Alam din ni Jean ang tungkol sa Tore at ang naging nakaraan nila sa lugar na 'yon noon. "Mabuti at walang kahit sino ang nakakita sa inyo. Dapat nag-iingat kayo, Champagne." "Wala naman kaming ginagawang masama," aniya rito. Kahit na ang totoo, posibleng ikakapahamak nila ang ginawang pagyakap sa kaniya ni Vino. "Mag-iingat ka pa rin at hindi mo kilala ang lahat ng tao sa paligid mo, Champagne. Oo para sa inyo ni Vino, wala kayong ginagawang masama pero paano ang ibang marumi ang isip?" Natigilan si Champagne at napaupo sa swivel chair niyang pink paharap kay Jean. "Mapagkakatiwalaan naman kita hindi ba?" "Hindi naman ako, ang ibig kong sabihin ang ibang taong makakakita at makakilala sa inyong dalawa ni Vino." Napasinghap siya't iniwas ang tingin dito. "Mahal ko pa rin siya," pagtatapat niya sa kaibigan. "Mahal ka pa rin ba niya?" "Oo!" "Gaano ka kasigurado, Champagne?" "Sinabi niya sa akin! At pinaparamdam niya sa akin, Jean." "Anong mayroon kayo ngayon?" tanong nito sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" "May relasyon ba kayo?" tanong nito sa kanyang hindi niya kayang sagutin. Muling sinulyapan ni Champagne si Jean. Hindi niya alam ang isasagot dito, dahil kahit siya mismo wala siyang nakuhang sagot sa sarili niya. Hindi niya alam kung ano ba ang mayroon sa kanila ni Vino, pero ang alam niya nagmamahalan silang dalawa at iyon ang mahalaga. "Gusto ko ng kumain..." pag-iwas niya ng sagot dito. "Ipaghahanda kita, may natira pang chopsuey kanina at mainit pa naman ang kanin, gusto mo ba?" tanong nito sa kaniya. "Paborito ko 'yan," aniya rito. "Sigi! Tatawagin na lang kita kung okay na." Ngumiti si Champagne sa gawi ni Jean, alam niyang siya lang ang inaalala nito at wala ng iba pa. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ng silid niya. Binalikan niya sa isip kung ano nga ba sila ni Vino, siguro kapag nagkita o nagsama silang ulit tatanungin niya na lang ito kung ano ba talaga ang relasyon nila. Mahal niya si Vino at mahal din siya nito, hindi magiging hadlang sa kanilang dalawa ang kagustuhan ng kapwa nila magulang. Hindi sila magiging magkapatid sa mga mata ng tao at sa mata ng batas, iyon ang pangako ni Charmaine sa sarili niya. PASIPOL-SIPOL pa si Vino nang pumasok sa bahay nila. Masaya ang mood nya ngayon dahil sa naging lakad nilang dalawa ni Champagne, naging maayos ang lahat hanggang sa ihatid niya ang dalaga sa bahay nito sa Luz Valdez Street sa Las Felleras. Nangako siya sa dalaga na hindi ito ang huling beses na namamasyal silang dalawang magkasama. Marami pa siyang balak pagdalhan kay Champagne kabilang na rito ang magandang Gazebo sa Nagpayong dito din sa bayan nila sa Dumaguete. "Mabuti at dumating ka na, Vino." Nabaling ang tingin ni Vino sa may kusina ng bahay nila. Nandoon ang mommy niya, kasunod ang isang magandang babaeng hindi siya pweding magkamaling si Henessy ito. Napalunok siya at ano naman ang ginagawa ang babaeng 'yon sa bahay nila. Ang buong akala nya nasa ibang bansa na ito mula nang umalis sila dalawang taon na ang nakalipas. "Hi Vino..." pagbati nito sa kaniya. Hindi nakaligtas kay Vino ang matamis nitong ngiting sinalubong sa kaniya, napakalaki na rin ng pagbabago ng babae, aniya sa isip niya. Ang patpating lampang Henessy na nakilala niya ay hindi na nakitaan ng bakas nang makaraharap ito ulit. Ibang-iba na ito, animo'y isang modelo na galing sa isang mamahaling vogue magazine. "Henessy..." "Yes, Anak. Si Henessy nga, mabuti at nakilala mo pa siya," sabat ng mama ni Vino sa kanya. Paano niya naman hindi makikilala ang babae? Ito ang nag-iisang babaeng tinudyo sa kaniya ng pamilya nila mula noong mga bata pa sila—ang nag-iisang babaeng pinagseselosan mula noon ni Champagne sa kaniya. "Kinagagalak kitang makita ulit, Vino," anito sa kaniya kasabay nang paglahad ng palad nito sa harap niya. D'on niya lang napansing ng seksing suot nito, isang fitted black jeans at checkered polo katerno ang leather brown boots na abot sa tuhod nito. "Kagagaling niya lang ng Amsterdam. Mabuti nga at naisipan nyang dumaan dito sa bahay para dumalaw sa atin." Tinanggap ni Vino ang kamay nito at agad din namang binawi nang hindi niya nagustuhan ang ngiting pinagkakaloob nito sa kaniya, tiyak na kapag nandoon si Champagne at nakikita ang lahat ng 'to, magseselos na naman iyon sa kinikilos ng dalaga. "Oo naman, tita. Wala naman akong gustong dalawin kapag bumabalik ako ng Las Felleras kun 'di kayo lang, lalo na ang kaibigan kong si Vino," sagot nito. Pilit na ngumiti si Vino, sa isip niya nandoon ang paghahanap ng dahilan kung paano makaalis sa harap ng mga ito. Hindi niya nagugustuhan ang ginawang pagdalaw ng dalaga, ganoon din ang pagtanggap ng Mama Elena niya rito sa bahay nila. "Vino, sana makapunta ka sa welcome party ko. Please. Don't disappoint me," ani sa kaniya. "Oo naman, Hija! Hjndi mawawala si Vino at Chiara sa party mo. Masaya akong pupunta sila sa selebrasyon mo, Hija. It's our Pleasure." "Thanyou, Tita." Pinagmamasdan ko lang sila hanggang sa halikan ni Henessy ang pisngi ni Mama Elena. Nandoon ang tuwa sa mga mata nito, dahil sa pangungunang pagdedesisyon ni mama sa pasya namin ni Chiara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD