Chapter 10 : Promessa di per sempre

1054 Words
TORE 'DE LAS FERELLAS, DUMAGUETE MAGKAHAWAK kamay si Vino at Champagne hanggang sa makarating sa Tore ng Las Ferellas. Goosebumps pa rin sa pakiramdam niya ang lugar na 'to parang walang nagbago kahit ilang taon na ang lumipas. "Okay ka lang, Payne?" tanong sa kaniya ni Vino. Nagkasyang inikot ni Payne ang mga mata niya sa paligid ng lugar, sa lahat ng naaabot ng tingin niya. "Napakasaya na puso ko, Vino. Parang ang lahat ng kahapon ay nagbalik. Dito sa lugar na 'to, dito ko naramdaman na kaya mo akong ipaglaban mula sa pamilya natin." Tumayo si Vino sa likuran ni Champagne at mahigpit niyang niyakap ang dalaga patalikod dito, habang ang mga kamay nila'y kapwa nakahawak sa barandilya ng Tore. "Nasabi ko na ba sa 'yo, na ito ang ginusto kong puntahan mula nang magkalayo tayong dalawa, Payne?" "Talaga ba, Vino?" "Mahirap bang paniwalaan?" sagot nito sa kaniyang pabulong sa punong-teynga niya. "Naniniwala ako, Vino. Wala akong hindi pweding paniwalaan sa 'yo, alam kong nagsasabi ka ng totoo gaya ng lahat ng mga pangako mo sa akin n'on!" Pinagkasya nilang ikutin ang mga tingin sa palibot ng kapaligirang nakapalibot sa kanilang dalawa kung saan sila nakatayo sa tuktok ng gusaling 'to. "Vino, baka hinahanap na ako ni Mama Gemma." "Huwag mo siyang intindihin, Payne. Minsan lang 'to, minsan lang tayo maging malayang dalawa." "P-pero..." "Shhhh... Hindi kita pababayaan!" Lumingon si Champagne sa gawi ni Vino. "Gaano mo kamahal, Vino?" basta niya na lamang natanong dito. "Hanggang sa dulo ng walang hanggan, Payne. Kaya mangako ka sa akin na kahit na ano'ng mangyayari hihintayin mong maging maayos ang lahat ng 'to." "Natatakot ako—" "Bakit?" "Natatakot ako, na hadlangan nila ulit tayo sa muling pagkakataon, Vino." "Hindi mangyayari 'yon! Hindi na nila tayo mahuhuli pa, Champagne. Titiisin kong itago ka hanggang sa kaya kong ipaglaban ka." "Paano kapag nalaman nila ulit? Lalo pa ngayon..." Isang halik ni Vino sa nuo ni Champagne, ang nagpatanggal sa takot na namayani sa puso niya. "Hindi na ako bata tulad n'on, Champagne. Bente tres na ako, kaya na kitang ipaglaban kahit kanino." "Makakalaban mo ang papa mo." "Wala akong pakialam! Mahal kita at kahit pa ano ang gawin nilang pamimilit na magkapatid tayo sa batas. Hindi nila mababago ang damdamin ko, Champagne— mahal kita at mamahalin kita kahit na ano pa ang maging hadlang sa ating dalawa." Para kay Champagne napakasarap pakinggan ang lahat ng mga sinabi sa kaniya ni Vino. "M-mahal din kita, Vino. At kahit kailan hindi nagbabago ang pagmamahal na 'yon, kung alam mo lang." Niyakap ni Vino ang dalagita, gusto nyang maramdaman nitong muka noon hanggang ng mga sandaling 'yon nasa tabi niya lang ito at hindi na iiwan kailanman. "Iyong polseras na bigay mo sa akin nasa bahay pa rin, Vino. Tinatago ko, hindi ko lang maisuot dahil alam ni Mama Ysabella na galing sa 'yo 'yon." "Ayos lang. Ang mahalaga, tinago mo. Malaking bagay na sa akin iyon, Aking Señorita." Dinantay ni Champagne ang ulo niya sa balikat ng binata— parang kailan lang labing-limang taong gulang lang siya noong pilit silang pinaglayong dalawa, pero ngayon at malapit na siyang maging ganap na dalaga. At walang kasing saya ang puso niya dahil nandito na si Vino. "Hindi ka na ba aalis pa?" tanong niyang nandoon ang takot sa posibleng paglisan na naman nito sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang ito. "Sa Italya ang negosyo na pinamana sa akin ni papa, Payne. Hindi ko alam kung tulad nila ng mama mo madalas din akong bibisita d'on." "Pero babalik ka naman 'di ba? Babalikan mo naman ako?" "Oo naman, Mi Amore. Sabi ko nga sa 'yo hindi ba! Hindi na ako aalis ng matagal, sapat na iyong dalawang taon na magkahiwalay tayo, hindi na mauulit ulit sa pangalawang pagkakataong 'to." "Palagi akong magpapakabait, Vino. Magiging masunurin ako kina Mama Gemma at Mama Ysabella, ganoon din sa papa mo para wala tayong magiging problema kapag gusto natin magkita ng palihim katulad nito." Tumango-tangong nakangiti si Vino sa harap niya. "Huwag mong hahayaan na may ibang lalapit sa 'yo ha, napakagandang dalaga mo, Payne. Hindi malayong walang magpapansin sa 'yo pagdating ng araw." "Wala akong ibang gusto, Inno. Ikaw lang ang laman ng puso ko, mula noong bata pa ako hanggang sa ngayon na nalalapit na akong maging ganap na isang dalaga." "Hihintayin kita—" Tumango-tango si Champagne sa sinabi sa kaniya ni Vino. Iyon lang din naman ang gusto niya ang hintayin siya ng binata kahit gaano man katagal ito. "Ang sabi sa akin ni Mama Ysabella, gagawin daw nila ang lahat ng papa mong dumalo sa debut ko." "Malapit na pala 'yon." "Limang buwan na lang mula ngayon, at nasasabik na ang puso ko, Ynno." "Gusto kong ako ang maging kapareha mo, Champagne," anito sa kaniya. Wala rin naman ibang gusto ang puso niya kun 'di ito lang, si Vino lang ang pangarap niyang huling makasayaw tulad na lamang ng mga nagaganap kapag debut ng isang babae. "Ayaw kong may ibang makakahawak sa kamay mo, ako lang dapat." "Masyado ka naman seloso! Hindi ko naman sila hahayaan. Ang sabi ko nga sa 'yo, ikaw lang mahal ko at wala ng iba pa." "Dapat lang. Hindi ko rin naman hahayaan na mapunta ka sa iba, ilalaban kita ng p*****n alam mo iyan." "Hindi magandang biro yan, Mr. Fontana ha." Natawa na lamang sila sa sinabi ni Vino, muling nagyakap ang dalawa. Mabuti na lang at walang gaanong turista ng araw na 'yon solo nila ang lugar na parang sila lang ang taong nandoon. "Sasama ka ba sa Boracay?" tanong ni Vino kay Champagne nang nasa sasakyan na sila habang pauwi. Nagpasya itong ihatid siya at ito na lamang daw ang bahala sa Mama Gemma niya kapag nakita sila. "Hindi ako nagpapaalam, dahil hindi rin naman ko papayayan. Oo nga pala si Chiara? Sasama ba siya?" tanong niya naman rito. "Nagpaalam na ako para kay Chiara, pero tulad mo hindi rin naman siya papayagan.. Mahigpit noon si mama at mas lalong humigpit ngayon, Mahal ko." Napangiti si Champagne sa unang beses na tawagin siya nitong— mahal ko ni Vino, parang ang ganda lang sa pandinig, aniya ng puso niyang punong-puno ang ligayang nararamdaman mula kanina nang magkita't tumungo sila sa makasaysayang lugar kung saan ilang beses silang nangako ng pagmamahalan sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD