CHAPTER 28 “Excuse me. May pag-uusapan lang kami.” “Sige lang.” Tumayo si Jerick. Nakatingin siya kay Ricky. May sumilay na ngiti sa kanyang labi. “Anong tinitingin-tingin mo ha?” singhal ni Ricky. “Hindi mo kailangan magalit. Wala kang dapat ikagalit,” umiiling-iling na sabi ni Jerick. “Tang-ina sumasagot-sagot ka pa talaga ah!” “Tama na ‘yan, ano ba!” hinawakan ko ang bisig ni Ricky. Pinigilan. “Bantayan mo nang hindi makuha ng iba sa’yo,” pang-aasar ni Jerick bago siya tuluyang nakalayo. “Ano bang problema mo?” tanong ko kay Ricky. “Ewan ko! Hindi ko alam! Hindi ko maintindihan!” paalis na ito. “Gano’n lang? Akala ko ba mag-uusap ta