CHAPTER 15 Sinadya kong pumunta sa CR nang mga oras na wala nang pila. Kinuha ko ang aking sabonera at ng aking tuwalya. “Maliligo ka?” pabulong na tanong ni Ricky. Tumango lang ako. Nakita ko na naman ang kanyang ngiti. Natutunaw ako sa kanyang mga titig sa akin. Nakahubad siya kaya kita ko nang malapitan ang kanyang nakatatakam na mukha. Sandali kong natitigan ang kanyang labi. Mamula-mula iyon at mamasa-masa na parang napakasarap siilin ng halik. Kung sana pwede lang. “Ipagpabukas mo na lang ‘yan. Hindi ka ba nadadala?” “Nadadala? Hindi. Kung hahayaan ko lang na matakot ako sa kanila, ibig sabihin isinusuko ko na ang buhay ko sa kanila. Hindi na dapat pang patagalin ito. Hindi ko na sila dapat pang bigyan ng pagkakataong takutin lang ako ng takutin at saktan.” Bum