Kabanata 2 – Pagkakaibigan

1487 Words
Mukhang wala naman siyang dapat ipag-alala. Natutuwa si Jamie na makitang seryoso nitong kinikilatis ang mga gawa niya. Tahimik niya iyong ginawa. Nang dumating ang pagkaing inorder niya ay sinimulan niya agad ang pagkain noon. Gutom na kasi siya. Sinulyapan lang siya ni Dave at ipinagpatuloy ang ginagawa. Huh. Maganda naman ang mga gawa ng dalaga. There’s variety. Pero iniisip niya na mag-stick to one theme na babagay sa club. The sceneries should be fine, lalo na kung sa second floor niya ilalagay. Pinili niya iyong mga kukunin niya at inilipat ang mga iyon sa isang bagong album. Nang matapos siya ay malapit na rin matapos sa pagkain ang dalaga. Nang maramdaman ni Jamie ang titig nito ay nilingon niya ang binata. “May napili ka ba?” “Yeah. I moved them to a separate album, pero sabihin mo muna sa akin kung magkano lahat. Baka maamaya ay hindi kasya sa budget ko.” Pagbibiro ni Dave, dahil hindi naman talaga nila napag-uusapan pa ang presyo ng mga iyon. “Oh, okay. Let me see. We can negotiate on the price naman. I need the money, so thank you.” Lumapad ang ngiti ni Jamie dahil dito. She told him the total price of everything he chose and it was within his calculations kaya pumayag na siya. “Wow, hindi ka makikipag-tawaran?” “Para saan pa? Mura na nga iyang presyo mo. Kailan mo pwedeng dalhin dito?” “Oh, bukas siguro. Open ba kayo sa umaga?” Umiling si Dave. “Mga bandang hapon siguro. Around three.” “Okay. Salamat. Saan mo pala ilalagay? Medyo marami ‘to, ha?” “Sa taas. We have eight private booths there. They’re like rooms already. Plus yung office ko pa.” “Oh, I see. Kailan ang open niyo nun? Private booths?” Napatingin si Jamie sa dance floor kung saan ay karaniwang may mga naglalampungan at naglalandiang mga nilalang. “Ugh, I don’t want to think what people are going to do there. May pinto na naiilock?” Si Dave man ay napangiwi rin, knowing what exactly she thought and having thought of the same. “Yeah. I’m not sure how I’m going to prevent that particular use of the rooms. I don’t want to turn this club into such a place.” “Remove the locks, then.” Suhestiyon ni Jamie. “But the whole point is to give them privacy.” Napabuntung-hininga sila pareho. “Turn it into a VIP thing? Yung tipong iilan lang ang pwedeng um-access. People you can trust not to… you know. “Hmm, that can work.” Pareho silang natahimik at nagkatitigan. Natawa si Dave habang ang dalaga ay nakangiti lamang. “You’re good.” “Huh, pakisabi yan sa mga inaapply-an kong trabaho.” Pabirong sagot ni Jamie. “I’m sure you’ll find one soon.” “Salamat.” “So, mas pinoproblema mo talaga ang kawalan ng trabaho at hindi iyong paghihiwalay niyo ng boyfriend mo?” Naningkit ang mga mata ni Jamie. “Medyo. Kaya lang naman ako umiinom ngayon ay dahil gusto kong kalimutan yung nakita kong kababalaghan kanina. I caught them in the act. As in they were having s*x when I arrived at his place. First time kong makasaksi ng ganun, no? Mas natrauma pa ‘ko dun kaysa sa nalaman kong niloloko lang pala ako ng gagong yun.” “Oh, s**t. Totoo? Damn. I can imagine. How did you react? Nagulat ba sila sa pagsulpot mo?” Mukhang na-amuse pa ang binata sa halip na mandiri kagaya niya. Dahil dun, she’s beginning to see it that way, too. “I don’t know. Nagulat sila but they’re probably so into it na halos wala silang reaction nung dumating ako. Tinulak niya padapa sa couch iyong babae nang simulan niyang magpaliwanag sa akin. I didn’t want to listen to a single word he said. Yung babae, she did look embarrassed. I’m not sure but I think I heard her say na hindi niya alam na may jowa pala itong boyfriend ko. Ex, I mean.” Napailing si Dave. “Did you hit him? Sinabunutan mo ba iyong babae?” “Hmm, I did hit him. I tried to hurt him as much as I could. Si girl, hindi ko na lang pinansin. Hindi ko sigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo. Maybe yes, maybe no. Kawawa rin naman kasi siya kung niloko lang din siya ni gago, di ba? Ah, basta. Gusto ko lang mawala sa utak ko iyong hubo’t hubad nilang mga katawan kanina. Ugh.” Sabay tungga niya sa bagong bukas na bote ng beer sa kanyang harapan. Hindi malaman ni Dave kung matatawa ba siya o maiinis. Mas nangibabaw ang inis. “Buti hindi mo naisipang putulan ang ari niya. Ang mga ganyang lalaki, malakas ang loob manloko, pero wala namang bayag.” Pangungutya ng binata sa tonong medyo galit. Napaubo si Jamie bago humagalpak ng tawa. Bwiset lang. “Hahahaha… Hoy, grabe ka naman. Hindi naman ako brutal. Eww, ayaw ko rin na nakakakita ng sugat at dugo. Yuck!” “Ewan. I probably expected it to happen na rin. We’ve been distant for some time. It was only a matter of when.” “Hindi mo na ba siya mahal? You would’ve been bawling your eyes out if you’re actually hurt by the break-up.” “Something like that. I mean, as we drifted apart, unti-unti rin namang nawala yung pagmamahal ko sa kanya. Hindi siya kawalan. Ngayon, makakapag-focus na ‘ko sa paghahanap ng trabaho. Hindi na siya dadagdag sa problema ko.” “You have a good mindset.” Pagpuna ni Dave. Yeah, well… she has to. Ngumiti na lamang si Jamie. There’s a certain part of her life na hindi niya gustong ibahagi sa iba. Especially not to a stranger she just met. “Eh ikaw? You said it’s been three days? You don’t look hurt.” “I already told you what kind of person she is now. Kagaya mo, over time as she changed, my feelings also did. Hindi siya kawalan.” “Good for you. You still look young. How old are you, if you don’t mind me asking.” Ngumiti muli si Dave. He’d been wanting to ask for her age. Knowing she just graduated, he has a guess pero iba pa din iyong alam niya ang mismong sagot. “Twenty-eight. You?” “Twenthy-three.” “It’s not much of a gap.” He mused. What for? He doesn’t know. Nag-muni-muni si Jamie at bahagyang kinilatis ang lalaki. Napailing siya. No. He’s not exactly her type. It would be weird to think in that direction, lalo na’t pareho silang kagagaling lang sa break-up. Just no. Napatingin si Dave sa kanyang wrist watch. Ilang minuto pa ay magsisimula nang dumating ang mga customer nila. “Are you good here? I still need to check a few things.” “Yeah, go ahead. I’ll be right here.” Ayaw niyang abalahin pa ang lalaki. Swerte na iyong napabili niya ito ng mga gawa niya. She’ll have to deliver those tomorrow. Dahil doon ay medyo nakampante siya. Magkakaroon siya kahit papaano ng kaunting pera para sa gastusin niya in the next month. Hindi nag-expect ng kahit ano si Jamie. They had a good chat, that was it. Hindi niya akalain na doon pala magsisimula ang kanilang pagkakaibigan. Medyo nagulat siya nang muli itong sumulpot sa tabi niya para ituloy ang pakikipagkwentuhan. Dahil kakagraduate pa lang niya, they talked about college and the transition she’s going through. Hindi naman ganoon kahirap sa kanya dahil halos siya na rin ang sumuporta sa sarili niya nitong nakaraang taon. Her parents refused to give her extra money. Pambayad lang talaga sa tuition at school fees ang ipinapadala nila. They didn’t want to support her dahil hindi niya sinunod ang kursong gusto nilang kunin niya. You could say her parents are typical in wanting their children to become employed in well-known companies. Security of employment ang inaasahan nila. Iyon ang gusto ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkakapatid. Her older siblings did that. Siya lang ang naiba at kumuha ng Fine Arts. To be fair, she did think she was an accident. Siya iyong anak na hindi kasama sa plano ng mga magulang niya. Eight years ang tanda ng sinundan niyang kapatid. Nasa high school pa lamang siya ay tapos na sila ng pag-aaral. They do send financial support for their parents na retired na sa pagtatrabaho, pero reluctant sila na suportahan ang pag-aaral niya. Noon pa man ay hindi na sila malapit sa isa’t isa, dahil na rin sa agwat ng kanilang mga edad. They’re not the type to spoil their youngest sister. Mas akma pang sabihin that they resent her existence. Jamie tried not to dwell on those thoughts. Tapos na yun. Graduate na siya. This is the beginning of her new life.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD