bc

Pagtanggap

book_age16+
11
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
arrogant
badboy
goodgirl
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Nahuli ni Jamie ang kanyang nobyo na nakikipagtalik sa ibang babae. Sapat na dahilan na iyon upang makipaghiwalay siya rito. Ilan na rin ang naging nobyo niya at lahat sila ay hindi naging matapat sa kanya. Siya ba ang may mali? Gayunpaman, gusto pa rin niyang maranasan na mahalin at pahalagahan. Dahil sa aktong nasaksihan, nagpunta siya sa isang bar upang limutin ang kanyang nakita. Doon niya nakilala si Dave at maraming bagay silang napag-usapan. Iyon ang simula ng kanilang pagkakaibigan.

Sawa na si Ella sa paraan ng pagtrato sa kanya ng kanyang mga naging nobyo. Marahil ay maituturing nga siyang “easy” na babae kaya halos hindi siya pahalagahan ng mga nakakarelasyon niya. Gusto lang naman niyang maranasan na sinusuyo, nililigawan nang maayos, binibigyan ng bulaklak at tsokolate… Yayayain siyang mag-dinner sa isang restaurant, kahit fastfood pa yan. Simple lang naman ang hiling niya, pero hindi ganoon ang ginagawa ng mga lalaking pumasok sa buhay niya. Siya iyong tipo na madaling kausap, kaya naman madali rin siyang naaabuso ng mga walang kwentang lalaki. Inabot ng ilang taon bago niya tanggapin na marahil ay siya nga ang problema.

Si Dave, simpleng nangangarap na maging matagumpay ang kanyang negosyo ngunit napakaraming problema ang kanyang hinaharap sa araw-araw. Nang una niyang makita si Ella sa library ay imahe ng isang mahinhing babae ang kanyang nasaksihan. Na-intriga siya sa inosenteng pananamit at pagkilos ng dilag.

Si Tyler ay pinsan at matalik ring kaibigan ni Dave. Isang kilalang playboy ang binata at mahilig makipaglandian sa kung sino-sinong babae na lumalapit sa kanya. Nang magka-interes siya kay Jamie, hindi siya pinansin ng dalaga. Ayaw ng babae sa isang katulad niya. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Sa unang pagkakataon ay seryoso siyang nagka-gusto sa isang tao. Mahihirapan yata siyang kumbinsihin ito na tanggapin siya bilang nobyo.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 – Ang Simula
Biyernes ng gabi noon at natagpuan ni Jamie ang sarili sa loob ng isang bar. Mas angkop na tawagan itong isang club na karaniwang pinupuntahan ng mga tao upang sumayaw, uminom, at makihalobilo sa iba pang mga tao. Ang layunin niya sa gabing iyon ay mag-inom, kaya dumiretso siya sa bar at umupo sa isa sa mga upuan. Medyo napangiwi siya nang maalalang ito yung madalas pwestuhan ng mga nagpapa-pick up na kababaihan. Hindi naman iyon ang pakay nya. Bahala na. Isinusumpa niya na kapag may lumapit sa kanya ay iisnabin na lang niya. Umorder siya ng beer. Simple lang. Wala siyang panahon para alamin pa iyong kakaibang tawag sa mga pinaghalo-halong klase ng alak. At halos ito lang din naman ang tanging inuming may alkohol na kaya niyang lunukin. Hindi talaga siya manginginom. Nangyari lang na trip niyang mag-inom ngayong gabi dahil sa nasaksihan niya kani-kanina lang. Grrr. Napailing siya, gusto niyang limutin ang bagay na iyon. Medyo nandiri siya at pakiramdam niya ay gusto niyang masuka. Nahuli niya ang kaniyang boyfriend sa mismong akto na nakikipagtalik sa iba. Ay teka, ex-boyfriend na pala ngayon. Mukhang mas bata sa kanya iyong babae. Tingin niya ay nag-aaral pa iyon sa kolehiyo kaya siguro natipuhan ng walang kwentang lalaking iyon. May malungkot na ngiti sa mukha niya. Tatlong taon na sila ni Daniel. Sabay silang pumasok sa kolehiyo. Magkaiba sila ng departamento at nagkakilala lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan. Hindi naging maayos ang kanilang relasyon noong nakaraang taon. Akala niya ay pareho silang abala para sa graduation. Napaka-demanding naman talaga ng senior year. Ang pagtapos palang sa thesis paper na iyon ay sapat na dahilan na para hindi siya makatulog nang maayos tuwing gabi. Inisip niya na pagkatapos ng graduation ay magiging mas maayos na ang kanilang relasyon. Muli na silang magkakaroon ng oras para sa isa’t isa. Hindi pala. Ilang buwan na ang lumipas mula ng magtapos sila ni Daniel sa kolehiyo. Sa halip na ayusin nila ang kanilang ugnayan ay naghanap na pala ito ng ibang babae. Napabuntung-hininga siya. Mukhang maagap pa dahil halos wala pang tao sa lugar na iyon. Sa ngayon, hindi lang siya nag-aalala tungkol sa kanyang nasirang relasyon kundi pati na rin sa kanyang paghahanap ng trabaho. Iyon ang mas inaalala niya. Bakit ang hirap? Mas gusto ng mga employer ay iyong mga aplikanteng may karanasan. Bukod roon, ang kursong tinapos niya ay hindi masyadong konektado sa pagtatrabaho sa mga opisina. Fine arts ang tinapos niya, bagay na hindi sinuportahan ng kanyang pamilya. Sa isang banda, tama sila. Nahihirapan nga siyang maghanap ng trabaho dahil doon. Gayunpaman, iyon ang pinili niya dahil iyon ang gusto niya kahit pa walang masyadong oportunidad sa maliit nitong industriya. Ang kumpanyang pinuntahan niya para sa internship ay walang anumang available na posisyon para sa kanya. Ang tanging magagawa na lang niya ngayon ay maghanap ng trabaho na iba sa pinag-aralan niya. Nagtingin-tingin si Dave sa loob ng kanyang club. Maaga pa. Ilang tao palang ang naroroon. Dahil Biyernes, isa ito sa pinakamataong araw linggo-linggo. Sumunod ay ang Sabado. Isang oras na lamang ay tiyak niyang mapupuno na ng mga tao ang lugar. Napasulyap siya sa bar at nakita niya ang isang babaeng nakaupo doon. Napalingon ito sa direksyon niya na tila naramdaman ang kaniyang nakatutok na mga mata. Ang aga naman nitong mag-inom. Lumapit si Dave sa babae at naupo sa bandang kaliwa nito. Minabuti niyang may dalawang bakanteng upuan sa pagitan nila. Napatingin si Jamie at napansin niya ang bagay na iyon. She appreciates that. Mukhang gentleman naman ang lalaki. "Magandang gabi, boss." Pagbati ng isang bartender kay Dave at binigyan siya nito ng isang inumin. “Magandang gabi rin.” Tipid na sagot niya at tumango rito. Malinaw na narinig ni Jamie ang kanilang palitan. She didn’t want to look rude or something kaya nanatili ang mga mata niya sa sariling inumin. Napabuntong-hininga siya pagkatapos. Ininom ni Dave ang laman ng baso. Maya-maya ay bahagya niyang inikot ang sarili para humarap sa dalaga. Aalamin niya kung interesado bang makipag-usap ang isang ito. Mukhang hindi nalalayo ang edad nito sa kanya, bagaman tingin niya ay mas bata ito. Tinapunan ni Jamie ng tingin ang lalaki at tinaasan ito ng kilay. Tipid na ngumiti si Dave, “Pinakamaagap ka yata sa mga customer namin ngayong gabi. Nag-iisang customer din dito sa bar and drinking beer already. Anong klase ng problema ang pinagdadaanan mo?” Bahagyang hinarap din siya ng dalaga at tumitig ito sa mga mata niya, “Hindi ba dapat ay magpakilala ka muna? Anong pangalan mo, anong ginagawa mo rito…? That kind of thing.” “David Merluza. Most people call me Dave.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. Tinitigan iyon ni Jamie ng dalawang segundo bago nakipagkamay sa binata. She assumed he’s still single or something. Marahil ay may kasintahan na ito. “Jamie Oliarte. You can just call me Jamie.” Tumango ang lalaki at muling nagtanong, “So, anong nagdala sayo rito ng ganito kaagap?” Napangiti ng mapait ang dalaga, “What can I say? I broke up with my boyfriend earlier. So, ex-boyfriend na ngayon. Aside from that, nahihirapan din akong makahanap ng magandang trabaho. Malapit na ring maubos ang pera ko.” Natawa na rin siya, “Why I’m wasting money on beer is beyond me.” Naningkit ang mga mata ni Dave. Well, he can relate. Medyo natawa rin siya. “Well, I broke up with my girlfriend three days ago.” Napatingin si Jamie dito at napataas muli ang kilay niya. “Oh, talaga? Bakit kayo naghiwalay? Iyong sa akin ay manloloko. Nahuli kong may ibang babae.” She did think the man wouldn’t want to hear the details. Siya man ay ayaw niyang sariwain ang nakita niyang kababalaghan. Napangiti si Dave. “Ha, kapareho lang. Nagloko rin yung nobya ko.” “Talaga? Mukhang pinagpalit ako sa isang babaeng nasa kolehiyo pa. Gusto niya yata ng mas bata.” “Ako, pinagpalit sa isang lalaking may tatlong kotse. Gusto niya yata ng mas mapera.” “Huh. Di ba tinawag ka niyang boss kanina? Ikaw ba ang may-ari nitong club? Or are you the manager?” Di niya maiwasang tingnan ito mula ulo hanggang paa. He doesn’t look like a manager. “I’m the owner at ako rin ang namamahala. Iniisip mo siguro na malaki ang kinikita ko rito, pero sa totoo lang ay marami rin kaming kagastusan. Right now, I’m spending more money than I’m earning. We’re trying to improve the aesthetic of the place.” He looked around the club at ganoon din ang ginawa ni Jamie. “Oh, eh ilan ang kotse mo?” Natawa na nang tuluyan ang binata. “Isa lang. Medyo luma na rin.” “Aanhin naman niya ang lalaking tatlo ang kotse? Makikigamit siya ng isa?” “Siguro. Madalas niyang gamitin ang kotse ko noong kami pa.” “Let me guess, hindi siya umaambag ng pang-gasolina?” Tumango na lamang si Dave at pareho silang napangiwi. “You dodged a bullet. Gaano katagal na naging kayo? Dapat ay noon mo pa siya hiniwalayan.” “Hindi naman siya ganoon dati. Simple lang siya noon. We dated for a few years. Siguro ay nakasanayan na niyang kasama iyong ibang mapepera kaya nagbago rin ang ugali niya.” “I see. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Eh ikaw? Don’t tell me hindi mo pa nararanasang kumita ng malaki rito?” “There are good months. Pero karaniwan ay ginagastos ko rin sa pag-aayos nitong club. This started small, then we slowly made the place bigger. Dati ay wala kaming bar na ganito. Siksikan ang mga tao sa dance floor. We don’t have space for tables and booths. Ngayon ko lang din napaayos iyong second floor. There’s still a lot to do.” Tinitigan ni Jamie ang lalaki. “Good for you.” Dave grunted, “Mas madalas akong mamroblema dahil sa club na ‘to.” “Oh? Eh bakit hindi mo na lang itigil? Gusto mo rin naman siguro ang ginagawa mo.” Sa isip ni Jamie ay mukhang maayos kausap ang lalaki. She’s enjoying their conversation. Mukhang matino naman ito kung nakaya niyang palaguin ang negosyo niya. “Ganun na nga. Kahit mahirap, nakakatuwa lang na nakakatulong ako sa ibang tao, sa mga empleyado ko. Masaya din ako na maraming tao ang nagagawang magsaya kapag napupunta dito sa club.” Napabuntung-hininga si Jamie. “Mabuti ka pa. May vacancy ba kayo dito?” Pabiro lang ang tanong niya, ngunit alam nila pareho na half-serious siya. Napabuntung-hininga rin si Dave. “Unfortunately, none. I would have given you a job kung meron, pero wala sa ngayon.” Napangiti ang dalaga, “Talaga? Salamat. It’s the thought that counts.” For some reason, naniniwala siya na nagsasabi ng totoo ang binata. He seemed like the type to help out other people. “What was your previous work?” Tanong ni Dave makalipas ang ilang minuto ng katahimikan. Umiling si Jamie nang nakangiti, “New grad. Haven’t had work yet. I’m looking for my first job. I did my internship at a marketing company. I do graphic designs, although fine arts talaga ang tinapos ko.” “I see. Mukhang mahihirapan kang makahanap ng trabaho dito. Aren’t you planning to move into another city?” “I did minor subjects on office management, so… I was hoping I can get a job in that area.” “Well, good luck. That one’s saturated.” Napaungol si Jamie bilang pag-sang-ayon. Totoo yun. Napadpad ang tingin ni Jamie sa bandang itaas kung saan ay tila may nakasulat na menu. “Ano ‘yun? Menu board? What, you’re offering dinner now?” Hindi naman baguhan si Jamie sa club. The first time she’d been here was two years ago. Hindi man siya madalas pumunta dito ay pamilyar pa rin siya sa lugar. She could remember the changes he mentioned. The progress is indeed commendable. “Yeah. We’re trying that out. Medyo marami na rin ang nag-rerequest na mag-provide din kami ng food. So, there. We’ll see kung papatok. We’ll give it a month before we decide kung ipagpapatuloy ba namin.” “Mura, ha?” Halata ang pagkamangha sa mukha ng dalaga. Natawa na lang si Dave. “Don’t be deceived. Small portions lang iyan. Tipong pangtawid-gutom lang. Most people aren’t here to eat but to have fun. The portions can be eaten in under five minutes and they’re all light meals. Nothing heavy on the stomach.” “Oh, I see. Maliit lang naman akong kumain. Are they available tonight? Can I order?” “Yeah, sure. You can order what you like.” Jamie took a moment to choose. She likes food. Kung hindi lang siya kapos sa pera ay gugustuhin niyang tikman lahat ng nakalagay roon. Bahala na nga. She placed her order and they continued to chat. Nabanggit ni Dave ang tungkol sa second floor at kung ano ang mga ginawa nila roon. They’re booths, to provide more privacy sa mga customer. “Medyo magastos ang renovation. Idagdag mo pa ang mga furniture and the decorations.” “Oh, décor. I do framed paintings. I have a few at home. Baka may magustuhan ka? I can bring them to show you, if you want.” Damn. That sounded a wee bit desperate. Or maybe she’s starting to get drunk, who knows? Natawa si Dave sa hitsura niya. She’s not exactly pushing it, so he’s inclined to agree. “Don’t you have photos? That would be easier for me to see, right?” “Oh, yeah. I have some.” Inilabas ni Jamie ang kanyang mobile phone at binuksan ang photo gallery bago iyon iniabot kay Dave. “Here’s the album. Nabenta na iyong iba diyan. See if you’ll like any. Mura lang ang bigay ko diyan. The sizes are there. Makikita mo naman.” Medyo kinabahan si Jamie. She’s not exactly confident of her art works. Ano bang naisip niya at inalok niya sa binata?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook