Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nagdaan mula nang pumasok ako sa kwarto ni Veronica. Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama. Bumaling ako sa malawak na bintana na kita ang nagkikislapang mga butuin at mga ilaw ng buong siyudad ng Davao.
Gusto kong pumanatag at isiping maayos lang ang lahat. Na hindi naman malaking kasalanan ang paglilihim ni Jack sa akin tungkol sa bagay na iyon.
Pero ang hindi ko lang kasi kayang tanggapin na pinagmukha niya akong tanga. Sa tingin ba niya pag nalaman kong siya pala si Midnight Blue may magbabago sa nararamdaman ko sa kanya? Sa tingin ba niya hihindian ko siya?
Ang babaw naman ng tingin niya sa akin kung ganun. Maano ba kung iisa silang dalawa? I don't see anything wrong with that!
Napakislot ako sa pagbukas ng pinto. Bumaling ako doon at bulto ni Jack ang nakita kong pumasok. Nakayuko ito. Pagsara nito sa pinto ay sumandal ito doon at namulsa.
“Can I come in?” Mababang tono na tanong nito.
“Stupid. Nakapasok ka na nga di ba?” Tinanggal ko ang duvet sa aking katawan at tumayo. Lumapit ako sa bintana at inignora ko siya.
“We need to talk, love.”
“We are talking, Jack.”
Malalim na buntong-hininga ang narinig kong pinakawalan niya.
Nang marinig ko ang yabag niyang papalapit, marahas na humarap ako sa kanya at tinaas ang kamay, making him stop on his tracks.
“Huwag kang lumapit dito. Diyan ka lang sa may pinto, Jack.” Mariin kong sabi.
“Julianne—”
“Isa!”
Nagtagis ang bagang nito. “Okay.” He took a step backwards.
Ayoko siyang lumapit sa akin. Dahil alam kong traydor ang katawan ko. Alam kong isang yakap niya lang sa akin, mapapasunod na niya ako. Konting suyo niya lang sa akin, at mawawala na ang tampo ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa lalakeng ito at nawawalan ako ng paninindigan sa sarili ko.
“I'm sorry, love.” He said after a moment of silence.
“Sorry for what? For making me stupid or for hiding the truth from me.”
“Ang totoo niyan, hindi ko alam paano ko sasabihin sa iyo. Siguro kung hindi mo kilala si Midnight Blue baka madali lang para sa akin na sabihin sa'yo na ako ay siya. Pero nang nalaman kung nakikinig ka pala sa kanya, you even called him, naduwag na ako.”
Hinarap ko siya habang ang mga braso ko ay nakahalukipkip. “Naduwag? Ano ba sa tingin mo ang magiging reaksyon ko pag nalaman kong iisa lang kayo? Do you expect me to get mad at you? Do you really think I'm that shallow, Jack?”
“No, love. I didn't think of you that way. It's just that.... uhm, can I at least take a seat over there?” Turo niya sa single chair malapit sa tokador.
Nagtaas ko ng kilay.
“I’m shaking, love. Kinakabahan ako eh.” He smiled awkwardly. Pawisan rin ang kanyang mukha.
“Kinakabahan ka kasi guilty ka!”
“Oo! Aaminin ko na itinago ko nga ang ganung bagay sa'yo pero maniwala kang ginawa ko lang ang tingin ko'y dapat. Balak kong sabihin, okay, ngunit sa tamang panahon.” He said and sat on the chair.
“So tingin mo tama lang yun? Tama lang na bulagin mo ako sa katotohanan na ang DJ na pinapakinggan ko at ikaw ay iisa pala. Jack naman! Ginawa mo akong tanga! Yun ang point ko! You make me stupid! Siguro pinagtatawanan mo na ako!”
“No! s**t. It's not that, Julianne!”
“Then what! What was stopping you to tell me the truth? Gaano ba kahirap sabihin na iisa lang naman pala kayo? Yung mga gabi na late ka na umuuwi, lagi mong sinasabi na overtime ka sa work.”
“Being a disk jockey is also one of my jobs, Julianne.” He combed his hair frustratingly at inilang hakbang lang niya ang distansya sa pagitan namin. He held me on my shoulders. Pumiglas ako but he held me tighter.
“I'm just insecure. I hate to admit this, but hell, yeah. I'm insecure.”
Nalaglag ang panga ko. I don't get him. Insecure of whom? Of what?
“Alam kong pag nalaman mong ako si Midnight Blue, paghihinalaan mo ang intensyon ko sa'yo. Na baka iniisip mo na pakana ko ang lahat. Na planado ang lahat ng ito. But I swear in the name of God, hindi ko pinlano ito.” He sighed again. His doe eyes looking at me intently like he wanted to reach my soul.
“Love, naalala mo nung unang tumawag ka? Sa maniwala ka man o hindi, nagustuhan ko ang boses mo sa telepono. I even like the name you said. Aubrey. The name suits the voice. May kung ano sa boses mo ang nagpagulo sa sistema ko. And you amused me. You called out of curiosity, right? Yun ang sabi mo noon. Maniwala ka sa akin, Julianne. Right at that moment, you’ve already captivated me. So, I sang on-air. And that was the first time I ever done that for the past years of my life being a Disk Jockey. Can you imagine the feedbacks I had received? The lines were burning! Callers went crazy! So, I left the station. But what happened next, was more than beyond imagination. I bumped into you. We met for the first time. I didn't know who you are that time, love. I swear. Nang malaman kong ikaw pala yung si Aubrey, do you have any idea how happy I was? I was ecstatic! Dahil pakiramdam ko'y pinagtagpo tayo ng tadhana. Na ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para paglapitin tayo.” Mahabang paliwanag nito.
Hinawakan niya ang aking mga kamay at dinala sa kanyang labi. He kissed them softly. Tenderly.
“Natakot ako sa maaari mong isipin pag nalaman mong iisa kami. Natatakot akong baka lumayo ka sa akin, Julianne. I'm even insecure of the fact that you might like Midnight Blue more than you like me. I know that's absurd but yeah, I feel that too. Marami akong naiisip na negative pag umabot tayo sa ganitong punto. At katulad nga ng inaasahan ko, you think bad about me.” Bumagsak ang balikat nito. Para itong pinagbagkasan ng langit at lupa. He looked defeated.
Umiling ako. “Bakit ko iisiping layuan ka Jack?”
“Kasi nga akala ko paghihinalaan mo ako sa intensyon ko sa'yo. Kakaumpisa pa lang natin sa relasyong ito, di ba? And I know you are still having second thoughts. Kaya pag inamin ko sa'yo ang katotohanan ng agaran baka tuluyan mo akong iiwasan at iwan. Alam kong naging duwag ako, pero natatakot lang akong mawala ka sa akin Julianne.” His voice broke. “Paki-usap, huwag mo akong iwan.”
Nanibugho ako sa hitsura niya ngayon. Jack is fragile. Napagbatid kong pagdating sa akin, nagiging emosyonal ito. He loses control of himself when it comes to me. And I appreciate that. Ibig sabihin, malakas ang epekto ko sa kanya. Well, the feeling is mutual. Because I also feel the same way towards him. Nagiging marupok din ako pagdating sa kanya.
“Dapat bang maniwala ako sa'yo Jack?” Napapaos kong tanong.
He leaned his forehead against mine. His breathing fanning through my face. Our nose touching each other's tips. His eyes shut.
“Paniwalaan mo ako, dahil lahat ng ito ay totoo.” Hinila nito ang palad ko at tinapat sa kanyang dibdib. When he looked at me, I was mesmerized. “Ikaw lamang ang tinitibok ng puso ko, Julianne. Mahal na mahal kita. Makakalimutan ko siguro ang lahat ng bagay sa buhay ko, ngunit hindi ko makakalimutang may isang tulad mong nagpapatibok sa puso ko. Nakaukit na ang iyong pangalan dito, Julianne. At hindi na yan magbabago pa magpakailanman.” Madamdaming bigkas nito
Napasinghap ako. Tumatagos hanggang buto ko ang kanyang pahayag. At nakikita ko sa kanyang mga mata ang katotohanan, na minamahal niya akong tunay.
I blinked at nagpahid ng luha sa sulok ng aking mata. “Siguraduhin mo lang Jack na ito na ang huling beses na na maglilihim ka sa akin. I want this relationship to work. Kaya gusto kong maging honest tayo sa isa't isa.”
He stiffened. His eyes fluttered. He seems confused, bewildered, nervous?
“Jack? Are you okay?” Hinawakan ko ang kanyang braso and he quivered by my touch.
“Yeah.” He shut his eyes and a crease formed on his forehead. “Bigla lang sumakit ang ulo ko. Baka sa alak lang ito. About what you said, yes Julianne. Wala na akong nililihim pa sa'yo.”
“Promise?”
He bit his lip at marahang tumango. “Promise.”
I smiled tenderly at niyakap niya ako. He buried his head on the base of my neck and his nostris with my scent.
“I was scared a while ago. Akala ko ay hindi tayo magkakaayos.” He said.
“It's because I'm being fair. Kahit gusto ko mang huwag kang makita, but I know I have to hear your side.”
Humigpit ang yakap nito sa akin. “I can't promise you that I will not hurt you in the future love. But promise me, whatever happens, you have to hear me first before you think the worst in me.”
“Okay. Nangangako ako, Jack.”
“Good. Now, I'm okay.”
Tinaas niya ang baba ko at bumaba ang kanyang mukha patungo sa akin. Konti na lamang at maglalapat na ang aming labi nang bigla na lamang bumukas ang pinto at sunod-sunod na bumagsak sa carpeted floor ang mga kaibigan niya. Halos sumubsob sila sa sahig na ikinatawa ng mga babae sa likod.
“You've been eavesdropping?” Pinagtaasan ko sila ng kilay.
“Mabilis silang tumayo at nag peace sign.
“Kalalake nyong tao, napakatsismoso nyo.” Jack growled at them.
Nagtuturuan ang mga ito. “Si Ian nagsimula, dude. Huwag kang ano.” Si Lawrence.
“Anong ako? Si Reid kaya.”
“Ogag, ako pa talaga e, nananahimik ako sa sulok.” Reid scoffed at Ian.
“Lalo namang hindi ako.” Ani ni Chris. “Hindi ako tsismoso.”
“Sino ba talaga?” Namewang ako sa kanilang harapan.
Nagkamot sa batok si Ian. “Oo na. Ako na. Akala ko kasi makakanood kami ng libreng telenovela. Yung sampalan scene. Iniisip ko kung paano mo baliin ang leeg ni Jack. Akala ko iiyak na si Jack eh. Vi-video ko sana ulit.” He grinned naughtily.
“Gago. Iyak ka dyan. Kala mo naman wala akong video mo noong umiiyak ka minsan habang nakatingala ka sa malaking painting ni Elena. Meron ako nun. Kala mo ha.”
“Seryoso tol?”
Humalakhak ang mga lalake. “Seryoso! Naalala namin yun! You were so drunk that time, Ian! Epic moment!” Tawang tawa si Chris sa itsura ni Ian na parang nawalan ng dugo ang mukha.
“Tama na yan ang mahalaga ay okay na sila. Okay na nga ba?” Si Elena na pumasok na rin sa kwarto. Nakasunod sila Isay, Emerald at Veronica sa kanya.
Ginapos ulit ako sa mga yakap ni Jack. “Okay na kami.” He smiled lightly.
“Julianne?” Si Emerald.
I nodded. “Yep. We're good.”
Veronica rolled her eyes. “Thank God. Na hala, balik na tayo sa sala at nang maubos na ang lahat ng pagkain.”
Tumawa si Chris na umakbay sa kanyang mapapangasawa. “Ang takaw natin, sweetie. Baka naman may laman na yan.”
“Tsee. Ginutom lang ako sa dalawang ito.” She kissed Chris' cheek.
Humalakhak sila. Nakakagutom nga rin siguro dahil gusto ko ulit kumain. Lumabas sila at nagpuhuli kami ni Jack
Nagulat ako sa pagkudlit ng halik nito sa akin ng mabilisan. “Nabitin kanina eh.” He chuckled.
Yumakap lamang ako sa kanyang baywang na nangingiting umiiling-iling.
**********
Mabilis ang aking paghinga at bumalikwas ako sa higaan. Napaungol ako sa sakit ng ulo. Kokonti lang naman ang nainum ko knina sa party ni Veronica ngunit kumikirot ang sintido ko.
Bumangon ako at nagsalin ng tubig sa baso na nakalagay sa coffee table. Inubos ko ang laman niyon. Tinignan ko ang orasan at ang basa ko ay mag aalas tres pa lang ng madaling-araw. Ilang oras pa lang pala ang naitulog ko buhat ng umuwi kami mula sa hotel.
I had a bad dream. Parang nasa bangin yata ako at mahuhulog na. Nakakapit lang ako sa ugat ng kahoy at humihingi ako ng saklolo.
Dalawang tao ang nagpakita mula sa itaas. Si Jack at si Gabriel. Tinawag ko si Jack. Gusto kong siya ang sumaklolo sa akin. Ngunit parang wala itong narinig sa paghingi ko ng tulong.
Napapagod na ako sa paghawak. Unti-unti na akong bumibigay ngunit si Jack ay hindi man lang natinag.
Yumuko si Gabriel at nag-abot ng palad niya. Inabot ko iyon. Nagtagis ang bagang ni Jack dahil sa ginawa ko. He left us.
Hinila ako pataas ni Gabriel at nang makaahon na ako ng tuluyan, he embraced me so tight.
“I miss you Julianne. I'm back for good.” He said.
Nalito ako. Tinignan ko ang papalayong bulto ni Jack. Tumigil ito. Unti-unti itong humarap sa amin.
Basang basa ng luha ang kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan. Ano ang nangyayari?
“Jack!” I called his name.
Tinulak ko si Gabriel para tumakbo sa kinaroonan ni Jack. Ngunit natigil ako nang bigla na lamang itong nawala sa kakahuyan. Biglang nag-apoy ang buong kagubatan.
“Noooooo!”
He's gone.
Napadiin ang hawak ko sa baso. Ano ang pinapahiwatig ng panaginip ko na iyon? May mangyayari bang masama?
Pakiramdam ko'y naninikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga. Lumabas ako ng balcony para makasagap ng sariwang hangin.
Ngunit nagulat ako nang mabungaran ko doon si Jack na prenteng nakaupo habang umiinom ng alak. Ewan ko pero nakaramdam ako ng ginhawa nang makita ko siya. He's still here.
“Jack?”
“Hey. Bakit gising ka na? Hindi naman ako gumawa ng kahit na anong ingay.”
“I had a bad dream.”
Binaba nito ang shot glass at tumayo. Mabilis na lumapit ito sa akin.
Why are you crying, love?”
“Huh?” Hinaplos ko ang aking pisngi. Hindi ko namalayang umiiyak pala ako.
“Was it that bad?” Malambing niyang tanong.
“Kind of. Sa panaginip ko ay iniwan mo ako, Jack. Bigla kang nawala sa kakahuyan at nilamon ng apoy ang buong gubat. Tinatawag kita ngunit hindi ka sumasagot. Hindi na kita makita.” Pumiyok ang boses ko.
“Shhh....Calm down, love. Nandito ako. See? Nahahawakan mo ako. Nararamdaman. I am here. At hinding hindi kita iiwan anuman ang mangyari.” He said.
“Suminghap ako at naglambitin ako sa kanyang leeg. “Make love to me, Jack. Take away the fear that I am feeling right now. I want to feel you. I want assurance that you are not just a dream, that you are real. Not dead but alive.” I gasped as I looked at him directly in the eyes. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.
“Give Midnight Blue a face, Jack.” Wala na akong kakayahang mag-isip pa sa kung ano ang tama at mali. Dahil ang mahalaga lamang sa akin ngayon ay ang maramdaman ang pag-ibig ni Jack sa akin. Na buhay na buhay siya. He's all that matters to me.
“f**k, love. I'm quite drunk, you know. Baka hindi ako makapagtimpi. Ayokong pagsisihan mo ang mangyayari ngayon bukas pagmulat mo ng mata.” His body started to tremble. His eyes are burning with passion.
“I'm not gonna regret this, Jack. Please don't make me beg on my knees.”
He groaned. Bigla niya akong pinangko na kinagulat ko. “You asked for this, love.”
Pinasok niya ako sa aking kwarto and he shut the door using his foot.
He laid me down on my bed. “I will make love to you, Julianne. There's no turning back now.”
I swallowed as I shook my head. “I won't dare to turn my back, Jack.”