bc

MAKE HIM BAD

book_age18+
832
FOLLOW
1.7K
READ
second chance
bitch
comedy
bxg
humorous
witty
rebirth/reborn
naive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

“Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!”

Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil agad niyang nakilala si Kevin Arrastia.

What she didn't expect was that Kevin would be the one to change her. She turned into a kind person and fell in love. Tuluyang nabigo siya sa kanyang misyon lalo na nang hindi siya pumayag na mamatay si Kevin.

Nabuhay si Kevin, pero kapalit niyon ay naglaho siyang parang bula.

Pasalamat nila at sa huli ay pinagbigyan ng langit ang pagmamahalan nila. Muling naisilang si Kiara. Ang problema, nang muli silang magkita ay parang ‘tatay’ na ni Kiara si Kevin dahil labing walong taon na ang agwat ng edad nila.

Will heaven grant them another chance to resume their interrupted love story?

chap-preview
Free preview
PART 1
"Papa! Papa!" hagulhol ni Kiara habang yakap-yakap niya ang amang bigla na lang binaril ng isang lalaking naka-motorsiklo. Kumakain sila sa restaurant ng papa niya kanina. At ang saya nila dahil ngayon lang ito ulit umuwi simula noong umalis upang magtrabaho sa malayo. Nagpapadala na lang ito ng pera noon sa kanila ng lola niya. Namatay raw kasi nang maaga ang mama niya kaya lola niya na ang nagbabantay sa kanya kapag wala ang papa niya. At para mabuhay silang mag-lola ay umaalis ang papa niya para magtrabaho raw, pero hindi niya alam kung anong trabaho nito. Kapag itinatanong niya naman ay iniiba ng papa niya ang usapan nila. At ngayon heto, patay na ang kanyang papa dahil sa walang awang lalaking naka-motor na iyon. For Kiara, her father was very kind. Ngunit sa libing ng kanyang papa ngayon ay marami siyang bulung-bulungan na narinig. Na masama raw ang papa niya, na mamamatay tao raw ito, na drug lord daw ito, na rapist daw. At ang pinakamalala ay wanted daw ito sa iba't ibang lugar kaya nagtatago. "Buti na lang nawala na siya at natapos na ang kasamaan niya sa mundo." "Ay, oo. Siguro tinira rin 'yan ng mga kasama niyang mga adik." "Sa impyerno sigurado ang bagsak niyan." "Na-tokhang din sa wakas ang salot." Halos madurog ang puso ni Kiara sa mga naririnig niyang usap-usapan. Minsan napipika siya at pinapatulan niya ang mga ito. "Kung wala kayong magandang sasabihin! Puwede huwag na kayong magpunta rito! Respeto naman sa patay!" isang beses ay naiyak niyang bulyaw sa mga ito. Pero dahil sa lola niya ay tinitiis na lang niya minsan ang inis at pinapabayaan na lang ang mga taong mapanghusga. Hindi kasi talaga siya naniniwala na masamang tao ang papa niya. Sapagkat ni minsan hindi niya iyon nakita sa ama. Para sa kanya ay sobrang bait ng papa niya kahit pa matagal itong nawawala. Naiintindihan naman kasi niya na umaalis ang papa niya dahil kailangan nitong magtrabaho sa malayo para sa kanya. At never silang pinabayaan nito. Imposible ang mga sinasabi nila. Hindi siya maniniwala. "Lola, bakit gano'n? Bakit ang papangit ng mga sinasabi ng mga tao kay Papa?" Umiiyak siya ulit na yumakap sa lola niya. Ngayon ay kalilibing lang ng papa niya at may mga dumating na mga pulis para kumpirmahing si Sergio Villanuera nga ba ang namatay na most wanted daw sa Vigan, Ilocos Sur dahil sa kasong pagpatay noong nakaraang taon daw at pag-holdap ng isang sanglaan. "Apo, hindi ko rin alam dahil wala namang sinasabi ang Papa mo sa ‘kin tungkol sa trabaho niya." Pati man ang lola niya ay nagulat sa mga sinabi ng pulis. Nanlumo si Kiara. Gulong-gulo ang isip niya. Gusto niya sanang bigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama pero hindi raw siya matutulungan ng kahit na sino man dahil salot daw sa lipunan ang kanyang papa at tama lang na mamatay na raw ito. Hanggang sa napunta sa depression ang sobrang hinanakit niya sa mga tao. Lalo na nang na-news sa TV ang papa niya. Ayon sa balita ay patay na raw ang drug lord at heinous criminal sa Vigan. "Papa, ang daya mo naman, eh. Alam mo ba na ang dami kong tanong sa 'yo ngayon. Paano mo ako masasagot niyan, eh, wala ka na?" Kinakausap niya ang kanyang papa sa larawan. 'Yung larawan ng papa niya na nakapatong noon sa kabaong. "Is it true that you're a criminal? Totoo ba na kriminal ka? Ayaw kong maniwala, Papa, eh. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ikaw ang nagsasabi sa 'kin na masama ka ngang tao." Niyakap niya ang larawan ng papa niya sa dibdib niya at muling nag-iiyak. "I want to know the truth, Papa. Gusto kong ipamukha sa mga tao na hindi ka masamang tao." "Ay, naku umiiyak ka na naman, Besh?" Bungad ni Tayama Danioan na best friend niya. Agad siya nitong niyakap nang makitang umiiyak na naman siya nang labis-labis. "Tahan na." "Taya, gusto kong makausap ang papa ko. Ang dami kong itatanong sa kanya." Iyak ni Kiara sa bisig ng best friend niya. Pasalamat niya at laging narito ito sa tabi niya. Ang laking tulong ni Taya sa kanya. Hindi lang sa emosyonal kundi pati na sa pinansyal na aspeto na kinakaharap niya ngayon na mga problema. May kaya kasi sa buhay sina Taya, anak mayaman ito. Pero syempre hindi 'yon ang dahilan bakit niya ito kinaibigan. Basta, bigla na lang silang naging mag-best friend. "I understand you, Kiara. But how? Wala na ang papa mo." Hinagud-hagod ni Taya ang likod niya. "Sa tingin mo, Taya? Nasa impyerno nga kaya si Papa?" Mayamaya ay seryoso niyang tanong sa kaibigan. Taya bit her lower lip. "I don't know. Pero kung totoong masamang tao siya, eh, malamang nandoon nga siya. Alangan namang sa langit siya napunta kung ang dami niyang ginawang kasamaan tulad ng sinasabi sa TV at ng mga tao, right?" "Gago rin 'yung tatay ko, ‘no? Nagsinungaling siya sa 'kin. Akala ko pa naman matino siyang ama. I hate him." "We don't know the reason why he did those things. Huwag nating husgaan agad ang papa mo, Besh.” "Yeah. You're right, Besh. Kaya dapat talaga ay magka-usap kami." Taya's brows narrowed. "How? Paano mo magagawa naman 'yon?" Napaisip siya. Paano nga ba? Nakitulong na rin si Taya sa pag-iisip. At ang naisip nila ay ang dumulog sila ng tulong sa isang espiritista. "Anong pangalan ng papa mo?" tanong ng isang matandang nakakatakot ang hitsura. Para itong si Kamatayan. Buto't balat na. "Sergio po?" nakangiwing sagot ni Kiara. Parang duda na kasi siya sa kakayahan ng matanda. Mukhang adik pa ito kaysa sa papa niya, eh. Tss. "Sigurado ka bang espiritista siya?" pasimpleng siko niya kay Taya. Si Taya kasi ang nagturo sa espiritista kung saan ay nasaan sila ngayon. "Magaling daw siya sabi ni Tita. Magtiwala na lang tayo," pabulong at hindi siguradong sagot naman ni Taya sa kanya. "Tahimik!" saway sa kanila ng matanda na nakapikit at tinatawag na yata ang kaluluwa ng papa niya. "Sergio! Sergio! Tinatawag kita! Tinatawag kita!" Nakangiwing nanahimik na nga silang magkaibigan. At parang kinukumbulsyon na ang matanda sa tingin nila dahil titirik ang mga nitong kulay puti lang ang nakikita at kikisay-kisay rin ang katawan nitong payat. "Hindi kaya, sila ang magkikita ni papa niyan? Parang matitigok na rin siya, eh?" Hindi na naman siya nakatiis na siko niya kay Taya. "Ssshh…" saway sa kanya ng kaibigan. "Sergio, nandito ka na ba?!" mayamaya ay wika ng matanda. Kinilabutan naman na si Kiara dahil biglang lumamig na ang paligid nila. "Sergio, narito ang anak mo at marami raw siyang gustong itanong sa ‘yo! Magparamdam ka, Sergio!” Lalong lumamig ang paligid, humangin na rin. Kinabahan na sila ni Taya. Naghawakan sila ng kamay. Kahit naman kasi papa niya ang multo ngayon ay nakakatakot pa rin. At okay na sana ang lahat, naniniwala na sana sila sa espiritista nang bigla lang kasing natumba ang isang lalaking may hawak ng air cooler at electric fan na nagtatago sa isang kurtina. "What the f**k! Kaya pala malamig!" napamurang saad ni Kiara. Kulang na lang ay sipain niya ang lalaking iyon. Ito ang mga isusunod niya sa papa niya, eh. Mga manloloko ng tao! Pahiyang-pahiya sa kanila ang matandang peke pa lang espiritista. Sorry nang sorry ang matanda kaya pinatawad na nila ito sa panloloko sa kanila. "I told you. Peke ang mga gano'n.” Pwede nang talian ang mga bibig niya sa haba nang pagkakanguso niya nang makalayo na sila kubo-kubo ng pekeng espiritista. Ang sama rin ng tingin niya kay Taya. Pauwi na silang magkaibigan. "Malay ko bang peke pala 'yon. Sabi kasi ng mga tita ko magaling 'yon, eh," katwiran naman ni Taya na kakamut-kamot ng ulo. "Aisst, paano na? Paano ko na makakausap ang Papa ko?" Namoblema ulit siya. Hanggang ngayon kasi ay madami pa rin siyang naririnig na masamang sinasabi ng mga tao tungkol sa papa niya, at nasasaktan na talaga siya. At least, kapag aamin ang papa niya sa kanya na masama talagang tao ito ay hindi na siguro masyadong masakit ang mga iyon para sa kanya. "Eh, bakit ba kasi kailangan mo pa siyang makausap? Nakita mo naman ang mga record niya sa mga pulis." "Hindi pa rin sapat 'yon sa akin. Malay mo sinet-up lang ang papa ko. May mga ganoon naman, 'di ba? 'Yung mga mababait na tao pa ang napagkakamalan nilang masamang tao." Napalabi si Taya. "Sabagay," then sang-ayon nito sa kanya after a while. Naglalakad sila na nag-iisip nang makarating sila sa isang tulay. Napansin nilang madaming tao. 'Yun pala ay isang babae ang gustong magpakamatay. "Hoy, iha! Maghunos dili ka!" sigaw ng isang babaeng mataba na may edad na. "Ay, Diyos ko! Sa impyerno ang bagsak mo riyan, iha!" sigaw naman ng isang matandang lalaki na siyang nagpakunot-noo kay Kiara. Napatingin si Kiara sa matandang iyon pagkuwa'y napangisi siya. Tila ba'y umilaw ang bombilya sa taas ng ulo niya. Alam na niya ang gagawin niya para makausap niya ang papa niya. Salamat sa babaeng gustong magpakamatay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
182.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
91.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook