twelve “C ade!” Bulalas ng isang babae matapos na mapagbuksan sina Cayden at Louise ng pintuan. Sa isang bahay sa tabi ng isang derma clinic sila pumunta matapos ang ilang minutong pagmamaneho ng binata at siya naman ay tahimik lang na umiiyak sa kinauupuan sa loob ng kotse kanina. Silence was her best friend; trying to figure out what did she do wrong to make Matt hurt her like that, emotionally and physically. Kahit saang anggulo naman niya tingnan, wala naman siyang maisip kasi wala naman talaga siyang ginawa. Napakalinaw ng usapan nila noon nang sagutin niya iyon na kung hindi rin lang makakapagtiis ay mabuti pang huwag na lang siyang pilitin na maging girlfriend; at buong puso naman iyon na sinang-ayunan niyon. Hayop ang nakita niya kanina at hindi tao, demonyo at anak ng dyablo.