six

1845 Words
six   Kumakabog pa rin ang dibdib ni Louise hanggang sa mga oras na iyon kahit na ilang minuto na ang lumipas nang haklitin siya ng lalaking iyon sa baywang. That man is speedy fast. No one ever touched her like the way how that man in red did, and no doubt that he’s quite playful and sensual. Mukhang may pagkabastos iyon pero bakit hindi naman bastos ang dating sa kanya ng ginawa niyon? That man is just so confident and she will never wonder why. Ganoon iyong umasta kasi mayaman at may sinasabi sa madla, kaya lang kung ibang mata ang titingin ay bastos pa rin. Hindi niya alam ang hitsura ng sino man sa iyon dahil dumating ang mga lalaki sakay ng tatlong itim na limousine at mga posturado na at may takip ang mga mukha. And those eyes…those eyes belong to her daughter. Hindi siya pwedeng mag-isip ng masama. Pwedeng magkatulad lang ang mga mata ng anak niya at ng lalaking iyon. Imposible ang sumagi sa isip niya na iyon ang lalaking nakialam sa kanya. Nagha-hallucinate na yata siya na sobra dahil sa pagod at puyat. Sayang ang fifty thousand na bayad sa service niya kung hindi niya kasi magagawa nang maayos ang event. “Uy,” Siko sa kanya ni Pat habang nakatulala siya kay Gordon na siyang emcee at ang isa pang babae na kasamahan nila. Nakatulala siya pero lagpasan ang tingin niya na para bang may nakikita siyang mga ligaw na kaluluwa. “Grabe sa the moves si Mr. King ano? Mukhang kursunada ka pa bestfriend.” Umiling si Louise at dismayadong ngumiti. “Hayaan mo at bobombahin ko ng katotohanan na may anak na ako para manahimik na.” aniya naman kaya napahagikhik si Patty. “Pero aminin mo, halatang natakot ka na naman kanina ano.” Tumango siya at tumingin sa kaibigan. “Palagi naman. Minsan kay Matt nga gano'n din kahit na dalawang taon na kaming mag-on. Nilalabanan ko lang na pilit kasi hindi pwede na parati akong tumakbo sa klase ng propesyon na napili ko. Kasali rito palagi ang makisalamuha sa mga tao.” Aniya naman na ikinatango ng kaibigan. “Eh si Mister Zaragosa, nagte-text pa ba?” ukikil pa ni Pat saka ngumisi. Oo nga pala. Kahapon pa siya inuulan ng text ng lalaking iyon pero hindi niya nire-reply. Ayaw niyang pagmulan ng away nila ni Matt ang lalaking iyon at alanganin din naman na i-block niya ang number dahil nahihiya siya. Ayaw naman niyang magmukhang asyumera na type pa siya ng Mr. Zaragosa na iyon kasi mukhang palikero ang walang hiyang lalaking iyon. Sabagay, lahat yata ng gwapo ay palikero, baka si Matteo lang ang hindi. “Hindi ko pa nati-check ang cellphone ko. Alam mo naman na para tayong lagari rito. Nasa kwarto natin dati rito ‘yong cellphone. Baka nga pati si Matt tumatawag na, hindi ko pa alam.” “Mabuti na lang nga kamo at absent ang bf mo, kung hindi baka nag-ala miron na naman ang abogadong ‘yon dahil sa ginawa ni Mister Red sa’yo kanina.” “Huwag kang pakakampante, baka sumulpot ‘yon maya-maya lang.” Louise looked around, trying to find if there’s a trace of Matt’s presence. Madalas kasi na sasabihin niyon ay busy at may gagawin pero malalaman na lang niya na nakatago sa may ‘di kalayuan at parang binabantayan ang kilos niya. She’s quite happy at first when he told her that he’s only checking if she’s doing okay, but lately, it’s been his bad habit to come around without her notice. Nagkaroon siya ng pakiramdam na mukhang hindi naman niyon inaalam kung totoong maayos ang lagay niya pero tinitingnan kung nanlalalaki siya. Minsan na kasi iyong nadulas sa ganoong salita pero naayos naman nila kaagad ang tampuhan. Nanghihinayang din naman kasi siya sa dalawang taon na pinagsamahan nila kaya pilit na lang niyang inuunawa at saka napag-aralan na rin niyang mahalin ang mga hindi kagandahang ugali ni Matteo. Iyon kasi ang madalas niyang marinig kahit noon pa. Kung minamahal ang isang tao, dapat na palaging hindi lang magagandang katangian ang magustuhan kung hindi dapat ay pag-aralang tanggapin ang mga negative attitudes. No one is perfect anyways and so as she. Hindi siya perpekto, madalas na parang katulad din siya ng anak niya na bata kung mag-isip kasi pakiramdam niya ay nawala iyon sa kanya kaya ngayon na masaya na siya ay lumalabas ang ugaling bata na ‘yon nang hindi sinasadya, pero tanggap naman siya ni Matt. He still worked so very hard for three years just to gain her attention. Sinusuklian lang niya ang effort na iyon at hindi na lang iniintindi ang mga kasalanan niyon kung minsan. Those were just mild mistakes most of the time, hindi naman gaanong mabigat at mga simpleng tampuhan lang na hindi maiiwasan. “Wala pa naman ang gwardiya sibil mo.” Ani Pat nang mapansin yata na hinahanap na nga ng mga mata niya, at nang tumingin siya sa kaibigan ay inirapan siya nito kaya natawa na lang siya. Basa na kasi si Matt para rito simula nang unang beses na mag-away silang mag-boyfriend at hindi siya sinipot sa date nilang dalawa at nagmukha siyang gaga na naghintay sa wala. Mahaba lang din yata talaga ang pasensya niya kaya niya napagpapasensyahan ang lahat at natanggap ang paliwanag niyon na may hindi inasahang biglang tawag sa korte kaya hindi na siya napuntahan. Bumawi rin naman kasi ang lalaki pagkatapos niyon ay isang buong maghapon naman silang ipinasyal ni Bless, kasama si Pat symepre. Pero, hindi na bumalik ang kilig ng best friend niya para kay Matteo. Paulit-ulit na siyang pinapayuhan ni Pat na bigyan ng leksyon ang lalaki pero hindi pa siya dumarating sa punto na ganoon. Ayaw niyang dumating sa punto na iyon pero sa oras na magkaroon siya ng mabigat na rason, she will never have a second thought to break up with him. Hindi niya panghihinayangan na mawala si Matt sa oras na talagang maapakan ang dignidad niya bilang tao o p********e. Una sa lahat ay mahal niya ang lalaki bilang kung ano iyon at hindi ang propesyon niyon bilang isang abogado at may-ari ng law firm. Minahal niya ang respeto niyon na ipinakita sa kanya at ang pagtitiis na no kiss, no touch policy sa loob ng relasyon nila, kaya ang mga simpleng tampuhan ay kaya niyang palampasin bilang respeto na lang din, huwag lang niyang malalaman na niloloko siya, nambababae at higit sa lahat ay alisan siya ng respeto sa kanyang sarili. Louise loves herself more than Matt. Ang kapantay ng pagmamahal niya sa sarili niya ay katulad ng pagmamahal niya sa anak na si Blesserie Gift. Ang madre ang nagturo niyon sa kanya at iyon ang ginawa niya. Tinanggap niya at minahal ang sarili sa kabila ng pagkamuhi na naramdaman niya noong gabi na nangyari sa kanya ang pinakamasaklap na bangungot na nagbunga ng isang magandang panaginip naman. “And now, presenting, the 10 masked hunks of Masked bachelors. Ihanda ang mga sarili at itali ang panty!” Sigaw ni Gordon sa microphone kaya natawa si Louise lalo na nang maghiyawan ang mga naggagandahang babae na nakatayo sa bawat mesa. Totoong magaganda ang mga bisita at halatang mga may sinasabi sa buhay, mga de kotse at napuno ang kalsada kaya tama lang na ipinakiusap na niya sa kapitan kahapon pa na ipasara ang buong kalsada. Sarado ang buong bakuran ng orphanage at walang pwedeng pumasok na ibang tao. Bawal ang cellphone sa loob at kung may kukuha ng litrato at isa sa mga tauhan na rin niya ang photographer. Naghiyawan ang mga tao nang lumabas ang unang batch ng mga kalalakihan na kahit may mga suot pang damit ay hindi na magkamayaw ang mga kababaihan. Kahit na si Patty ay tumatalon-talon sa tabi niya at parang namumula pa ang mukha sa dilim. “Oh my gosh.” Usal niya nang sabay-sabay na nag-angat sa mga tao ng mukha ang mga kalalakihan at kanya-kanyang kulay ng mga mata ang mga iyon, match sa suot na damit at kulay ng buhok. “Five thousand! Take off those damn coats!” hiyaw ng isang babae sabay wagayway ng pera sa ere kaya mabilis na tumakbo si Patty para ilagay iyon sa basket na hawak nito. “First bet, five thousand pesos! Higher daw sabi ng mga papa sa stage!” tili naman ni Gordon na parang baliw na rin na tumatalon sa may gilid ng entablado. Louise got so overly excited, too. Humahanga siya sa ugali ng mga naglalakihang barako pero ang puso ay nasa mga katulad niyang lumaki sa isang ampunan kung saan hindi naman sila pinipilit na ipaampon kung ayaw nila. Those guys are living their lives not just for themselves but for the wellness of others, and for her that is true manliness – the real meaning of masculinity. Sa pagkakaalam niya ay frat din si Matt pero hindi gumagawa ng ganiyon ang boyfriend niya at ang mga kasamahan. Base sa kwento niyon, makamatay ang hazing na sinalihan para makapasok at pinagholdup iyon ng isang tao para lang matatakan ng tattoo na korte ng tinidor ni satanas sa likod, sa may ibaba ng kaliwang balikat. “Ten thousand pesos! Hubarin na ang coat!” Sigaw pa ng isang babae kaya nangingiti na napailing siya kaya lang ay napalis iyon nang humahangos na tinawag siya ng ate Thelma niya galing sa loob ng main building ng Sweet Angels'. “Diyos ko Louise. Nawawala si Bless!” Naiiyak na sambit nito sa kanya kaya nanlaki ang mga mata niya. “Ano?!” Iniwan niya ang bata kanina sa ate Thelma niya kasi nag-asikaso pa siya tapos ibabalita sa kanya na nawawala ang kanyang kayamanan? “Iniwan ko saglit at umihi ako. Kinukulit ako na pupuntahan ka rito pero hindi ko pinayagan kaya umiyak kasi kailangan daw niya ang dede ng Mimi niya para makatulog. Ayaw naman sa dede ko kasi maluwag daw.” Sa kabila ng kaba ay natawa si Louise na naiiyak. Ano bang karapatan niyang magalit ay siya na nga ang nakisuyo na alagaan ni Thelma ang anak niya? “Hinanap ko na sa buong building, wala.” “Hahanapin ko.” Hinawakan niya ang braso ng babaeng para na niyang tunay na kapatid. “Sorry Louise.” “Hindi naman ‘yon makakalabas ate kasi mahigpit ang bantay sa gate. Iikot ako at baka sakaling mahanap ko. Iyon ang problema sa batang ‘yon. Hindi magawang bumitaw sa dede ko kahit na malaki na.” Naiiling na napalinga siya sa paligid. “Hahanapin ko ulit sa loob. Dito ka sa labas.” Bilin ni Thelma kaya tumango siya. Wala naman sigurong makikialam sa baby niya kasi halos puro kababaihan naman ang nasa paligid. Huwag lang ang mga lalaking nasa dressing room at ang mga bantay sa paligid. Lintik! Kung hindi niya napatay ang gumahasa sa kanya noon, papatay siya kapag si Bless ang pinakialaman ng isang demonyo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD