ten After a very long day of sleep, Louise is now looking at herself in front of the mirror, having that queasiness. Kampante naman siya na makikiharap sa mga magulang ni Matt dahil wala naman siyang balak na itago at ikahiya ang anak niya kahit na ano pa ang mangyari. Hindi niya pagtatakpan ang pagkatao niya para lang mapuri ng iba at magustuhan. Isang buong maghapon siyang nagpahinga at bumawi sa pagod dahil sa event na natapos kagabi. Natutuwa siya dahil napaka-successful niyon at may dagdag na naman siya sa pera sa bangko para sa edukasyon ng baby niya at sa pinaplanong pagbili ng second hand na sasakyan. Wala siyang inintinding text o tawag sa kahit na sino. Hindi pa rin niya kinakausap si Matteo at pumunta lang kaninang umaga para sabihin na may dinner sila ng pamilya niyon. Loui