Chapter 46 Alexander Inutusan ako ng tigre na hugasan ko ang bigas sa maitim na kaldero na puno ng uling ang palibot nito. Alas-saes na ng hapon. Medyo madilim na rin ang paligid. Sinisilip ako ng tigre dito sa labas ng kusina habang nagpapalingas siya ng apoy sa dapugan. Nahuli niya ako na pinagtatawanan niya ako ng palihim. Sino ba naman hindi matawa sa suot kong ito? Kulang na lang magladlad ako sa labas. Hanggang taas pa naman ng tuhod ko ang bestida na ito. Nakaput- in- talaga, eh! Padabog kong hinugasan ang bigas sa kaldero. Bakit kasi pumunta ako rito na hindi man lang nagdala ng damit? "Tao po!" May narinig akong tumatawag sa labas. "Oy, sino 'yan? Teka, lang!" sagot ng tigre sa tumatawag. Sinara ko ang pinto at baka makita ako ng tumatawag na iyon. Ilang sandali pa narini