Chapter 38 Eunice "Pasensya ka na rito sa kubo ko, ha? Mabuti na lang nandito pa ang kutson na nabili ko online. Bibili na lang ako mamaya ng stock natin dito," saad ni Adely nang makarating kami sa Cordoba. Doon muna ako tumuloy sa kubo niya sa bukid. Ang bigat ng pakiramdam ko, kaya parang gusto ko na lang itulog. Nahiga ako sa papag habang patuloy umaagos ang mga luha ko. Parang wala akong gana magsalita. Ayaw ko isipin ang mga nangyari. Mabubuhay naman siguro kami ng anak ko rito sa bukid. "Eunice, aalis muna ako, ha? Bibili lang ako ng stock natin sa bayan. Gusto mo ba sumama?" tanong ni Adely sa akin. Umiling-iling ako sa kaniya. Nakatagilid lang ako ng higa sa papag. "Hay, nako! Hindi puwedeng magmukmok ka na lang. Alalahanin mo malayo ang hospital rito. Gusto mo ba mapahamak