Matiim itong tumitig kay Sanaya. "So, you heard us?" matigas na tinig nito. "Sino si Sandra?" ulit pa ring tanong ni Sanaya. Gusto niyang malaman buhat sa bibig ng lalaki ang kaugnayan nito sa ate niya at kung nasaan bang talaga ito. Nag-aapoy ang titig nito pero ayaw niyang magbawi ng tingin. Napakunot noo ito kasabay ng matatalim na titig. "Huwag mo nang alamin. Let's go!" Patiuna nito ngunit mabilis na humabol si Sanaya at hinawakan si Marcus sa braso. "Sino si Sandra?" muling ulit rito. Hindi niya hahayaang palampasin ang pagkakataon niyang iyon tutal na ungkat na ang tungkol sa step sister. Tumingin si Marcus sa kaniya at agad siyang ni-leeg-an nito. Nagkatitigan sila, mata sa mata. Tila inaarok ang kaniyang nasa isipan. "Huwag mong sabihing nagseselos ka!" anito saka siya nilapi