Chapter 64:

1368 Words

Napamaang si Luke nang makita niya ang nangyayari sa labas. Ang kaninang tahimik at mapayapang gabi ay napalitan ng mga nakakikilabot na mga sigawan ng mga tao. Nagtatakbuhan ang mga ito palayo sa mga nilalang na humahabol sa kanila.   “A-Ano’ng nangyari?” nahihintakutang tanong ni Maruel na nasa likod lamang ni Luke. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatanaw sa mga taong tumatakbo sa kanilang kamatayan.   “A-Ano ang mga ‘yan?” tanong naman ni Carlos.   “Zombies,” tugon ni Amanda. “Mga zombies sila, at andito na sila sa atin.”   Napalunok si Luke. Mula pa noong dumating ang kanyang asawa ay hindi niya ito pinapakinggan dahil inaakala niya hindi iyon totoo. Ni sa hinagap ay hindi niya na iisip na magkakatotoo ang mga nilalang na kinahihiligang panoorin ng panganay niyang anak,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD