The Night of Invasion Nagmamadaling minaneho ni Nico ang sasakyan at tinunton ang malawak na taniman sa gilid ng subdivision nila. Lahat sila ay hindi makapagsalita dahil sa hilakbot na kanilang nararamdaman. Tagaktak na ang kanilang pawis kahit na bukas at naka-max ang aircon ng sasakyan. Nangingnig na lumuhod si El at tumingin sa likod ng sasakyan. Kumapit pa siya sa likod ng sasakyan para hindi siya mahulog dahil sa mabilis na pagpa-andar ni Nico. Kahit na labis na nakararamdam ng takot ay inobserbahan ni El ang mga zombie na humahabol sa kanila. Sinusundan lamang ng mga ito ang kalsadang dinadaanan ng sasakyan nila. They are following us! Wala sa sariling tumatakbo ang mga ito habang nakataas pa ang mga kamay na para bang mayroong inaabot. Agad siyang humarap sa kanyang mga