“We’re going out.”
His bossy tone welcomed me as I emerged to the kitchen the next morning.
“Saan tayo pupunta?” Napatagil ako sa paglakad. He seeemed like he’s in a foul mood. Alas siyete pa lang ng umaga pero masama na agad ang timpla ng lalakeng ‘to. Kagagawan ko na naman ba?
“Malalaman mo.” He got up from his chair without glancing at me.
Tumama ang tingin ko sa mesa. May mga pagkain doon. Mukhang nawalan ng gana ang lalake pagkakita sa akin. Pansin ko kasing may laman pa ang kanyang plato pero tinapon na niya iyon sa rubbish bin.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa inaasta niya ngayon sa akin. I felt so unwanted.
“Ano pang ginagawa mo diyan? Sit down and eat.” Ininguso nito ang mesa. “Once you’re done eating, get changed at katukin mo na lang ako sa studio room pag ready ka na.”
Hindi ako umimik at umiwas na lamang ng tingin. Hindi ko alam bakit sumama ang loob kong malaman na hindi ako nito hinintay sa pagkain. I never thought he was a morning person. Akala ko ay tatanghaliin ito sa paggsing dahil nga nakainom ito kagabi. Balak ko pa naman sanang ipagluto ito ng almusal.
“Why are you giving me that long face, grandma?” He faced me, leaning his back against the counter. Humalukipkip ito at salubong ang mga kilay. “Did you wake up at the wrong side of the bed? I remember tucking you in at the middle of your bed last night.”
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. I wanted to speak and relaliate pero minabuti ko na lamang ang hindi umimik. Pagkaupo ko, saka ko naalala ang pinag-usapan namin ng pinsan ko.
“Aalis ba tayo agad-agad? Sabi ng pinsan ko ay darating siya dito bandang alas otso ng umaga.”
“Huh? Eight o’clock?” He glanced at his Smart watch. “They’re expecting us by nine so dapat ay kailangan nating umalis ng alas otso dahil tiyak akong aabutan tayo ng trapik.”
“Saan ba kasi tayo pupunta?” I asked again.
Instead of answering me, he grabbed his mobile number and dialled. Lumabas ito sa dining area kaya hindi ko gaanong marinig ang kanyang boses.
Nagkibit-balikat na lamang ako at nilipat sa pagkain ang atensiyon. Pinaikot ko ang aking tingin sa mesa. Sa bahay ko sa Tondo, ang madalas na almusal namin ni Kriz ay pandesal na pinaparesan namin ng peanut butter na nabibili lang sa palengke. Yun lang kasi ang keri ng aming budget. Bibihira lang kami makakain ng sinangag sa umaga, hotdog at pritong itlog. Pero ngayon, halos lahat ay nandito ata sa mesa. Iba’t ibang klase rin ng palaman ang nakahilera sa gilid. Hindi ko tuloy alam kung alin sa mga ito ang kakainin ko. Pwede all?
“Kung kaya mong ubusin lahat, much better.”
Halos mapatalon ako sa pagsasalita ni Romano. I was too engrossed with my dilemma that I failed to notice him coming back. Sinuksok nito ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.
“I know you’re a big eater kaya dinamihan ko ang pagkain. Are you a coffee drinker?”
Nakangangang tumango lang ako sa kanya.
“Good.” He said and turned his back from me. He went to the other side of the bar counter and did something on that machine there. Nakatingin lamang ako sa kanyang likod habang panay ang kagat ko sa toast bread. Sa kabila kong kamay ay hawak ko ang tinidor na may nakatusok na jumbo hotdog.
The aroma of the coffee filled my nostrils. Ang bango. Ilang sandali pa ay humarap sa akin si Romano na may hawak na dalawang tasa ng kape. Nilapag nito ang isa sa aking gilid.
“Espresso.” He uttered. “A strong one.”
Pinilig ko ang aking ulo. Espresso? Anong klase ng kape yun? Sininghap ang steam na nanggaling sa maliit na tasa. Ano kaya lasa nito? Nilapag ko ang hawak na tinidor. I carefully picked up the cup with both hands.
“Careful. It’s hot.” He regarded me under his lashes.
I bit my lip as I looked up to him. Gusto kong tikman agad. May mga bula sa ibabaw ng tasa kaya mas lalo akong naengganyo.
I took a sip at agad na ngumiwi ang mukha ko sa lasa. Nilapag ko ulit ang tasa sa aking gilid at alanganing tumingin ulit sa kanya.
“So?” He asked. Was he waiting for me to say something about espresso?
“Anong so?” Patay-malisyang sambit ko.
“What do you think?”
What did I think? Nagkibit-balikat ako. “Well, it tastes like coffee.” Sobrang pait!
“You didn’t like it. Halata sa mukha mo. Masyadong mapait ba? I brewed it right.” He sipped on his cup. “It has a balance of sweetness and bitterness. Oh, why would I expect something from you. Wala ka naman talagang taste.” He scoffed.
Umasim ang mukha ko. “Ako? Walang taste? Kaya pala fan mo ako.”
He smirked. “Well, when it comes to music, may taste ka.”
“Wala kang instant coffee?” I blurted out. E, dun ako nasanay e.
Romano rolled his eyes on me. “Are you kidding me? You just had a taste of one of the most expensive coffee beans in the world and you’re asking for instant coffee? I can’t believe you.”
Malay ko ba. Tsaka ano naman kung isa ito sa pinakamahal sa buong mundo? E, sana hindi ko gusto ang lasa!
Romano emptied his cup and washed it. Ako naman ay ipinagpatuloy ang pagkain. May kinuha ito sa loob ng kanyang two-door fridge at nilapag sa aking gilid.
Isang tall glass of juice. Nag-angat ako ng tingin sa kanya sa pagtataka. Umiwas ito ng tingin sa akin at kinuha ang tasa ng kape ko sa kabilang gilid.
“Kung ayaw mo nito, akin na lang. Take your time eating. Pag dumating ang pinsan mo, alam mo na kung saan ako hahagilapin.”
“But I already took a sip—”
“Ano ngayon? E ayaw mo sa kape ko alangan namang itapon mo? E di inumin ko na lang!” Pasupladong sambit nito. Umirap pa ito sa akin. He turned away but before he exited the dining area, he c****d his head towards me.
“Did you check your phone?”
Umiling ako. “I turned it off last night. Hindi ko pa binubuksan. Why?”
“Okay, good. Kapag may tumawag na taga Moon Records or kahit sinong reporter, tell them I just had dinner with Trisha last night. Hanggang doon lang ang sasabihin mo, okay?”
“Bakit, ano pala ang nangyayari?”
Sighing, he faced me again. He planted his left hand on his hip. “Babe, as my personal assistant, the first thing you need to do every time you wake up in the morning is to check the news. Matt just called me before I could open my eyes and told me that I am in fact, in the news. Some crazy paparazzis took a picture of me exiting Trisha’s building last night. They’re making speculations again.”
“But you really went there. Totoo naman na nag-dinner kayo.”
Umiling si Romano. “You are really so naïve and outdated. We didn’t have dinner. We fucked.” He brutally answered me before he left the dining area.
My mouth fell open. They did what?
Sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang dibdib ko. I suddenly lost my appetite. Why am I affected by it?
Umiiling na lamang ako. I found it difficult to understand him. He confused me most of the time. Pero hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko. Hearing his words disappoint me. I was his fan, after all. But then again, since I was just his fan, his personal life had nothing to do with me.
**********
“Wow! Ang taray ng bahay ng idol mo!”
Bulalas agad ni Krizette pagkatapos naming magyakapan. Hinila ko ito papasok sa living room. Panay pa rin ang pag-ikot niya ng tingin sa kabuuan ng bahay.
“Grabe! Ganito pala hitsura ng penthouse!” Tumakbot ito patungo sa floor-to-ceiling windows. “Look! Kita ko ang buong siyudad, Mira!” He grinned widely at me. Her eyes were as wide as saucers.
Napangisi rin akong pagmasdan ito. I understood her reaction. The truth was, I still couldn’t wrap my head aroud the fact that I was living with Romano. That he hired me, and I felt like I’ve been experiencing the best life has to offer.
But what made my heart truly happy? Was the fact that I got to see Romano’s face every day.
“Tatawagin ko lang si Romano. Maupo ka muna, Kriz.”
She swayed her hand, her gaze still planted outside the window. “Sige lang.”
Natatawa na lamang ako sa kanyang reaksiyon. I sprinted towards Romano’s playroom. I knocked at the door three times.
“Come in.” Rinig kong sambit nito.
Err? Come in? Am I allowed to get in?
Binuksan ko ng kaunti ang pintuan sapat lang para makapasok ang aking ulo. “Hi.” Alanganing bati ko.
Romano’s hooded eyes met mine. Nakaupo ito sa swivel chair at may hawak itong lapis. Was he composing a song?
Dalawang set ng computer monitors ang nasa malapad na mesa. Ginala ko ang aking tingin sa mismong tapat niya. There’s a... uhm…how do you call it. A booth? Parang ganyan na ganyan ang hitsura ng napapanood ko sa TV. Kapag may pinakapakita silang behind the scenes sa pagrecord ng isang awitin. Yung nakasuot ng headphone ang singer at nakatapat sa bilugang microphone. Ang booth ay pinapalibutan ng salamin. There were speakers hanging at the four corners of the spacious room.
“Anong ginagawa mo?”
“Nakatayo?” I answered.
“Na parang baliw? Get inside, grandma.”
“Huh? I thought you don’t allow—”
“I’m allowing you now.” Salubong na kilay na sambit nito. He lfited his hand and crooked his finger, gesturing me to get closer.
Kumagat labing pumasok ako sa loob. My steps were calculated though. Pakiramdam ko kasi ay pag makasira ako ng gamit dito ay buhay ko ang magiging kapalit.
He shifted in his seat, facing me. “May sasabihin ka?”
Sinalubong ko ang mga titig ni Romano. He looked insanely hot in his sitting posture; legs crossed while his intertwined fingers settling on his lap. I swallowed the lump behind my throat as I tucked my hair at the back of my hair.
“Are you okay?”
I nodded. “Ano…Si Krizette…. yung pinsan ko. Nasa sala.”
“Oh really?” He stood up. “Hindi mo agad sinabi. I need to get the check in my room. Pakihintay nalang din ako sa sala.”
“Okay.” Kumagat-labi ako at yumuko.
Romano sighed as he came closer to me. “Grandma, if you keep on fidgeting like that, I might think that you’re falling for me. Don’t, okay? You will lose your job if that happens.”
“Me—me? Falling for the likes of you? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, Romano.”
I didn’t even have any idea what it felt like to fall in love? How could he assume I was?
Romano lifted his hand and cupped my face tenderly. “Hmm…I wonder where did I hear your voice? And your eyes…. I think I’ve seen them before. Did we meet before, grandma?”
His random questions caught me off-guard. And I totally lost my right mind when I realized how warm his hand was against my skin.
Umiling ako. “Tiyak akong hindi pa tayo nagkakilala noon, Romano.”
“Me, too. I just can’t seem to—ah, whatever. Kung tiyak tayong pareho na hindi pa kailanman nagkrus ang landas natin noon, then so be it.” He let go of me. “Balikan mo na ang pinsan mo at ayain mo na tuloy mag-merienda. I will join you soon.”
Tumango ako kahit naguguluhan.
Sa sala ay naabutan ko si Kriz na nakatayo pa rin doon sa pwesto kung saan ko ito iniwan kanina.
“Nag-almusal ka na? Sabi ni Romano baka gusto mo munag mag-merienda.”
“Hindi na. Kumain na ako bago ako umalis ng bahay. Pero Mira, anong gagawin natin sa natitira nating balanse sa bahay. May dalawang buwan na lamang tayo. Saan natin pupulutin ang halos kalahating milyong kulang?”
I sat on the sofa and she followed. Ginagap nito ang aking palad. “Pasensiya ka na kung wala akong malaking ambag. Hindi ko na alam kung saan pa ako makakahiram ng pera. Kahit boyfriend ko’y inutangan ko na.”
“Sa tingin ko naman ay hindi sasama ang loob ni Papa kung sakaling hindi natin matubos ang bahay at lupa, Kriz. Ginawa na natin ang lahat. Mauunawaan niya tayo. Kasalanan ko rin naman.”
Nag-angat ng kilay ang aking pinsan. “Paanong naging kasalanan mo? Ikaw ba ang nagsangla ng bahay at lupa? Inutusan mo ba ang babaita mong ina? Ikaw ba ang nakinabang sa pinagsanglaan? Kaloka ka.”
I hung my head low. “Dahil sa hospital bills ko kaya naubos ang ipon ni Papa pati pera ni Mama ay nagalaw. Kung hindi niya sana pinaopera ang nasu—aray!”
Krizette hit me on my arm. “Gaga ka talaga. Ilang taon na ang nakalipas, Mira. Ang pinang-opera sa’yo ay galing sa mayamang pamilya na pinagserbisyohan ng Papa mo. They shouldered all your medical bills. Kaya kung yan ang sinusumbat ng Mama mo sa’yo ay wag kang papaapekto dahil hindi yan totoo. Paulit-ulit tayo sa ganitong paksa, Mirasol?”
Lumabi ako. Kapag buong pangalan na ang tawag nito sa akin, ibig sabihin ay hindi na ito natutuwa. I rested my head on her shouders. “Okay lang talaga na mawala sa atin ang bahay, Kriz. Maghanap nalang tayo ng malilipatan. Okay na rin yun para hindi na tayo matunton ni Mama.”
“Iyon ay kung may balak pang magpakita ang ina mo sa’yo.” She raised her hand and carressed my cheek. “Hindi na nangingitim ang pasa mo. Halos hindi na halata.” She sighed. “Wag na wag ka nang lalapit pa sa grupo ng mga bakulaw na iyon, ha, Mira. Alam kong lahi tayo ng mapuputi at meztisahin pero ang balat mo ay extra espesyal. Napakapasain mo kahit konting sagi lang.”
“Sasaktan ka kasi nila.”
“Kaya ko ang sarili ko.” Tinampal ako nito sa kamay at masungit na tinignan.
Lumabi ako. “Kaya ko rin naman ang sarili ko.”
“Tss. Hindi mo nga kaya yung mga bully sa kalsada, yun pa kayang grupo ni Turing. Anyway, may sasabihin pa pala ako.”
“Ano yun.”
“Hindi ka available mamayang gabi? Magpapaayos sana ako sa’yo.”
Nagsalubong ang aking kilay. “Bakit? Para saan?”
“Raket.” She winked. “May party akong dadaluhan. May isang organizer ang komontak sa akin at madali lang ang magiging trabaho ko sa party na yun. Ah, basta. Mahirap ipaliwanag. So, ano. Tingin mo makakapuslit ka sandali?”
Sasagot na sana ako nang may nagsalita.
“Sorry if I have to butt in.” Romano entered the living room like a boss, walking towards us with that air of swag and charisma which could light up the entire city.
“Holy s**t. Ang gwapo.” Kriztte muttered under his breath.
I squeezed her leg with pressure, throwing her a warning glare. Gayunpaman ay nauna pa itong tumayo kaysa sa akin.
Bago pa makalapit si Romano ay nakalahad na ang palad ng pinsan kong lukaret.
“Hi, Romano. I’m Krizette, Mira’s cousin. Tama nga siya, ang gwapo mo pala talaga lalo sa personal.”
His eyebrow curved. There was a hint of amusement plastered on his lips. “I’m Romano. Salamat sa pagpunta.”
Bahagya nitong hinampas ang balikat ng lalake. “Naku, wala yun. Ano ka ba. Isang karangalan ang makaapak sa ari mo—este sa pag-aari mo.”
Nagtakip ako ng mukha dahil sa kahihiyan. Akala ko ay makalat na ako, hindi ko akalaing mas makalat pa pala ang pinsan kong ito. Akala ko ba ay hindi siya taga-hanga ni Romano bakit ngayon ay tila nang-aakit pa ito?
Romano’s boisterous laugh filled the room. “I’m liking you already.” He uttered. “Pero bago ko ibigay ang tseke sa’yo ay gusto kong malaman kung saan nakuha ni Mira ang pasa sa kanyang pisngi at sugat sa kanyang palad.”
Krizette whipped her head towards me. Agad na kinuha nito ang palapulsuhan ko para suriin. She gritted her teeth when she saw the wound. “Gago talaga mga yun! Hindi pa mamatay ang mga walang-hiya!”
Sumeryeso ang mukha ni Romano. “Why don’t we all take a seat so we could discuss and rectify the situation.”
I cleared my throat. “Romano, my ‘situation’ is mine alone.”
Romano disregarded me with a drool look. “You’re now my employee and I tend to get involve in my employee’s business especially when I’m aware that that ‘situation’ is causing them harm. Please, fill me in, Miss Krizette.” He said using his authoritative voice that I heard for the first time since I arrived here.
And what? Am I his situation now?
Krizettte pulled me back to sit beside her. I let Krizette did the talking because I had a feeling Romano wouldn’t listen to me, anyway.
Pagkatapos ng ilang mahaba-habang minutong pag-uusap, nagdesisyon na si Krizette na magpaalam na.
“Bago ko pala makalimutan.” May kung anong kinuha ito sa kanyang backpack. “Dinala ko ang mga ito.”
Nanlaki ang mga ko nang inabot ko ang mga yun. “Dinala mo pati ang luma?”
Nagkibit-balikat ito. “Malay mo, baka manumbalik ang dati mong nakagawian.”
“What are those?” Romano eyed the things on my hands.
“Ah. Mga sketchbooks ni Mira. She loves to draw. She used to draw natures before pero these past few years, nagbago na subject niya. She’s more into fashion sketches. Actually, ginawa ka niyang subject for her clothing design—”
Agad kong tinakpan ang bibig ng pinsan ko. Nakakasura! Ang daldal!
“I’m sorry, what was that?”
Umiling ako. “Sabi niya, uuwi na raw siya ngayon. Salamat daw.”
Krizette rolled her eyes deliberately. Literal na kinaladkad ko ito patungo sa elevator. Habang nasa loob kami ay panay ang pagtatalo naming dalawa.
***********
Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawang bakla sa aking harapan. Sinuri nilang mabuti ang aking kabuuan. I could tell the displease on their faces.
Parehong nakahalukipkip ang dalawa. “Gosh, Romano. Mukhang kulang ang isang araw para ayusan siya.” Bulalas ng isang naka-red T-shirt.
Romano was sitting on the single couch comfortably while busy scanning the magazine he just picked up under the table.
“I did not ask you to fix her entirely. Just straightened out her horrendous hair.” He answered lousily.
“Just her hair alone will consume us five hours.” Sagot ng isa.
“Five hours?” Ani ko. Napahawak ako sa aking buhok. Grabe naman.
“Oo.” Hinawakan ng isang bakla ang buhok ko. “Super kulot and kapal your hair, miss.”
“Mauubos ang medisina namin sa buhok mo pa lang.”
Romano interfered. “May problema ba tayo?”
“Naku, wala. Basta ikaw.” The guy with a red T-shirt blew him a kiss. Romano just chuckled.
Ilang sandali pa ay busy na sila sa pag-estima sa aking buhok. Gusto ko sanang magreklamo kay Romano dahil hindi man lang nito tinanong ang opinyon ko kung gusto ko bang ipatuwid ang buhok ko o hindi. Basta na lang niya ako dinala dito sa mamahaling salon na ito. Pero pagbibigyan ko na lamang ang kagustuhan ng lalake. Ayaw na niya tiyak mauulit pa ang nangyari kahapon.
The entire time, I was looking at Romano through his reflection in the mirror. When his phone rang, I tilted my head to his direction para marinig kung sino ang kausap nito.
“Hello? Matt, napatawag ka.”
I sighed in relief when I realized it was Matt who was calling him. Akala ko ay isa sa mga Mariposa niya o di kaya ay si Trisha.
“What? Tonight? Bakit hindi ko alam ‘to?” Romano’s brows knitted together. He glanced at his wristwatch. “I hate being informed late, Matt.” His jaw clenched. “Bakit hindi nalang si Papa ang pumunta? I’m busy.” Nakinig ito sa sagot ng kabila. “f**k. Okay, okay. As if I have a choice. Alright, see you tonight, then.” He hung up and rose up from his seat.
Lumapit ito sa akin. Sumenyas ito sa dalawang bakla na lumayo sandali. Romano placed his hands on my shoulders, giving them a little squeeze. “Hindi na kita mahihintay pa, Mira. I need to go to my Dad’s office now at late na ako makakauwi mamayang gabi.”
I nodded. “Kung ganun, okay lang ba sa’yo kung pagkatapos ko dito ay uuwi muna ako sa amin? Nagpapatulong kasi si Krizette. Uuwi din agad ako sa penthouse mamayang gabi.”
Romano looked at me intently from the mirror. He sighed. “Okay. You’re actually free until Sunday. But I’d still prefer you to live at my place. Send me a text kapag nakauwi ka na sa bahay ha. Don’t ride on the jeep. Use your allowance to pay for a taxi.” Yumuko ito sandali para bumulong. “See you later, babe.”
Nngumuso ako. “Mukha mo.”
He laughed and ruffled my hair. Nilingon nito ang dalawang hair stylist. “Gandahan n’yo ang ayos sa babe ko ha.”
Nagtawanan ang dalawang bakla. “Don’t worry. Kami pa ba.”
Ngumiwi ako. People don’t seem affected if Romano called me ‘babe’ in front of their faces. Mukhang alam nilang pinaglalaruan lang ako ng amo nila.
*********
Naalimpungatan ako dahil sa mga kaluskos at mga yakap. Kinapa ko ang aking eyeglasses at sinuot iyon. I glanced at the illuminated wall clock. Mag-a-alas kwatro na ng madaling araw. Kadarating lang ba ni Romano?
Inabot ko ang aking cellphone. I had ten missed calls and twenty text messages from my cousin.
I’m sorry, Mira. I’m really, really sorry.
Hindi ko alam paano ako haharap sa’yo. Kasalanan ko ito.
Mahal kita, pinsan. Sana mapatawad mo ako.
I sighed as I let the tears fell from my eyes. I felt so tired emotionally and physically. What happened doesn’t make me hate my cousin. It’s not her fault. Pareho kaming walang alam.
But one thing was certain, I will never, ever forget what happened…