Final Chapter

2189 Words
"Mars, bilisan mo na! Excited nakong makita ang baby Sabina ko eh." Naglakad na patungong pintuan si Sm. Natulos sya sa kinatatayuan ng makita kung sino ang nakatayo sa labas ng pinto nila pagkabukas nya. Nagkagulatan pa silang dalawa ng makitang isa't isa. "M - Mark!" "Sm!" Kaagad na niyakap nyang kasintahan na matagal na nyang hinahanap. "Anong - Paano mo nalaman ang kinaroroonan ko?" Nalilitong tanong nya sa kasintahan na mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. Dahan dahang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Mark saka pinakatitigan sya ng matiim nito, parang kinakabisa nito ang buong mukha nya. Maya maya ngumiti ito saka nagniningning ang mga mata nitong sinambit ang kanyang pangalan. "Baby girl, I miss you!" "Na miss din kita!" Akmang maglalapat ng mga labi nila ng biglang may magsalita sa likuran ni Mark. "Excuse me, baka pwedeng papasukin mo naman kami baby girl kasi nakakangawit ang tumayo dito sa labas e!" Ani Prince na bahagyang isiningit ang katawan sa siwang ng pintuan para makapasok lang sa loob. Nagkatinginan at nagkatawanan naman silang dalawa ng tuluyang makapasok na si Prince sa loob ng bahay. "Halika pasok ka, umupo muna kayo kukuha lang ako ng maiinom nyo." Ng makaupo ng mga bisita tinungo ni Sm ang kusina nagulat sya ng may biglang humila sa braso nya. Muntik na syang mapasigaw kung di nya lang naamoy ang pabango na gamit ni Mia. "Sshh.. Wag kang maingay Mars! baka sumugod ang dalawang yun dito!" Himig pakiusap ni Mia sa kanya. "Andyan si Prince, ayaw mong kausapin? Para magkaayos na rin kayo." Pangungumbinsi nya pa sa kaibigan. Napasimangot naman ito saka tinalikuran sya at nagtungo sa ref para tulungan syang maghanda ng makakain ng dalawang lalaki. "Mars, wag mong sasabihin na magkasama tayo ha! at please lang wag mong mabanggit banggit ang pangalan ko sa kanila ok!" Iniabot sa kanya ni Mia ang isang tray na may lamang dalawang slice na cake at dalawang baso ng juice. "Sige na labasin mo na sila, saka kayo na lang ang sumundo kay baby Sabina ha! May lakad kasi ako." Pilit na tinatago ni Mia ang lungkot sa mga mata nito pero nakita't napansin pa rin yun ni Sm. "Mars, salamat sa lahat lahat ng tulong mo sakin ha! Tandaan mo nandito lang ako kapag kelangan mo." Naiiyak na niyakap ng mahigpit ni Sm si Mia gumanti din ito ng mas mahigpit at mainit na yakap sa kanya. "Mars, goodluck! Be happy deserve mo yan. Alagaan mong mabuti ang inaanak ko ha! Basta magkikita pa tayo, akong pupunta kung saan ka man iuuwi ng mahal mo. O, sya sige na lumabas kana baka naiinip ng mga bisita." "Lab U Mars, mag iingat ka palagi at alagaan mong mabuti ang yung sarili ha!" "Oo na! Sige na labas kana! Mars Lab U mwah!" Mabilis kumawala sa pagkakayakap sa kanya si Mia saka tinakbo ang backdoor ng bahay ng marinig nila ang boses ni Prince at Mark na papasok ng kusina. "Baby girl." Boses ni Mark na nauunang papasok ng kusina. Kasunod nito si Prince na nakakunot ang nuo habang nakatutok ang tingin sa kakasarang pinto sa backdoor nila. "Halina kayong dalawa, anupang tinutunganga nyo dyan. Kayo ng magbitbit ng tray." Nauna na syang lumabas ng kusina at pumwesto sa sala. Bitbit ni Mark ang tray at inilapag yun sa mesita saka tumabi ng upo kay Sm. Kahit na hindi nagtatanong ang dalaga kusang nagkwento na sa kanya ang dalawang lalaking bisita. Naliwanagan din ang lahat. "Mark, sorry sa lahat lahat ng nagawa ko sayo. Hindi ko alam at wala rin akong alam sa mga pinag gagawa ng mga magulang ko. Patawarin mo sana sila sa mga nagawa nila sayo. Sorry Mark sorry..." Kaagad na niyakap ni Mark ang kasintahan. "Baby girl, rather than being sorry for the way things happened, let's choose to be thankful for the chance to love and be loved. I'm not sorry because I chose you in all sincerity. Thank you for knowing where it hurts and why it hurts. Thank you for staying even when my silence scares you. Thank you for giving me reasons to hold on to life. Thank you for loving my scars and giving parts of yourself for me. I hope you'll remember us with a smile on your face. The scar in our heart is now a part of our soul, this is us. And please don't ever think that we didn't make it, because we did. We have successfully fulfilled the purpose God has planned for us." Umiiyak na pilit nagsalita si Sm para mailabas ang saloobin nya sa binata. Gusto nyang maging tapat dito. Kaya kahit hirap magsalita ginawa nya pa rin para maintindihan sya ni Mark, at para na rin sa kanya ng gumaan ang pakiramdam nya. "I cry for recovery., for learning that I am not who I think I am. for someone who will listen and tell me they understand how my mind works; and that whatever I am saying matters. for comfort that I am not alone in this battle. I cry for total healing, my mind, my soul, and my relationship to other people. I cry for forgiveness from people I have hurt including myself; a forgiveness to all my past mistakes that built regret that haunts me every night. I cry to see the light amidst of this storm, darkness, and loneliness. for hope that it'll be alright too. for the answers on my whys and I cry for that moment of progress where I can see the plans finally laid down in front of my eyes. I cry for a new beginning. I cry for peace. I cry for recovery Mark!" Nakangiting binitawan ni Mark sa pagkakayakap ang dalaga, saka bahagya itong inilayo sa kanya para matitigan, maya maya sinapo nyang dalawang pisngi nito saka nakangiting pinunasan ang mga luha sabay sabing.. "We cannot enjoy life if we spend our time and energy worrying about what happened yesterday and what will happen tomorrow. If we're afraid all the time, we miss out on the wonderful fact that we're alive and can be happy right now. So Cheer up baby girl, we have a future to build together hmm." Natigil ang moment ng dalawa sa biglang pagsingit ni Prince na kanina pa nanonood sa mga nagaganap sa kanila. "Tangna, parang hangin lang ako dito ah! Bakit ba hindi pako umalis? Anong papel ko dito, audience nyong dalawa? Kakaumay kayong tingnan tsk ." Kaagad itong tumayo at mabilis na umalis, di man lang sila nakaimik lalo na ng biglang sumara ang pinto na sinnadyang ibinagsak ni Prince. Nagkatinginan na lang silang dalawa at sabay na napatawa sa inasta ng binata. "Masaya ako kasi magkasama na ulit tayo baby girl. Pagbalik natin ng Pilipinas magpapakasal na tayo para wala ng hahadlang pa sating pagmamahalan." "Sus, ayan kana naman, dipa nga tayo ok sa mga magulang ko eh!" "Anong hindi ok? Sila ngang nakiusap sakin na hanapin ka't iuwi ng Pinas eh! In good terms na kami baby girl kaya wala ng problema." Nayakap ni Sm ng mahigpit si Mark, maya maya niyaya na nya itong umalis. "San ba tayo pupunta baby girl?" Nagtatakang tanong ni Mark ng pumara si Sm ng tricycle at sumakay sila dun. Mas lalo syang nagtaka ng bumaba sila sa tapat ng isang hospital.. "Bakit tayo nandito? Sinong pasyente ang pupuntahan natin?" Sunod sunod na tanong ni Mark sa nangingiting si Sm. "Basta! Surprise ito kaya tama ng pagtatanong mo." Tumigil sila sa nursery at nakita ni Mark si Sm na lumapit sa isang nurse na kalalabas lang ng silid. Saglit lang itong kinausap ng dalaga pagkatapos ay bumalik ulit ito sa loob at may nilapitang sanggol na nasa loob ng incubator. Senenyasan sila nitong dalawa na umikot sa kabilang bahagi ng nursery at sinunod naman nila kaagad yun. Ng mapatapat na sila sa kinaroroonan ng bata nakita ni Mark ang kagalakan at kaligayahan sa mukha ni Sm ng bumaling ito ng tingin sa kanya. "Mark, ipinapakilala ko sayo si baby Sabina Chancery Nixon." "Ha! Anong ibig mong sabihin?" "Baby natin sya Mark." Naluluha pero kaylapad ng ngiti ni Sm na nakatingin kay baby Sabina na nakatingin din sa kanilang dalawa habang sumisipa sipa ito at kinakawag kawag ang mga braso. Nanlalaki ang mga mata ni Mark na palipat lipat ng tingin kay Sm at kay baby Sabina. Naluluha sya sa tuwa't galak. Hindi nya inakala na nagka baby sila ni Sm. Sa sobrang kaligayahang nararamdaman ni Mark binuhat nya si Sm at inikot ikot habang tumatawa't umiiyak na parang baliw. "Mark, anuka ba! Ibaba mo nga ako! Nakakahiyang ginagawa mo." Panay ang hampas ni Sm kay Mark para lang ibaba sya nito. At sa wakas ng mahimasmasan ang binata ibinaba rin sya nito. Pinunasan ni Sm ang mukha ni Mark na hilam sa luha. Nakangiti pa rin itong bumaling sa nursery at pinakatitigan ang baby nila. Hinawakan nyang kamay nito saka hinila palayo sa nursery at inakay patungo sa opisina ng kapatid na doktor ni Mia at syang nag aalaga kay baby Sabina mula ng ipinanganak nya ito at ng nakaranas sya ng depression. "Halika na Mark pumunta na tayo kay Doc. axel para mailabas na natin ang ating anak dito at ng makabalik na tayo sa Pilipinas." Sa lahat ng nangyayari't kaganapan sunod sunuran lang kay Sm si Mark. Lahat ng pagpapasya ipinaubaya na ng binata sa kasintahan ang lahat. Mula sa paglabas ni baby Sabina sa hospital hanggang sa makabalik na sila sa Pilipinas. Sa madaliang kasal nila na ang nag organize ay ang mga magulang ni Sm, sa Binyag ni baby Sabina na ang nasunod naman ay ang mga magulang ni Mark. Tila kaybilis lang nangyari ang lahat lahat ng yun at ngayon ay nakatira na sa bahay nya ang kanyang mag ina. Sama sama na sila bilang isang buong masayang pamilya. Nakangiting pinagmamasdan ni Mark ang kanyang mag ina na nagpapa araw sa garden habang tumutogtog ang paboritong kinakanta ni Sm sa kanya noon at ngayon ay kinakanta na nito sa baby nila, ang kantang 'Hulog ng langit'. Kanina pa nya pinagmamasdan ang mga ito at ng hindi na makatiis nilapitan na nyang mga ito. Pumwesto sya sa likuran ni Sm saka niyakap muna ito bago hinalikan si baby Sabina na mahimbing ang tulog habang karga ni Sm. "Baby girl, breakfast is ready, akong nagluto kaya siguradong masarap ito at mapaparami ang kain mo." "Sus, talaga lang ha! Sige halika na para matikman ko yang pinagmamalaki mong masarap na breakfast." Inakbayan ni Mark ang asawa at masuyong inakay papasok ng bahay. "Baby girl." "Hmm" "I love you!" Napangiti na lang si Sm sa kasweetan ni Mark sa kanya. Hindi talaga ito nagbago mula noong 16 pa lang sya't naging mag syota sila, hanggang ngayong 18 na sya't sila'y mag asawa na. Di kumupas ang pagmamahal nito sa kanya. "I love you more Mark." Ng mapadaan sila sa salas, nakaplay ng kantang paboritong paborito nyang kantahin, lalo na kapag pinapatulog nyang kanilang Anak. Napapangiting sinabayan nyang pagkanta ni Donna Cruz, ang Hulog ng Langit.. parang si Mark lang.. hulog ito ng langit sa kanyang buhay, maaga man syang nag asawa't nagkaanak , naging maligaya at kontento naman ang kanyang pamumuhay.. Sa piling ng kanyang asawang si Mark at Anak nilang si Sabina... wala ng mahihiling pa si Sm, sa biyayang ipinagkaloob ng panginoon sa kanya.. labis labis ng kanyang pasasalamat .. ♪ ♪ Lahat ay gagawin para sa'yo Ganyan ang alay na pag-ibig ko Kahit ang dagat ay aking tatawirin Ang ulap ay aking aabutin Sa 'yo'y walang hindi kayang gawin Langit ang alay na pag-ibig mo Wala na ngang mahihiling ako Umasa kang laging ikaw ang siyang mamahalin Sa isip, sa puso at sa damdamin Ayaw kong mawalay ka pa sa akin Ikaw ang hulog ng langit Ikaw ang aking pag-ibig Ikaw ang katuparan dito sa aking daigdig Ikaw sa akin ang bituin Walang kupas ang ningning Ligaya kang walang hanggan Ako'y sa 'yo, at ika'y para sa akin Langit ang alay na pag-ibig mo Wala na ngang mahihiling ako Umasa kang laging ikaw ang siyang mamahalin Sa isip, sa puso at sa damdamin Ayaw kong mawalay ka pa sa akin Ikaw ang hulog ng langit Ikaw ang aking pag-ibig Ikaw ang katuparan dito sa aking daigdig Ikaw sa akin ang bituin Walang kupas ang ningning Ligaya kang walang hanggan Ako'y sa 'yo, at ika'y para sa akin ♪ ♪ "Ang galing naman kumanta ng baby ko.." bulong sabay halik ni Mark sa ulo ni Sm. "Ikaw ang hulog ng langit sakin ni Lord, Mark.. Salamat sa pagmamahal mo.." "At kayo naman ni Sabina ang buhay ko! hmm.." ?❤ - Mark & Sm ❤ Story - - THE END - "Marriage is not about compatibility, it's how about you deal with incompatibility. To make it last, constant communication, giving and taking should be done. It may not be a key to a perfect marriage but what's more important is that your both happy for the rest of your lives." "You can't go back and change the beginning but you can start where you are and change the ending." ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD