"I'll just go to my room." narinig kong sabi ni Mommy na paakyat na papunta sa kwarto nila ni Daddy. "Lia, kausapin mo si Justin. He's been waiting for you kanina pa," pinanlakihan ako ng mata ni Mommy. Hindi ko naman siya pwedeng suwayin dahil isusumbong niya ako kay Daddy. Ang hirap gumalaw kapag kontrolado ka ng mga taong malalapit sa'yo. Hinarapan ko si Justin at matiim siyang tiningnan. "Ano pa bang pag-uusapan natin? Ano pa ba yung hindi mo maintindihan sa ayaw na kitang makita?" "Lia, I'm here to apologize. Hindi ko sinasadya," "Hindi sinasadya? Hindi mo sinasadya na iniwan mo ako noon?" napakuyom ang mga kamay ko. "It's not it! Hindi kita iniwan ng ganun lang. I have reasons," paliwanag niya. "Save it. Hindi na kailangan. Makakaalis ka na. At please, kung may natitira ka