Posas

1175 Words
Tahimik akong nakaupo sa duyan nang biglang lumapit sa aking harap si Dallia. Nagulat pa nga ako sa paglapit nito. Bigla tuloy akong napasimangot. "May bago na tayong trababo, Rose!" malakas na tili nito. Kahit masakit sa tainga ang boses nito ay tiniis ko na lamang lalo at nabanggit nitong may bago na kaming trabaho. Tatlong buwan na ang nakakalipas nang matanggal kami sa pinapasukan naming restaurant, sa kadahilanang ito'y palugi na. Kasama kami ni Dallia sa napiling mawalan ng trabaho. Kaya hanggang ngayon ay wala pa rin kaming trabaho. Mabuti na lang at hindi kami umuupa ng bahay. Laking pasasalamat ko dahil sa aking pinagkatiwala ng pinsan ko ang kanyang munting tirahan. Nakapag-asawa kasi ito ng mayaman at ayon nga lumipad na patungong ibang bansa para roon manirahan. Ang swerte ng babaeng iyon kasi nakatagpo ng lalaking may datong at mataba ang bulsa. Malalim na lang akong napabuntonghininga. Muli naman akong tumingin sa aking kaibigan na si Dallia. "Saan tayo magtatrabaho?" tanong ko agad. "Rose, tutal naman wala na tayong makain kaya kung maaari ay patusin na natin ito. Sayang din ang ibabayad sa atin," sabi pa nito. "Oo nga! Pero saan nga tayo magtatrabaho?" tanong ko pa. Ngumiti muna ito sa akin at tila nagdadalawang isip na sabihin sa akin. Kaya nilakihan ko ito ng mga mata. "Hmm! Nagtext kasi iyong kaibigan ko. At inaalok ako na baka gusto ko raw na magwalis sa kalye sa loob ng isang buwan. Kailangan daw ng dalawang tao. Naisip ko habang wala pa tayong nahahanap na trabaho, eh. Bakit hindi natin patusin ito. Saka isang buwan lang naman," mahabang litanya ni Dallia. Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Tama naman ito. Sayang din ang isang buwan na sasahurin namin sa pagwawalis sa kalye. Sa panahon ngayon ay dapat wala nang arte-arte sa katawan lalo at mahirap maghanap ng trabaho. "Sige, magwalis muna tayo sa kalye habang wala pa tayong matinong trabaho. Saka teka lang, magkano naman ang araw natin?" tanong ko rito. "Ang sabi ng kaibigan ko ay three hundred pesos daw ang araw. Hindi naman tayo maghapon magwawalis hanggang tanghali lamang tayo," sabi nito. "Okay! Sayang din ang three hundred pesos," nakangising sabi ko. Kahit ano'ng trabaho ay papatusin ko may mailaman lang sa aking tiyan. Huwag lang ang magbenta ng drags. Ayaw ko pang makulong. "Next week tayo magsisimula," sagot nito. "Ngekk! Next week pa? Bakit ang tagal naman?" reklamo ko rito. "Eh! Iyon ang sabi ng kaibigan ko. Huwag kang mag-alala kasi ngayon araw may trabaho rin tayo," muling sabi nito. "Ano naman iyan? Huwag mong sabihing tagadakot ng basura?" natatawang tanong ko. "Magbebenta tayo ng isda, sayang din kasi ang kikitain natin doon," anas nito. "Isda? Saang palengke naman natin kukuhanin ang isda na sinasabi mo?" tanong ko pa. "Huwag kang mag-alala akong bahala. Sige na magpalit ka na ng damit nang makaalis na tayo, habang maaga pa." Tumango na lamang ako rito. Agad naman akong nagpalit ng damit. Naglagay rin ako ng sobrero sa aking ulo. Kung nabubuhay lang sina papa at mama hindi sana ganito ang buhay ko. Hindi naman kami sobrang hirap dati. Kahit papaano ay nakakapag-aral ako sa mamahaling paaralan. Ngunit dumating ang matinding pagsubok sa buhay namin. Ang mambabae si papa at ito'y nalaman ng aking mama. Kaya sa matinding galit ng aking ina ay nagawa niyang kitilin ang buhay ng aking ama at ganoon din ang ginawa niya sa kanyang sarili. Balitang-balita ang nangyaring iyon sa lugar namin. Pero walang nakakaalam kung bakit nila ginawa iyon maliban sa akin. Narinig ko kasi silang nagtatalo at nabanggit ni mama ang tungkol sa kabit nito. Kahit gusto ko silang awatin ay hindi ko naman mabuksan ang pinto ng kwarto nila. Hanggang sa narinig ko ang sinabi ni papa na huwag kalabitin ang gatilyo ng baril. Ngunit huli na ang lahat dahil nagawa na ni mama. At bago rin tapusin ni mama ang kanyang buhay ay sumigaw itong mahal na mahal daw niya ako. At isang putok na naman ng baril ang narinig ko. Tanging pagluha lamang ang nagawa ko ng mga panahong iyon. Hanggang sa dumating sa aming bahay ang nag-iisang kapatid ni mama. Ito ang umagapay sa akin. Napag-alam ko rin wala na pala ang naipong pera nina mama at papa. At iyon pala ay naubos sa naging babae na aking ama. Nakuha na rin ng bangko ang aming bahay dahil baon pala si papa sa utang. Kaya naman nagdesisyon ang tiyan ko na ipasama ako sa Laguna. At ito na nga ang tumayong ina sa akin. Bigla ko tuloy namis ang tiya ko. Kaso lang ay kinuha na rin ito sa akin. Kaya ang naging kasama ko palagi ay ang anak nito. Pero iniwan lang din ako dahil nag-asawa na ito ng mayaman. Kaya heto na naman ako nag-iisa. Nandiyan pa pala si Dallia ang nag-iisa kong kaibigan. Napabuga na lang ako ng maalala ko ang lahat. Siguro nga'y ganoon talaga ang buhay ko. May umaalis at dumarating. "Nandito na tayo, Rose," narinig kong bigkas ni Dallia. Tumingin naman ako sa aming pupuntahan at nakita kong papasok kami sa isang malaking gate. Ngayon lang ako nakarating dito. Pero alam kong may fish ponds sa loob niyan. Mukhang alam ko na ang balak nito. Pagdating sa gate ay agad naman kaming pinapasok sa loob. Mukhang kilala na si Dallia rito. Nang tuluyan na nga kaming makapasok sa loob ay nakita namin halos fish pond ang nandito. May sumalubong naman sa amin ni Dallia. Tama nga ang hinala kong kilala na ito rito. Kaya hinayaan ko na lang na ito ang makipag-usap sa lalaki. Mamaya pa'y umalis itong muli at pagbalik ay mayroon nang dalang timba na may lamang isda. Pagkatapos ibigay kay Dallia ang timba na may isda ay agad ding umalis ito. Niyaya na naman ako ni Dallia na umalis na para maibenta na namin ang isda. "Teka paano ba natin maibebenta ang isda na ito?" tanong ko rito. "Kailangan nating magsisigaw nang--- bili na kayo ng isda!" sigaw ni Dallia. Ako naman ay napatawa sa sinabi nito. "Mas maganda siguro kung sa malapit sa palengke tayo pumunta para maraming bumili ng isda natin," sabi ko. Agad naman itong sumang-ayon sa aking sinabi. Kaya pagdating sa bayan ay nakita naming maraming tao. Sana lang ay may bumili sa isda naming dala-dala. Nagdesisyon kaming maupo muna sa isang bangketa. Nakita ko ring may mga nakaupo. Ang kaibahan lang ay iba ang binibenta nila. Hindi pa halos nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo nang makita kong nagtayuan ang ibang nagbebenta. At tila nagmamadali sa pag-alis ang mga tila. Napatawa na lamang kami ng sabay ni Dallia dahil sa aming nakikita. Subalit isang malamig na bakal ang lumapat sa aming mga pulsuhan. At pagtingala ko'y dalawang pulis ang nasa harapan namin. Labis kaming nagtaka kung bakit kami nilagyan ng posas. "Ano'ng ibig sabihin nito, mamang Pulis?" asar na tanong ko. "Mga Miss, bawal magtinda rito," sagot ng isang pulis. Naku po! Paktay kami ni Dallia nito. Mukhang sa kulungan ang bagsak naming dalawa. Dahil sa pagbebenta ng isda.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD