"No! Hanapin ninyo siya!" Napabalikwas ako nang bangon mula sa aking pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na sigaw na iyon. Kaya naman halos ilaki ko ang aking mga mata upang kahit papaano ay mawala ang antok na sumasapi sa akin. Dahan-dahan din akong lumingon sa taong tila galit na galit sa kanyang kausap. At tumambad agad sa aking harapan ay ang malapad na likod ni Zach Mangkukulam. Namataan ko rin may kausap ito sa cellphone, habang nakatalikod sa akin. Bigla rin nagsink-in sa aking utak ang mga pinag-uutos sa akin ng binata. Kaya naman dali-dali akong lumapit sa mga papeles na ginagawa ko kanina. Para simulan ang 'di ko pa natatapos na gawain. "So, mabuti naman at gising ka na? Ganyan ka ba kung magtrabaho? Tinutulugan mo ang mga gawain na pinagagawa sa 'yo!" singhal na anas ni