Nagmamadali akong pumanhik sa itaas. Upang muling ibalik ang aking bag sa cabinet. Paglabas ko ng dressing room ay nakita ko si Zach, nandito na ito sa loob ng kwarto. Bumaling siya sa akin pagkapos ay kumunot ang noo. "Magpalit ka ng damit aalis tayo," utos niya sa akin. "Huwag mo na lang akong isama," pagtangi ko sa lalaki. "Ikaw ang alipin ko. Kaya dapat na isama kita!" pagalit na sabi niya sa akin. Kaya kahit masama ang loob ay muli akong bumalik sa dressing room para magpalit ng damit. Pantalong maong at trap top ang aking suot. Nagpolbos muna ako bago lumabas ng dressing room. Nakita kong mayroon itong dalang attache case. Hanggang sa muling bumaling sa akin at yayain na akong umalis. Wala akong salita na sumunod kay Zach. Bigla pa ngang tumaas ang kilay ko nang pagbuksan ako