Kuyom ang mga kamay ko habang nakatingin kay Zach. Hindi ako makapaniwala na ganito pala ito ka dayang kausap. Hindi pala ito marunong tumupad sa mga pinag-usap. Peste talaga! "Tatandaan ko ang ginawa mo sa aking pandaraya. Sa susunod hindi na ako maniniwala sa 'yo. Wala kang isang salita, Fuentebella!" nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin dito. "So, kahit ano'ng mangyari pa ako pa rin ang masusunod sa ating dalawa," anas pa nito sa akin. Kaya naman lalo akong nairita sa lalaki. Sayang talaga ang pinagpaguran kong pagkanta wala naman pala akong mapapala. At walang makukuhang maayos na bayad mula rito. Nakakainit lamang ito ng ulo. Kaya naman kahit masama ang loob ko ay itinago ko na lamang ang perang ibinigay nito sa akin. Hindi rin maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa lab