"Ano bang problema mo, boss? Sinunod ko naman ang hiling mo! Kumanta ako para may magbigay sa atin ng limos. Tapos panay naman ang reklamo mo!" asar na sabi ko sa lalaki. "Hindi ako natutuwa sa pagkanta mo. Puwede ba ayos mo naman! Iyong may dating at magandang pakinggan!" muling singhal nito sa akin. "Maganda? May dating? Sige kakanta ako para sa iyo," sagot ko sa lalaki. Pagkatapos ay kinuha ko ang dalawang lata. At pinag-impog ko iyon. At nagsimulang umindak sa aking kantang kakaiba raw kuno. "Oh! Yeah! Yeah! Pasumpa-sumpa ka pa peste! Nagmukha akong tanga hayop ka..." "Montes! Isa pa!" pagbabanta ni Zach sa akin. Kaya hindi ko na natuloy ang balak kong pagbirit. Muli akong tumingin sa lalaki. "Batuhin kaya kita ng lata? Para makakita ng maraming star!" bulalas ko sa lalaki at nan