Hindi ako makagalaw. Parang namagneto yata ang buong katawan ko. Hanggang sa pumasok ang dila ni Zach sa loob ng bibig ko at agad na ginalugad ito. Parang may bagay roon na hinahanap ang binata. Mayamaya pa'y gumapang ang halik niya sa aking panga pababa sa leeg ko sabay sipsip doon. Medyo itinulak ko ito. Sapagkat kahit papaano ay natauhan ako. Tumigil naman ito sabay kuha ng baso na may lamang alak. At tuloy-tuloy na ininom iyon ni ulupong. Pagkatapos ay ako naman ang binigyan nito ng alak. Magkakasunod na umiling ako sa lalaki. "H-Hindi na pala ako iinom, boss. Medyo nahihilo na rin kasi ako," pagtanggi ko sa lalaki. Habang namumungay ang mga mata. "One more," nakikiusap na sabi nito sa akin. Kaya no choice ako kundi kuhanin ang alak na binibigay nito sa akin. Walang salita na ininom