Patapos na ang unang araw ko dito sa trabaho at masasabi ko na mayroon na akong natutunan lalo na't sa payroll process ako na-assign. Maayos akong naturuan ni Princess sa lahat ng kailangan kong matutunan. Naging panatag na rin naman ang loob ko sa kanya. Mukhang totoo naman ang lahat ng mga sinabi niya sa akin, at iyong paghingi niya ng paumanhin. Parang bumalik na nga kami kaagad sa dati. Iyong close na close talaga kami. Mabuti na lang rin at nandito siya dahil kahit papaano ay may makakasama ako. Hindi na rin ako mahihiyang magtanong kung sakali. "Ma'am Princess, bago yata?" Curious na tanong ng isang lalaking nakasalubong namin habang naglalakad kami palabas. Sumulyap pa ito ng tingin sa akin. Huminto si Princess kaya huminto rin ako. "Oo. Newly hired," tugon ng kasama ko. Ngumit