Chapter 5 - Patumbahin ang mga bruha
Kalina’s POV
Nabigla ako sa tatlong babae na humarang sa akin sa tapat ng gate ng Chestara Academy nang umagang iyon. Huminto naman ako para harapin sila. Sinuri ko ang mga itsura nila. Magaganda naman sila at bakas sa mga suot nila na galing sila sa mararangyang pamilya. Lumapit sa akin ang isang babae na nasa gitna nila. Ang ganda niya, pero mukha siyang mataray. Medyo kumulo ang dugo ko sa pagtaas ng isa niyang kilay. “So, totoo nga pala ang balita na maganda ka,” biglang niyang sabi saka niya winagayway ang hawak niyang pink na pamaypay. Napataas ang kilay ko. Sino na naman ba ang isang ito?
“Teka, kilala ba kita?”
Nataas ang isang kilay niya sa sinagot ko. Medyo umiinit ang ulo ko dahil mukhang tinatarayan niya talaga ako. Nakakapikon ang school na ito. Bakit puro may sapak ata sa ulo mga estudyante dito.
“I’m Chava—ang pinakamagandang babaeng estudyante dito sa Chestara Academy.”
So, siya na pala ‘yan. Totoo nga rin pala ang balita. Maganda nga siya pero mukhang maldita. Puwes, hindi pa niya ako kilala, kaya huwag niya akong hamunin. Ayoko nang away pero kung gusto niya, puwede ko naman siyang pag-bigyan.
“So what?” maangas kong tanong sa kanya. Nag-umpisa na akong mamewang. Gusto ko siyang takutin, medyo magpapakilala na rin ako dahil hindi uubra sa akin ang mga kayabangan nila.
“Aba! Mukhang lumalaban ‘yan ah?” sumbat ng isang babaeng kasama niya. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga estudyante dito kaya medyo nahihiya na rin ako. Lalo tuloy umiinit ang ulo ko.
“Hindi ata siya natatakot sa akin, Portia?”
Iyon pala ang pangalan niya. Mukhang sila na nga ‘yung tatlong babae na sinasabi ni Ada na bully dito sa Chestara Academy. Ano ito—ako naman ang i-bubully nila? Ay naku, huwag ako! Iba ako magalit!
“Come on, ignore them,” biglang sabi ni Ada na dumating bigla sa tabi ko. Bigla niya akong hinila palayo sa tatlong bruhilda na ‘yun.
“We’re not done yet, Kalina! May araw ka rin sa akin!” sigaw pa ni Chava habang papaalis na kami. Ang tapang talaga.
“Okay! See you soon!” sigaw ko rin. Hindi ako magpapatalo.
“Anong problema nila at mukhang ako naman ang trip nila?” inis kong tanong kay Ada.
“Maybe they heard what you did to Clement, yesterday. Hindi mo ba alam na trending ka sa buong Academy? Saka, number one si Chava na patay na patay kay Clement, kaya sure akong ‘yun ang dahilan kung bakit ikaw naman ang pinagdidiskitahan nila ngayon,” wika ni Ada na patuloy akong hinihila kahit malayo naman na kami sa tatlong ‘yun.
Napairap ako. Buwisit na Clement na ‘yan! Dahil sa kanya mapapaaway pa tuloy ako dito sa Chestara Academy. Kung ‘yun lang pala ang dahilan nila ay isaksak nila sa baga nila ang Clement nila. I don’t have time for their stupidities.
“Sa susunod na pagkikita namin, isasaksak ko sa baga nila ang lalaking ‘yon. Huwag nga nila akong ipares sa kanila na uhaw na uhaw sa mga lalaking pogi. Ang lalandi nila!” inis kong sabi habang papasok na kami sa room namin. Hingal na hingal ako dahil kay Ada. Masyado siyang takot na takot sa mga babaeng ‘yon.
“Huwag na! Just stay away. Mahirap silang kaaway,” sabi ni Ada na pinapaypayan na ako ngayon. Sa totoo lang ay alagang-alaga ako kay Ada. Ang sarap niyang maging kaibigan.
“No, Ada! Sa susunod huwag mo na akong hihilahin palayo sa kanila. Haharapin ko sila at tuturuan ko sila ng leksyon!” wika ko kaya napatingin sa amin ang mga kaklase ko. Naramdaman ko na parang pinagtatawanan nila ako, na para bang hindi sila naniniwala na matapang ako at kaya kong labanan ang mga bruhang ‘yun.
“Is she Serious?”
“Kaya nga!”
“Ang hirap kaaway nila Chava!”
“Goodluck nalang sa’yo, Girl!”
Ang dami kong narinig sa mga kaklase ko. Natatawa ako. Hindi pa kasi nila ako kilalang lubos kaya madali na sa kanila ang manghusga agad. Puwes, manuod na lang sila sa susunod na pagkikita namin ng mga bruhilda na ‘yon. Magpapakilala na ako sa school na ito.
Maghapong kong inabangan ang mga babaeng ‘yon. Ang sabi ko nang una ay ayoko ng away. Pero dahil sinusubukan nila ako, pagbibigyan ko sila. Saktong breaktime nang hapon na iyon nang makasalubong namin ni Ada sina Chava. Biglang hinila ni Portia at Charleigh si Ada palayo sa akin at hinarap naman ako ni Chava.
“Matapang ka ba?” maangas na tanong ni Chava habang tinataasan ako ng kilay at nakapamewang pa. Sa ganoong asta na siya nanakot? Wow! Mukha kaya siyang duwag sa itsura niyang iyon. Hindi niya ata alam na mukha siyang matandang babae na naniningil ng upa sa apartment sa asta niyang palaging nakapamewang.
“Well, try me!” taas kilay kong sagot sa kanya. Hindi ako magpapatalo. Puputulin ko ang sungay ng isang ito.
“Tama na! Tigilan niyo na si Kalina!” sigaw ni Ada na pilit na bumabaklas sa dalawang bruha na sina Portia at Charleigh.
“Shut up!” bulyaw ni Chava sa kanya.
“Huwag mo siyang sigawan!” bulyaw ko rin sa kanya saka ko siya tinulak. Nabuwal siya sa sahig kaya nagulat ang mga estudyanteng nanunuod sa amin.
“What the f*ck!” sigaw ni Charleigh na tila nainis sa ginawa ko sa pinuno nilang hilaw. Mahina lang ‘yung tulak ko, pero nabuwal na agad siya? Ang hina naman ata niya? Mukhang diet si girl dahil wala manlang siya kalakas-lakas sa katawan niya.
“Do you think I’m afraid of you? Huwag niyo akong ipares sa mga estudyante rito na sunod-sunuran sainyo. Bakit? Mga diyos ba kayo? Ang Kakapal ng mga mukha niyo! Ang gaganda niyo nga, pero asal hayop naman kayo! Bakit kayo nambu-bully? Para saan ‘yun? Para maging cool sa mata ng ibang estudyante? Mga girls, mali ‘yon. Hindi siya nakaka-cool. Tigilan niyo na iyan dahil maraming estudyante ang napeperwisyo ninyo. Nag-aaral silang mabuti pero anong ginagawa niyo, binubwisit niyo sila. Tigilan niyo na ‘yan dahil ako na ang makakalaban ninyo!” mahaba kong sabi at akmang tatadyakan ko na sana si Chava nang bigla ko ‘yung hininto. Hindi ko naman talaga siya sasaktan. Tatakutin ko lang. Bakas naman sa mukha niya ang pagkatakot sa akin kaya palihim akong natatawa. Ganoon din sina Portia at Charleigh na ngayon ay binitawan na si Ada. Nasaan ang tapang nila? Ganyang ba sila kaangas? Bakit tila umurong ang mga sungay nila?
“Tama ka, Kalina. Marami nang napeperwisyo ang mga ‘yan! Kung hindi ka dumating ay walang maglalakas loob na putulin ang mga sungay nila,” sabat ng isang babaeng estudyante na mukhang matagal nang sura sa kanila.
“Puwes, huwag kayong matakot sa kanila. Mas matakot sila dapat sainyo dahil isang kalmot niyo lang sa mga mukha nilang magaganda ay papangit na agad sila. Ganoon ang gawin niyo kapag tinarantado kayo ng mga babaeng ito. Sa mukha niyo agad tirahin para tapos ang laban! Ngayon, sino ang dapat matakot? Sa isang iglap lang na magsama-sama ang mga binully nila at rambulin silang tatlo ay sure akong mawawala ang iniingatan nilang makinis at magandang mukha! Ngayon pa lang ay magtino na kayo dahil hindi na sila kagaya ng dati, Chava!”
Hindi ko naman inaasahan na susuportahan ako ng ibang estudyante rito.
“Tama!”
“Lalaban na kami!”
“Ako rin!”
“Hindi na rin ako natatakot!”
“Sasama ako sa inyo!”
Isa-isang lumabas ang mga binully nila. Isa-isa silang pumunta sa likod ko at ngayon ay matatapang ang mga mukha na humarap sa kanila. Lalo nang natakot ang tatlong bruhilda. Agad-agad silang nagtatakbo palayo sa amin. Asar talo ang inabot ng mga gaga. Ang hihina naman pala nila.
“Mabuhay si Kalina!” sigaw ng isang babaeng estudyante kaya nagpalakpakan at nagsigawan ang karamihan.
Natuwa ako dahil mukhang nakatulong sa ilang babaeng student ang ginawa ko. Sabi ko naman sa kanila na iba ako. Hindi ako nanakit, pero kaya ko silang ipatumba gamit nang aking mga mabubulaklak na salita. Ngayon, malaya at masaya nang makakapa-aral ang mga estudyante dito sa Chestara Academy.
“Kapatid nga kita,” biglang sabi ni Kuya Eldridge na kanina pa pala nanunuod sa amin. Tinapik niya ang likod ko at umalis na rin ka agad.
Pagdating namin ni Ada sa room namin ay todo puri ang mga kanina lang na mga basher ko. Nag-iba agad ang ihip ng hangin. Natatawa na lang ako, pero ayos na rin iyon. Sa tingin ko ay kilala na nila ako ngayon.
“Proud akong BFF kita,” masayang wika ni Ada sa akin.
“Thank you, BFF!” Niyakap ko siya dahil sobrang supportive niya rin sa akin. Luka-luka man siya ay masasabi kong totoo ko na siyang kaibigan dahil ramdam ko ang kabaitan niya sa akin.
Masaya ako na marami akong natulungan na estudyante rito sa Chesta academy. Sana sa ginawa ko ay matigil na sila Chava. Sana rin ay payapa na silang makapag-aral na wala nag pino-problema na mga malditang estudyante, dahil kapag nabalitaan kong ginagawa nila ulit ang pambu-bully ay sasaktan ko na sila o kundi naman ay gagamitin ko si Kuya Eldridge para takutin sila. Sunugin lang ni Kuya Eldridge ang mga buhok nila ay tiyak na magtitino na sila. Huwag nilang hintayin dahil pagagawa ko talaga ‘yun kay kuya. Ganyan kabagsik ang pamilyang Flower. Huwag kami at lalong huwag ako!