Chapter 3 - Chestara Academy

2203 Words
Chapter 3 - Chestara Academy Kalina’s POV Ngayong araw na ang unang pasok ko dito sa bago kong school. Ang weird nga e. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin habang naglalakad na ako sa loob ng school. Pakiramdam ko tuloy ay parang may kasalanan ako o kriminal ako. Bawat ‘pag hakbang ko ay nakamasid sila. May ilan pa na nagbubulungan, may ilan naman na nakangiti na tila wine-welcome ako at may ilan na seryoso lang talaga na nakatingin. “Hey! Welcome to Chestara Academy.”  Isang babaeng estudyante na mukhang nerd ang biglang lumapit sa akin. Hindi lang pala mukhang nerd dahil nerd nga talaga siya. May malaki kasi itong suot salamin sa mata, naka-brace ang ngipin at kulot na kulot pa ang kaniyang buhok. “T-thank you!” nahihiya kong sagot. Mabuti na lang at may isang estudyante na naglakas ng loob na lumapit sa akin. Ngayon ay kahit pa paano ay hindi na akward na tila mag-isa lang ako sa buhay ko rito sa Chestara Academy. “Ganyan sila kapag may bagong salta rito. Lalo na’t ang ganda-ganda mo pa. Mukhang may katapat na ang bruhildang si Chava,” aniya na kinangisi ko. Seryoso ba siya? Katapat talaga? Saka, sino naman kaya ang Chava na tinutukoy niya at mukhang sa pangalan pa lang ay mukhang nakakatakot na. “Sinong Chava naman ang tinutukoy mo?” tanong ko.  Ngumiti muna siya bago sumagot. “Pero bago mo muna siya makilala, siyempre ako muna. I’m Ada Calista, you can be my BFF here at Chestara Aademy!” aniya na kinatuwa ko naman. English-era pa nga ang gaga. Ang weird nga lang talaga niya, pero thank God at may kaibigan na agad ako rito.  “Hi, Ada! Ako naman si Kalina Flower.” Nakita kong nagulat siya. Alam ko na ‘yon. Ganyan naman sila kapag naririnig ang apelyido ko. Bakit ba? Ano bang problema nila sa surname kong Flower? Ang ganda kaya! “F-flower? As in, bulaklak talaga?” tanong pa niya na tila hindi talaga pakapaniwala. “Yup!” maikli kong sagot habang natatawa. ‘Yung dalawa kasi niyang makapal na kilay ay magkasalubong ngayon. Gulat na gulat talaga siya. “Oh my gosh! Ang cute naman!” bigla niyang sabi kaya napangisi na lang ako. Ang weird talaga! Akala ko pa naman ay pagtatawanan niya ako. “So, whot is Chava?” tanong ko ulit. Bigla na siyang sumiryoso nang banggitin ko ang Chava na iyon. Nawala na ang ngiti sa mukha niya. Napataas ang kilay niya bago sumagot. “She is the only leader of the bitches here at Chestara Academy. She is the most beautiful woman here, second is her alalay Portia Roux and third is Charleigh Maxx who is also her alalay. Sila ang tatlong babae na magaganda rito. You have to be careful of them because they are bullies. Pero ngayon, hindi na ako naniniwalang si Chava ang pinakamaganda dito sa Chestara Academy, dahil dumating na ang tunay na reyna, ang tunay na pinakamaganda at tunay na dapat na magdala ng title na pinakamagandang babae sa Chestara Academy.” “At sino naman ‘yon?” tanong ko. “Ikaw ‘yon Kalina Flower!” Tinapik ko siya. Hindi lang weird itong si Ada, bolera pa. Dahil diyan, gusto ko na rin siyang maging kaibigan. Dibaleng weird, ang mahalaga ay mapapatawa niya ako araw-araw. “Hindi naman ako makikipag-agawan sa title nilang ‘yun. Ayoko rin ng gulo, gusto ko nang katahimikan, kaya hayaan na lang natin sila. Saka, ano bang problema nila at nambu-bully pa sila? Hindi pa ba sila masaya sa kung anong mayroon sila? Like, ang gaganda naman pala nila at mukhang mayayaman. Bakit hindi na lang sila magpaka-down-to-earth at nambu-bully pa sila? Ang sarap kaya nang tahimik at walang kaaway.” Halos mapanganga si Ada sa mga sinabi ko. Kahit paulit-ulit ko nang sinasabi na weird siya, weird talaga, eh. Nakanganga siya ngayon at kumikinang pa ang mga mata habang nakatingin sa akin. Sa totoo lang, maganda naman siya. Mag-ayos lang siya ay sure akong mas maganda pa siya sa akin. Pero, hayaan na lang natin siya. Hindi ko pa siya masyadong kilala kaya hindi ko na papakelaman ang gusto niyang trip sa katawan niya. “Ikaw na, Kalina. Ikaw na talaga! Bakit kaya hindi nila ‘yan maisip? Anyway, ‘wag na nga natin silang pag-usapan. Nasisira lang ang araw ko. Maging happy ka na lang dahil magiging classmate mo na ako.” Nagulat ako nang sabihin niya ‘yon. “T-talaga?” Ang saya lalo kung magiging classmate ko nga siya. “Yes, kahapon kasi ay sinabi ni Ma’am Ryana ang pangalan mo. Naalala ka agad kita nang sabihin mo sa akin ang pangalan mo. Tamang-tama dahil hinanda ko na ang upuan mo sa tabi ko. Pinaghandaan ko rin talaga ito dahil gusto kong magkaroon ng bagong kaibigan. Wait, maniniwala kabang ni isa ay walang gustong makipagkaibigan sa akin dito?” Natahimik ako sa sinabi niya. Bigla akong naawa nang sabihin niya ‘yon. Siguro ay dahil sa pagka-weird niya. Bakit naman kaya? Ang ba-bad naman ng mga estudyante dito! “Bakit naman? Mabait at nakakatuwa ka nga, eh. Bakit walang gustong makipagkaibigan sa ‘yo?” tanong ko. “Because I’m a nerd. I look ugly kaya maraming naaalibadbaran sa akin dito,” sagot niya sa tono na nalulungkot. Lalo akong naawa sa kanya. “Grabe naman sila! Dont worry, from now on you have a friend and that’s me,” sagot ko at saka ko siya niyakap. Nakita kong sumaya siya. Para siyang bata, pero ang cute. Hindi ako napapangitan sa kanya. Ang cute-cute nga niya eh. “BFF na ba tayo?” nagpapa-cute pa niyang tanong na para bang mangiyak-ngiyak pa. Tumango ako at saka ko siya nginitian. Hindi niya deserve ang nilalayuan. Hindi porket nerd ay lalayuan na. Ang mga katulad ni Ada ay iniingatan. Ang hirap kayang magpatawa. “Ang swerte ko! Hindi ko inaakalang magkakaroon ako ng napakagandang babae na kaibigan dito. Ibang iba ka talaga sa lahat. Sana all kagaya ng ugali mo,” aniya na hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi niya. Mayamaya ay natigil kami sa pag-uusap nang bigla kaming makadinig nang naghihiyawan. Akala ko tuloy ay may mga nag-aaway kaya medyo natakot ako. Pero iba pala. Uso pala rito ang poging lalaki na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. “Si Clement Dadonza iyon,” sabi ni Ada na kinagulat ko. Hindi ko inaakalang dito pala siya nag-aaral. Napaisip tuloy ako, mayroon kaya ditong estudyante na alam ang pagkatao niya? May alam kaya na witch ang lalaking iyon? “Sino siya?” Kunyari hindi ko siya kilala. “Siya ang pinakaguwapong lalaki dito sa Chestara academy, walang babae ata ang hindi nagkakagusto sa kanya,” aniya na hindi ko na kinagulat. Totoo naman kasi na ang gwapo siya, pero hindi ko siya gusto ah. “Lahat talaga? Pero bakit hindi ko siya type?” bigla kong sabi kaya napanganga na naman si Ada. “S-seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Ada. Ngumisi ako. Bakit ba? Hindi lahat ng babae ay guwapo ang gusto. Saka, ano ba sila?! Kailangan bang kapag gwapo ay crush at gusto mo na agad? “Yup, hindi naman patok sa akin ang gwapo lang. Mas nakakaguwapo pa rin ‘yung mabait, humble at hindi nakakasura!” wika ko. Ayoko nang magpaliwanag pa ng mahaba dahil wala akong oras para sa lalaking ‘yon. “Sa tono nang pananalita mo ay parang kilala mo na agad siya ah? Anyway, balang araw kakainin mo rin iyang mga sinabi mo.” Hindi na lang ako nag-talk. Inaya ko na lang siya sa room namin. Gusto ko nang maupo. Napahaba kasi ang huntahan namin kaya nangawit na ako sa kakatayo. Pagdating namin sa room namin ay ganoon pa rin. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Hindi lang basta tingin, nakatitig pa. Naupo na ako sa tabi ng upuan na inihanda ni Ada. Magkatabi kami kaya masaya ako. Isang lalaki ang biglang lumapit sa akin. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Tinitigan niya ako kaya nagulat ako. Guwapo rin naman siya, pero parang weird rin na gaya ni Ada. “Yes?” tanong ko kasi wala manlang siyang kibo. “Tao ka pa ba?” bigla niyang tanong kaya natawa ako. “Bakit? Mukha ba akong hayop?” tanong ko habang natatawa pa rin. Bakit ba puro weird ang tao dito? Ano bang school itong pinasok ko? “Hindi naman sa ganoon. Ang ganda-ganda mo kasi. Para kang diwata sa mga pinapanuod kong movie. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing ganda mo. Para kang artista,” aniya na nakangiti pa. Well, hindi na bago sa akin ‘yon. Noon pa man ay marami nang nagsasabi sa akin ng mga ganyan. Sanay na sanay na ako. “T-thank you!” sagot ko na lang. “Puwede ba, James, tigilan mo na si Kalina. Huwag mo na siyang guluhin. Huwag mong sirain ang first day niya rito sa Chestara Academy!” bulyaw ni Ada habang hila-hila si James palayo sa akin. Nakakatuwa silang tignan. Nagsama ang dalawang weird. “Kalina pala ang pangalan niya. Ayoko na kay Chava, may Kalina na ako,” sabi pa ni James habang patuloy siyang tinataboy ni Ada. Ang kulit din ng isang ‘yon. Marami sa mga kaklase ko ang nakipag-kilala na rin sa akin. Marami rin ang gandang-ganda sa akin. Minsan tuloy ay lumalaki na ang ulo ko. Pero, mas naiintriga sila kapag nadidinig nila ang apelyido ko. Nagagaraan daw talaga sila. Pagpasok ni Ma’am Ryana ay pinagpakilala niya ako sa lahat. Matapos niyon ay binigay sa akin ni Ada ang mga notes niya para makahabol ako sa mga pinag-aralan na nila. Next week daw kasi ay may exam na agad kami. Hindi naman ako kinabahan dahil alam kong kayang-kaya ko ‘yon. Hindi naman sa pagmamayabang, pero may utak naman ako at hindi ata ako nawawala sa mga top sa school ko. Hindi ko hahayaan na hindi rin ‘yun mangyari dito sa Chestara academy. Pagsapit ng breaktime ay inaya ako ni Ada sa labas ng school. Marami raw kasing makakainan sa labas. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali at nakikipag-unahan siya sa mga estudyante na lumabas ng gate. Basta sabi niya lang ay bilisan daw namin para hindi kami maabutan ng maraming estudyante. Sinakyan ko na lang siya dahil mukhang dadalhin naman niya ako sa isa sa masarap na kainan dito. Huminto kami sa harap ng isang malagubat na coffee shop. Pumasok kami sa coffee shop na pagkabasa ko ay 'Dadonza Coffee shop.' Basa ko pa lang doon ay alam ko nang kila Clement ito. Ang ganda sa loob. Natural na mga halaman at mga bulaklak ang naka-display. Ang lamesa at upuan ay gawa sa kahoy na ang design ay parang katawan ng isang puno. Basta lahat ng naroon ay puro pang-garden. Ang ganda, sobra! “Ang ganda ‘di ba? Masasarap din ang lahat ng maiinom at makakain dito,” pagmamalaki pa niya kaya lalo akong nasabik. Gusto ko nang um-order kaya hinila ko na siya sa counter. Sinabi ko kay Ada ang mga gusto kong kainin at siya na ang pinag-order ko. Nakaramdam ako nang pag-iihi kaya iniwan ko muna siya sa counter at saka ko hinanap ang comport room nila rito. Nang mahanap ko ang banyo ay namangha ulit ako. Tila talaga ako pumasok sa isang gubat. Ang ganda at amoy na amoy mo ang mga sariwang dahon na tila ba’y umaalingasaw sa loob ng banyo. Sigurado akong gawa sa magic nila ang lahat ng nandito. Ang galing talaga. Hindi ako makapaniwalang may mga tunay na witch sa mundong ito. Naalala ko tuloy si Clement. Magkaroon kaya siya ng asawa? Hindi kaya siya katakutan nang magiging asawa niya kapag nalaman nitong isa siyang witch. Paglabas ko ng banyo ay bigla kong nakasalubong si Clement. Speaking of the witch. “I-ikaw?” bigla niyang sabi. “H-ha? M-magkakilala ba tayo?” biglang kong sabi habang palihim na natatawa. Bigla siyang sumiryoso. Nawala ata sa isip niya na binura niya ang mga alaala sa isip ko kahit hindi naman siya nagtagumpay. “S-sorry, napagkamalan kitang kaibigan ko. Anyway, I’m Clemen—”  Hindi na niya natuloy ang pagpapakilala niya sa akin dahil nilayasan ko na agad siya. Sorry! Hindi uubra sa akin ang pogi ka lang. Hindi ako mahilig sa pogi. Hindi tatalab sa akin ang karisma o kung anuman ang mayroon siya. Pagbalik ko kay Ada ay nakahain na roon ang mga order namin. “Bakit mo ginawa ‘yon?! Magpapakilala pa naman siya, pero nilayasan mo ka agad! Seryoso kaba, Kalina? Sinayang mo ang pagkakataon na makamayan, makilala at makausap ang isang Clement Dadonza!” Hinayang na hinayang si Ada kaya natatawa na lang ako. Nilingon ko si Clement. Tulala siya at nakatingin pa rin sa akin. Natatawa ako. Hindi siguro siya makapaniwalang ginawa ko ‘yon sa kanya. Iniwasan ko na lang siya nang tingin. Hindi ko na talaga kasi kaya. Natatawa na talaga ako. Hindi ko talaga kasi siya type! Mas love ko ang puno at ang kapangyarihan na ibibigay nito sa akin. Iyon ang mas nakakakilig, hindi ang kapogian at pagka-witch niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD