Halaga 2

1459 Words
Sobrang kirot ang naramdaman ko sa aking buong katawan nang magmulat ako ng mga mata. Muli akong napapikit nang masilaw ako ng liwanag na mula sa ilaw na nasa kisame. Narinig ko ang ingay na bumalog sa buong silid ngunit isang klase ng ingay ang nagpilit sa akin na muling magmulat ng mga mata. Ingay iyon na mula sa pag-iyak ng kung sino. At hindi lang iyon basta iyak. Isang iyong paghagulgol na lubhang dumudurog sa puso ko. Napakabigat man na takulap ng aking mga mata ay pilit ko silang binuksan. Sandali ulit akong nasilaw ngunit ibinaling ko ang aking mukha sa pinanggagalingan ng paghagulgol pumupunit sa puso ko. Nagkasalubong ang mga mata namin ni... "K... K--kurt...?" "Dale!" paos niyang sigaw sa pangalan ko at pagkatapos ay isang mahabang pag-iyak na naman ang kanyang pinakawalan. Namasa ang mga mata ko habang pinapanuod ko ang pagyugyog ng buong katawan nya. Hindi ko na napigilan ang nahulog na butil ng mga luha mula sa mga mata ko. Ang pag-iyak na ginagawa niya ngayon sa harapan ko ay siyang patunay kung gaano siya natatakot, kung gaano siya nag-aalala. "Thank God! Thank God you finally woke up!" paos na paos niyang sabi sa akin habang pinaghahalikan niya ang buong mukha ko. Binalewala ko ang pagkakabasa ng mukha ko ng mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya. Pinatigil lang siya ng doktor na dumating para magsagawa ng check up sa akin dahil sa paggising ko. Nang matapos iyon ay mahinahon na si Kurt at tumigil na sa kaiiyak. Sinabi nya sa akin na halos isang buwan pala akong na-coma dahil sa aksidenteng kinasangkutan namin ni Kevin. Habang ikinukuwento nya iyon ay naalala ko naman ang naganap sa amin ng kapatid nya bago mangyari ang aksidente. "Kumusta si Kevin?" pagtatanong ko. "Dalawang linggo sya rito sa ospital. Ilang bali lang sa katawan ang tinamo niya. Ikaw ang napuruhan sa inyong dalawa. Dale, takot na takot ako. Akala ko... mawawala ka na sa akin." Nagpakayuku-yuko siya pagkatapos niyang sabihin iyon. "Hindi ko pa oras," pagbibiro ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa kamay kong hawak niya. "Kurt?" pagtawag ko sa kanya nang halos kalahating oras na ang itinagal ng pananahimik niya. "Dale, umamin na sa amin si Kevin. Sinabi niya ang dahilan kung bakit nawalan ka ng kontrol sa manibela ng kotse." Hindi pa rin siya tumitingin sa akin nang sabihin niya iyon. "Kurt..." "Alam ko naman. Dale, ever since naman alam ko ang nararamdaman mo sa kapatid ko, hindi ba? Ngayon na... ngayon na umamin na siyang mahal ka rin niya, siguro... siguro tama na rin ang pagpapanggap natin sa harap nyang mahal natin ang isa't isa. Sorry, Dale. Alam ko na napilitan ka lang namang sumakay sa sinabi kong relasyon natin para hindi ka mapahiya sa naganap sa ating dalawa noong gabing iyon. Kahit... kahit na alam kong hindi mo ako mahal, pinanindigan ko pa rin ang kung ano ang meron tayo. Kahit pangalan niya ang sinasambit mo sa tuwing inaangkin kita, tinitiis ko ang tama no'n sa pride at puso ko. Pikit-mata kong sinasabi sa sarili ko na basta ako ang yumayakap, humahalik at umaangkin sa'yo, okay lang. Okay lang kahit iba ang laman ng puso mo. Okay lang kasi... kasi mahal kita. Handa akong magtiis. Handa akong maghintay na matutunan mo ring mahalin ako. Kahit gaano pa katagal, Dale. Hihintayin kita. Magtitiis ako na nakikita kitang kasama ang totoong mahal mo basta at the end of the day, babalik ka sa piling ko. Pero ngayon, ngayong mahal ka na rin ng kapatid ko I know that it's over. Itigil na natin ang pagpapanggap na mahal natin ang isa't isa. Isasauli na kita sa totoong mahal mo. Sapat na sa akin ang isang taon na nakasama kita at naipadama ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin... kung gaano kita kamahal." Tulo nang tulo ang mga luha ko habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi ni Kurt. Alam na alam ko ang pinagdaraanan nyang sakit dahil iyon din ang sakit na pinagdaraanan at tinitiis ko sa tuwing nakikita kong masaya si Kevin sa piling ng iba. "Isang araw lang, Dale. Isang araw pa na makasama ka ang hinihiling ko ngayon. Bukas, bukas aamin na ako sa kanila. Aaminin kong napilitan ka lang sa akin at ang kapatid ko ang totoong mahal mo. Alam kong maiintindihan at tatanggapin ka pa rin ni Kevin sa kabila ng mga nangyari sa ating dalawa. Aalis na lang ako para ...." "Ayoko," pagputol ko sa sinasabi ni Kurt. Natigilan siya at napatingin sa akin. "Ayokong iwan mo ako, Kurt. Ayokong ibigay mo ako kay Kevin. Ayoko na itigil mo ang pagmamahal mo sa akin!" umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya. "Oo, mahal ko siya. Minahal ko siya, pinangarap ko siya nang napakatagal. Binalewala kita at ang mga ipinakita mong kabutihan at pag-aalaga sa akin. Siya lang ang tanging iniisip ko. Ang nararamdaman ko lang ang tanging pinapahalagahan ko. Pero Kurt, sa loob ng isang taon ay natutunan na rin pala kitang mahalin. Sa isang sandali lang namulat ako sa tunay na nagpahalaga sa akin. At ikaw iyon. Ikaw iyon, Kurt. Mahal na kita. Wag mo naman akong ipamigay at iwan ngayong mahal na kita. I cannot imagine my life without you. Please, 'wag mo naman akong iwan." Nagpumilit akong bumangon at dahil sa pag-aalala niya ay kaagad niya akong inalalayan. Kaagad ko naman siyang yinakap. "Ayoko, Kurt. Kahit siya 'yung pinapangarap ko, hinding-hindi niya mapapatayan ang pagmamahal na inialay mo sa akin. Napaka-selfish ko, Kurt pero nariyan ka pa rin. Naghihintay na pagtuunan ko ng pansin. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako, Kurt. Hindi ko na kaya ang mabuhay ng wala ka. 'Wag mo naman akong ibigay sa kanya. Ipaglaban mo naman ako. 'Di ba sabi mo mahal mo ako? Ipaglaban mo naman ako." It was my turn to cry hard that my body trembled because of pain and fear. I begged and begged. Continuously. Repeatedly. Until I felt Kurt cry with me. "Dale... Dale... mahal na mahal kita na handa akong patayin ang puso ko makita ka lang na masaya sa piling ng taong mahal mo. Pero ngayon na sinabi mo na ako na ang laman ng puso mo, ipaglalaban na kita kahit kanino. Kahit sa sariling kapatid ko." Kahit walang patid ang aking ginagawang pag-iyak, nasiyahan ako sa narinig kong sinabi ni Kurt. Pinatahan namin ang isa't isa at hindi sya umalis sa tabi ko hanggang sa muli akong hilain ng antok. Ilang araw pa ang lumipas bago humarap sa akin si Kevin. Binigyan kami ni Kurt ng pagkakataon na magkasarilinan. Humingi sya ng taead sabay sa paghingi niya ng pagkakataon na patunayan ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi na ako nangimi pang sabihin sa kanya na sa kanilang dalawa ng kapatid niya, si Kurt ang pinipili ko. I saw the pain in his eyes nang marinig niya ang desisyon ko. It was the same he showed me sa tuwing dinudurog ng iba ang puso niya. "We could still be friends," nangingimi kong offer sa kanya. Ngumiti siya nang mapakla ngunit tumango siya. "Be friends than nothing, right?" malamya niyang tanong. "You know tama ka sa sinabi mo noon. Mahal kita. Ilang taon din na minahal kita. Ilang taon din na pinangarap kita. Tinanggap ko sa sarili ko na bakla ako dahil sayo. I made sure that I was always beside you during those times when you were down. Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, hindi ko nakita ang taong siyang totoong nagmamahal sa akin. Hinintay niyang matutunan ko siyang mahalin. Tiniis niya ang mga panahon na wala akong panahon sa kanya dahil nakatuon sa'yo ang buong atensiyon ko. Tiniis niya ang pambabalewala ko sa kanya. At handa niya ring isakripisyo ang sarili niya, makita lang niya akong masaya. I am just glad na nagawa niya akong hintayin sa kabila ng mga sakit na ipinadama ko sa kanya. I am not stupid to let a great person got away because of my selfishness. I love your brother, Kevin. Probably much more than I loved you. Please, give this to me. Give this to us. Ayoko na syang magtiis, ayoko na siyang saktan pa at ayokong balewalain ang pagmamahal niya. Alam ko, balang-araw ay makakatagpo ka rin ng taong magmamahal sa'yo, ng taong alam ang halaga mo. I wish you luck, Kevin. You're still my best friend afterall." Tipid siyang ngumiti sa akin at inabot ang pakikipagkamay ko before he went out of the room. Pumasok naman agad si Kurt at dumiretso sa akin para yakapin ako. "Salamat, Dale," he whispered. "I should be the one thanking you, Kurt. I love you so much," bulong ko rin sa kanya. We then kissed each other with so much passion and love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD