Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko...
Ramdam ko ang linyang ito ng kanta ng Parokya ni Edgar. Actually, damang-dama ko habang pinapanuod ang pagpapakalasing ng taong napaka-espesyal sa akin. Ilang beses ko na ba siyang sinamahan na magpakalango sa alak sa tuwing nakikipaghiwalay sa kanya ang girl friend niya? Tatlo, apat? Anim, pito? Maraming beses na.
Hindi ko alam kung bakit siya hinihiwalayan ng mga iyon. Guwapo naman siya at matipuno. Matino rin siya. Halos wala siyang bisyo. Nag-iinom lang siya at naninigarilyo sa tuwing broken-hearted siya. Matalino naman siya, magaling at may maayos na trabaho. Hindi ko alam kung bakit hindi nagtatagal ang mga relasyon niya sa mga ex nya.
At bilang kanyang best friend, heto at sinasamahan ko na naman siya. Nakikinig sa mga sama ng loob at hinanakit niya. Sa mga paratang niyang halos wala namamg kabuluhan.
"Ginawa ko naman ang lahat, Dale. Ibinibigay ko ang lahat ng gusto niya. Binibili ko ang lahat ng itinuturo niya. Bakit nagawa pa niya akong ipagpalit sa iba?! Kung makikita mo lang iyong ipinalit niya sa akin, masasabi mong naging tanga si Cherrie!" Lasing na si Kevin. Halos hindi na maintindihan ng ibang nakaririnig ang mga pinagsasabi niya. Ako lang yata ang nakatitiyagang umintindi sa kanya.
"Tama ka. Tanga lang talaga si Cherrie," pagsang-ayon ko sa kanya dahil maging ako ay naging saksi kung paano ini-spoil ni Kevin ang ex niya.
"Ano ba ang kulang sa akin, Dale?!" singhal niya.
"Wala, Kevin. Walang kulang sayo. Hindi lang nila makita ang totoong halaga mo." Ayoko mang haluan ng personal kong damdamin ang mga sinasabi ko sa kaibigan ko ng limang taon, kusa pa ring lumalabas ang mga iyon sa bibig ko.
"Mabuti ka pa, Dale pinapahalagahan mo ako. Lagi kang nandiyan para sa akin sa tuwing kailangan kita."
"Oo naman, Kevin. Nandito lang ako para sa'yo. Anumang oras, maaasahan mo ako."
"Swerte talaga ng kapatid ko sayo. Sana..." hindi niya itinuloy ang sasabihin nya. Bagkus ay tumungga siyang muli sa bote ng beer na tangan niya.
Malungkot ko lang siyang pinapanuod.
Naging magkaklase kami ni Kevin sa kolehiyo. Naging seatmates, groupmates, barkada hanggang sa dumating ang panahon na matalik na magkaibigan na ang naging turingan namin sa isa't isa. Noong mga unang taon ay purong pagkakaibigan lang ang nadarama ko sa kanya. He helped me survive my depression caused by my parent's annulment. Siya 'yung kasa-kasama ko noon. Iyong tanging sandalan ko whenever I feel helpless. Sa ikatlong taon namin sa aming kursong Marketing, doon tuluyang na-develop ang damdamin ko para sa kanya. I never expected it. Never wanted it at first. Pero sa tuwing magkasama kami, sa tuwing pinapasaya niya ako, sa tuwing nag-eeffort siyang pagaanin ang pakiramdam ko ay lumalim nang lumalim ang nararamdaman ko. Until I admitted to my self na mahal ko na ang best friend ko. But I didn't have and still don't have the courage to admit it to him. Ayokong sirain ang tatlong taong pinagsamahan namin. Masyado akong natakot na mawala siya sa akin kapag nalaman niyang bakla ako. Siya na lang kasi ang meron ako. Siya na lang ang masasandalan ko. Kapag nawala siya, mawawalan ng direksiyon ang buhay ko. I've kept my feelings for another year. Isang tao lang ang nakakaalam niyon. Iyon ay ang kapatid nyang si Kurt.
Napasukan niya ako sa kuwarto ng kapatid niya na lasing at umiiyak sa harap ng naghihilik na si Kevin. Ito yung unang pagkakataon na sinamahan ko si Kevin na magpakalasing. Unexpectedly, pati ako ay nalasing nang sobra dahil hindi ko nakayanan ang pagka-broken hearted ng taong mahal ko. Galit na galit ako sa babaeng nagpaiyak at nanakit sa kanya. Gustung-gusto ko noon na sabihin sa kanya na kalimitan niya na si Farrah at ako na lang ang mahalin niya. Pero eksaktong sabihin ko na mahal ko siya ay naghilik na siya. Sa sobrang kalasingan ay napaiyak ako sa harap niya habang tulog na tulog na sya. I was broken hearted, too. Noon ako napasukan ni Kurt.
Kaagad siyang lumapit sa akin at yinakap ako. Sa kanya ko ibinuhos ang mga luha ko at ang buong sikreto ko. Dinala niya ako sa kuwarto niya at pinatahan. Pinaamin niya ako kung paano nagsimula ang lahat. Nang matapos ako sa pagkukuwento, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakikipaghalikan kay Kurt. Dala ng kalasingan ay inisip ko na si Kevin ang kahalikan ko. Nang hubaran niya ako ay isinarado ko na nang tuluyan ang isipan ko. Itinatak ko sa isip ko na ang taong himahalik, kumakagat at sumisipsip sa bawat parte ng katawan ko ay si Kevin. Si Kevin at hindi si Kurt.
Inangkin ni Kurt ang katawan ko noong gabing iyon. Paulit-ulit. He didn't care na pangalan ni Kevin ang iniuungol ko, na pangalan ng kapatid niya ang sinasambit-sambit ko.
The following morning, nagulat hindi lang ako kundi maging sina Kevin at ang magulang nila nang ideklara ni Kurt na may relasyon kaming dalawa. At imbes na magalit sila nang sabihin nito iyon ay tila nasiyahan pa sila. Napamahal na raw ako sa kanilang pamilya at tanggap nila ang relasyon namin ni Kurt. Maging si Kevin ay nagsabi rin ng kasiyahan sa pangyayaring iyon. At least daw, napunta sa isa't isa ang dalawang taong itinuturing niyang kapatid.
Wala akong nararamdaman para kay Kurt but seeing Kevin happy after a night of depression stopped me from saying the truth - na hindi namin mahal ni Kurt ang isa't isa. Muli kaming nag-inuman ng gabing iyon. Their parents even allowed me to stay at Kurt's room for the night. Sa nakikita kong saya ni Kevin ay naging pikit na lang ang mga mata ko sa nagaganap. Kahit nang muling angkinin ni Kurt ang katawan ko nang ilang ulit ay nagpaubaya na lamang ako.
Sinabi niya sa akin habang nakaupo ako sa kandungan niya at nasa likuran ko ang p*********i niya na itatago niya kay Kevin ang sikretong nararamdaman ko para rito. Basta manatili ako sa relasyong idineklara nya para sa aming dalawa, mananatiling tikom ang bibig nya. Kurt was a great lover. Sa tuwing inaangkin niya ang katawan ko, natututunan ko ang sarap ng pakikipagniig. I never felt violated. He made me feel how great f*****g is. But the satisfaction I am feeling everytime he f***s me cannot make me forget the love I have for his brother. At alam nya iyon. Alam na alam niya kaya pumapayag siyang samahan ko si Kevin sa tuwing broken-hearted ito.
"Ang suwerte ni Kuya sa'yo. Siguro, dapat ko na ring subukang maghanap isang tulad mo. Nakakasawa na ang mga lalaki. Siguro kung bakla ang pinatulan ko, hindi na nya ako iiwan. Tignan mo nga, isang taon na kayo ni Kuya. Pwede kayang akin ka na lang?" Bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabing iyon no Kevin. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi na niya kinakailangan na humanap ng iba dahil naririto naman ako. Papayag ako anumang oras sa hiling niya. Kapag ako ang nakarelasyon niya ay hindi ko siya iiwan. Hindi ko sya sasaktan. Pagsisilbihan ko siya nang buong puso. Gagawin ko ang lahat ng gusto niya. Ibibigay ko ang lahat ng hihilingin niya.
Akma na akong magsasalita nang maunahan niya ako.
"Pero mahal na mahal ka ni Kuya. Ikaw raw ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya."
Natigilan ako sa sinabi ni Kevin. Pumalya ng ilang ulit ang t***k ng puso ko.
"Alam mo, Dale, mula nang maging kayo ni Kuya ay tumino na isya. Naghanap siya ng maayos na trabaho, nag-iipon siya ng pera para makabili ng sariling bahay ninyo. Masayang-masaya nga sina Mama at Papa sa mga pagbabagong ipinapakita niya sa amin. Hiniling nga nila na sana ay hindi ka pa matauhan sa pagpatol mo sa kanya." Humalakhak nang malakas si Kevin ngunit hindi ako makasabay ng paghalakhak sa kanya.
Kurt entered my mind. Sa loob ng isang taon na relasyon namin ay wala syang ginawa para maliitin, saktan o pahirapan ako. Those only happened above his bed pero ang mga iyon ay may kasamang sarap. Other than that ay wala na akong maisip. Ni minsan, wala akong narinig na pagrereklamo sa kanya sa tuwing iniiwan ko siya para puntahan si Kevin. Kahit halos isang oras ang biyahe niya para masundo ako sa pinagtratrabahuan ko, wala akong naririnig na negatibong salita sa tuwing sasabihin kong pupunta ako kay Kevin at hindi ko siya masasamahang mag-dinner. Napakalambing niya rin. Hindi niya ako ikinakahiya sa tuwing magkasama kami sa labas. Habang kasama ni Kevin ang current girl friend niya, kasama ko si Kurt sa bahay namin. Inaalagaan ako sa tuwing may sakit ako. Ipinagluluto sa tuwing kinakailangan kong iuwi ang mga trabaho ko. All I thought ay ginagawa niya lang ang mga iyon dahil may free s*x siya sa akin. Hindi ko inaakala na may nararamdaman na pala sa akin ang kapatid ng lalaking minamahal ko.
"Pero sana, sana ako na lang iyong unang minahal mo. Sana ako na lang iyong pinapahalagahan mo. Siguro kung ikaw ang minahal ko, hindi ako umiiyak ngayon. Hindi ibinabasura ng iba ang puso ko."
Kung kanina ay gusto kong ipagsigawan na sana ako na lang ang mahalin niya, ngayon ay tila naputol ang dila ko. Siya man ang tinitignan ko, mukha naman ni Kurt ang nakikita ko. Bakit ganito? Bakit parang nalilito ako ngayon? Mahal ko si Kevin. Alam kong mahal ko siya. Pero bakit? Bakit pumapasok si Kurt sa isip ko? Bakit biglang nag-iba ang t***k ng puso ko sa sinabi ni Kevin na mahal na mahal ako ng kapatid nya?
Bakit ganito? Bakit gusto kong makita agad si Kurt? Bakit tila nanabik akong makasama siya? Bakit naaalala ko ang mga sandaling magkasama kami lalo na sa ibabaw ng kama? Bakit? Bakit ako nalilito ngayon? Bakit mas gusto kong marinig sa bibig mismo ni Kurt na mahal niya ako?
Oh my God. Bakit ngayon ko lang na-realize ang ginagawa kong pagkakabulag kay Kevin? Bakit dahil sa sobrang pagpapahalaga ko sa kanya ay nabasura ko ang damdamin ng lalaking syang tunay na nagpapahalaga at nagmamahal sa akin?
Ako. Ako pala mismo ang gumagawa kay Kurt ng mga salitang ibinato ko kanina sa babaeng nanakit kay Kevin.
"Kevin, umuwi na tayo," nagmamadali kong sabi sa kanya. Parang bigla ay hindi ako mapakali.
"Maaga pa, Dale. Mamaya na. Kahit naman madaling-araw tayong umuwi ay gising pa rin si Kuya sa paghihintay sa'yo."
"Kevin, tama na ang paglalasing please. Umuwi na tayo." Hindi ko alam kung bakit nagpupumilit akong umuwi ngayon.
"Bakit ba nagmamadali ka? Miss mo na ba si Kuya? Miss mo na bang ka-s*x siya? Alam ko. Alam na alam ko na maraming practice si Kuya. Kulang pa ang mga daliri ko sa mga kamay at mga paa sa dami ng mga babaeng pinagpraktisan niya." Hindi ko na pinansin ang ibang bastos na salitang galing kay Kevin. Hinila ko na siya patayo at paalis sa bar.
"Tara na."
Halos kaladkarin ko na siya papunta sa kotse niyang ginamit namin sa pagpunta rito sa bar. Pasadlak ko na rin siyang iniupo bago ko tinakbo ang driver's seat. Marami pa rin siyang sinasabi habang mabilis naming tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila.
"Dale," ilang beses na pagtawag sa akin ni Kevin na hindi ko pinapansin dahil naka-concentrate ako sa pagmamaneho ko. Nakainom na ako at medyo may tama na rin kaya nag-iingat talaga ako.
"Kung aagawin kita kay Kuya, papayag ka ba?"
Napalingon ako sa kanya. Seryoso syang nakatitig sa akin. Mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa kanya at muling itinuon sa daan. Hindi ako makasagot. Dati at kanina ay gusto kong mangyari iyon. Ngunit ngayon...
"Matagal na kitang mahal, Dale. Naunahan lang ako ni Kuya." Halos mabitawan ko ang manibela ng sasakyan sa sinabing iyon ni Kevin.
"Kevin..."
"Aagawin kita sa kanya. Gusto kong maranasan kung paano ang mahalin ng isang katulad mo. Alam ko na may nararamdaman ka rin sa akin, Dale. Dahil kung wala, hindi mo ako mapagtitiyagaan," pagpapatuloy nya na lalong nagpalito sa akin.
"Kevin, stop it."
"Stop what? Alam mo bang inggit na inggit ako kay Kuya? Sa tuwing magkakasama tayong tatlo at limalambing ka nya, iniisip ko na sana ay ako na lang ang gumagawa ng mga iyon sa'yo. Sana ako na lang ang yumayakap sa'yo, ang humahalik sa'yo. Sana ako na lang ang umaangkin sa'yo. Dale, ako ang piliin mo."
"Kevin, lasing ka lang," pilit kong pagtawa sa kanya upang mawala ang tensiyon na namamagitan sa aming dalawa.
"Lasing man ako, alam ko ang sinasabi ko. At patutunayan ko iyon sa'yo."
Bago ko pa malaman ang gagawin nya ay inabot nya na ang ulo ko at ihinarap sa kanya. Ilang sandali pa ay inaangkin nya na ang mga labi ko.
Nangatal ako habang dinarama ang ginagawa nyan paghalik sa akin. Isa ito sa mga pinapangarap ko noon - ang mahalikan niya. Ngunit habang sinisipsip niya ang dila ko ay pumasok ang imahe ni Kurt sa isip ko. Buong lakas kong itinulak si Kevin palayo sa akin. Ngunit bago pa kami makapag-react ay nakakasilaw na liwanag ang tumama sa aming mga mukha. Nanlalaki ang mga mata na napatingin kami sa unahan ng sasakyan.
Namamanhid man ang katawan, sa huling sandali ay nakabig ko ang manibela ng kotse. Hindi ko na nalaman ang sumunod na nangyari. Nakakabingi at nakakangilong ingay ang pumailanlang sa tahimik na highway. Ilang matatalim sa bahagi ng sasakyan ang naramdaman kong tumusok sa ilang parte ng aking katawan bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.