Katniss POV
ILANG araw na ang lumipas hindi ko na kinakausap si Alfred, gusto ko man na hindi na sagutin ang mga tawag niya ay hindi pwede, hinahanap kasi ni prince ang papa niya, gusto niya itong maka usap at wala akong magawa kundi sagutin ang tawag nito.
Pero hindi ko siya hinaharap sa phone, hindi ko pinapakita ang mukha ko sa kanya, nasusuklam ako kapag nakikita ko siya, mas sumasakit ang loob ko dahil sa katotohanan na niloko niya ako at pinagtaksilan, kasama niya doon ang pamilya niya. Nakaka putang ina naman talaga! nang gigigil talaga ako, kapag naiisip ko na ilang taon niya akong niloloko gusto ko talagang mag wala! gusto kong magsisigaw sa inis at galit. Pero wala na talaga akong panahon sa bagay na yun, kaya araw arawa na mabigat ang pakiramdam ko dahil hindi ko man lang mailabas ang sama ng loob ko, dahil ayaw kong makita ako ng anak ko.
Wala akong ibang ginawa kundi ang intindihin siya, hindi ko na pipansin ang sinasabi ng ibang tao sa kanya dahil malaki nga ang tiwala ko sa kanya, pero ngayon sinira niya. Sirang sira na at kailanman ay hindi ko na siya magagawang patawarin pa.
Walang gabi na hindi ako umiiyak, walang gabi na hindi masama ang loob ko. Palagi akong walang gana kumain, pero pagkaharap ko na ang anak ko ay napipilitan talaga akong kumain lalo na pag naiisip ko na paano nalang kapag nagkasakit ako, sino na ang mag aalaga sa anak ko? kami na lamang dalawa sa buhay.
NANG matapos kong ihatid si prince sa school ay inasikaso ko na ang annulment papers namin ni Alfred, hihintayin ko na lang na umuwi siya at permahan niya ito, minessage ko na din siya na need niyang umuwi para mapirmahan ang annulment namin, umaayaw pa siya at ang sabi niya ay uuwi siya para pag usapan namin at ayusin ito. Tang ina niya! may gana pa siyang ayusin na kailanman ay hindi na maayos, anong gusto niyang mangyari maging ok parin kami kahit may pamilya na siya doon? anong akala niya sa akin sira ulo? baka mapatay ko siya pag ganun.
Nang makauwi nga ako ay nakatanggap naman ako ng order, walang pangalan pero address lang ang naka lagay. Hindi ko nalang din pinansin iyon at dahil may exact address naman, at sa pinaka mahal na village pa talaga dito sa Valencia, mukhang bigatin ang costumer ko. Well mas mabuti narin para maaliw ko ang sarili ko ngayon, nagpapasalamat din ako dahil kapag nag ba- bake ako ng cakes ay pansamantalang nawawala ang sama at sakit ng loob ko. Ayaw ko kasing dalhin ito sa pag ba-bake ko dahil mag iiba ang timpla ko pati lasa ng cake ay mag iiba.
Ginawa ko na nga lang order nito, isang tiramisu cake ang inorder ng costumer ko, malaking size ang gusto niya, kaya wala na nga akong sinayang na oras at nagsimula na ngangag bake.
tatlong oras nga ang lumipas ay natapos na din ako, nag bihis na muna ako ng dress dahil puno ng harina ang katawan ko. Pagkatapos ay umalis na din ako ng bahay, habang nagmamaneho ako ay tiningnan ko ang address na naka lagay at nang makarating ako sa village ay agad naman din akong pinapasok ng guard nang hindi man lang ako tinanong kung sinong hinahanap ko, tinanong lang nito ang pangalan ko tapos agad na akong pinapasok, nagkibit balikat na lamang ako sa nangyari.
Hinanap ko na nga ang nasabing bahay na nakasulat, kumpleto kasi ang pag de-describe ng bahay, lahat.
Nang makita ko na nga ang bahay na hinahanap ko ay agad akong napangiti at nakahinga nang maluwag. Tumigil ako sa tapad ng malaking bahay na modern ang desinyo, bumaba ako ng kotse at bitbit ko anf cake. Lumapit ako sa gate at agad na nag doorbell.
Tumunog naman ang intercom na nakadikit sa tabi ng doorbell.
"Sino po sila?"
Boses ng babae ang narinig ko.
"Delivery po sa cake, Katniss Pastries po.."
Sagot ko pa rito, agad naman na may lumabas na babae na mukhang nasa 40's na ito paniguradong katulong ito dito, pinag buksan naman ako nito ng gate, akala ko ay ibibigay niya na ang bayad sa cake pero hindi pala.
"Pasok po kayo Ma'am katniss..si señorito nalang daw po ang magbibigay ng bayad sa inyu sa loob.."
Nagtaka naman ako, pero di narin ako naka angal pa dahil di naman pwede na hindi ko kunin ang bayad nito, mahal pa naman ang cake na to.
"Ah sige po.."
Pumasok na nga kami, sinara niya muna ang gate at inakay niya na ako papasok ng bahay nito.
"Upo po muna kayo jan Ma'am Katniss, ano po ang gusto niyon inumin.."
Ngumiti naman ako rito, napakabait naman nito, nag deliver lang naman ako eh.
"Naku wag na po.."
Pagtanggi ko rito.
"Ah sige po, maiwan ko po muna kayo..bababa narin po si señorito.."
Tumango naman ako, umalis na nga ang babae sa harapan ko, ako naman ay inilagay ko muna ang cake sa glass table na nasa harap ko, napaka ganda naman talaga ng loob halata mo talagang mayaman ang may ari ng bahay na to, makikita mo sa mga furnitures na mamahalin talaga. May napakagandang chandelier din na naka sabit sa taas.
"Katniss.."
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang baritonong boses na iyon, natigil rin ako sa aking pag lilibot at nang bumaling ang tingin ko sa may hagdan ay tama nga ang hinala ko na pamagsino ang taong iyon.
Agad akong napatayo sa kina uupuan ko at sinalubong ang mga titig niya. Hindi ko maiwasang mapalunok, pababa na mga ito at papalapit sa akin. Bahay niya pala ito? siya pala ang nag order sa akin?
"You looked surprised.."
Anas niya nang makalapit na ito sa akin, agad kong naamoy ang mabangong shower gel niya, at tumutulo pa ang butil ng tubig galing sa buhok niya na basa, tanging robe lang din ang suot niya ngayon, napaka presko niya ring tingnan.
"Ikaw ang umorder nitong cake?"
Dismayado kong tanong sa kanya, kaya ba hindi niya nilagyan ng pangalan para hindi ako makatanggi?
"Yes, gusto ko kasing matikman ulit ang cake mo..Katniss.."
Makahulugang sambit niya, s**t! ayan na naman siya. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, nagsisimula na naman umusbong ang inis ko sa kanya.
Pilit akong ngumiti sa kanya at tiningnan siya.
"Ok, yan na ang order mo..ibigay mo nalang sa akin ang bayad.."
Tinuro ko ang cake na nasa mesa pagkatapos ay inilahad ko rin ang kamay ko sa kanya. Pero nanatili lang siyang nakatitig sa aking mukha at munting ngiti rin sa kanyang labi.
"What? hindi ako pwedeng mag tagal mayor davi dahil marami pa akong gagawin.."
Reklamo ko sa kanya.
"I'm going to pay you after i eat your cake.."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya, pinaglalaruan na naman ba niya ako?
"Hindi ako nakikipag biruan sayo Mayor.."
Seryosong saad ko rito, pero bahagya lamang siyang tumawa na mas ikina inis ko.
"Bakit ang sungit mo sa akin, Mrs Fuentabella?"
Napa atras ako ng magsimula siyang lumapit sa akin. Bakit nga ba?
"I didn't do anything wrong.."
Aniya sa seryosong mukha, kaya kumabog na naman ang dibdib ko dahil lang sa paglapit niya.
"Dahil ba ninakawan kita ng halik?"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
"Or is it because I told you that I'm interested in you.."
Tumigil siya sa tapat ko kaya napatingala na ako sa kanya, pilit kong pinapatapang ang sarili ko, pero para nanghihina ang tuhod ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang epekto niya sa akin, gustuhin ko mang pakalmahin ang sarili ko pero nangangatal ang tuhod ko at iba talaga ang dating niya sa akin kahit di ko gusto.
"A-ayaw ko lang na l-lumapit ka sa akin.."
Shit! nauutal pa talaga ako sa harap niya!
Bahagya pa akong napasinghap ng hawakan niya ang dulo ng buhok ko na nasa dibdib ko lang, gusto kong alisin ang kamay niya pero para akong na estatwa sa ginagawa niya ngayon.
"So,am i having an effect on you katniss.?"
Tuluyan na ngang umurong ang dila ko sa sinabi niya.