KABANATA 14: Pagtataksil

1375 Words
Katniss POV Nagdaan ang ilang araw at naging tahimik naman ang buhay ko, i mean kagaya parin ng dati ay normal lang. Maayos din kaming nag uusap ng asawa ko kapag tumatawag ito, at busy rin ako sa pag ba- bake dahil halos araw araw kasi may order, syempre sa pag aalaga ng anak ko naka pukos din ako. Ngayon nga ay aalis na kami ni prince papuntang school. "Let's go anak..baka malate ka.." Tawag ko rito, dali dali naman itong lumabas ng bahay at agad na sumakay sa front seat, sinarado ko ang pinto at umikot sa driver seat. At di nga nag tagal ay umalis narin kami, nakarating na kami ng school, pero bago ito lumabas ay humalik muna ako sa pisngi nito at lalo din ito pagkatapos ay pumunta ako ng sunshine home, naging maayos naman ang buong araw ko. Magaan ang pakiramdam ko ngayon, dahil matiwasay ang buong araw ko. Siguro dahil walang ng gumugulo sa akin, at hindi narin kami nagkita pa ni Mayor Davi. At mabuti nga yun eh, siguro ay narealize niya na wala talaga siyang mapapala sa akin. At masaya naman ako na tumigil na siya. Papauwi na nga ako sa bahay, binuksan ko ang bintana ng kotse at dinama ang sariwang hangin, papalubog nadin ang araw kaya napagmamasdan ko ang ganda nito, napangiti rin ako. Kailangan ko na din mag madali dahil susunduin ko pa ang anak ko, nang makarating nga ako ay agad naman na pumasok ang anak ko sa front seat, pero nakasimangot ito kaya nawala ang ngiti ko at pag aalala ang pumalit. "My prince, are you ok?" Napatingin naman siya sa akin, kaya mas lalo akong nag alala dahil sa reaksyon niya. "Mom, hindi nalang ako sasali sa family day.." "Why anak?" Napaduko naman ito, parang niyumos ang puso ko. Kapag ganito siya ay nanghihina talaga ako. "Kasi they always bullied me, na wala daw akong papa always sa family day, at sabi nila hindi ako love ni dad dahil hindi na daw ito umuuwi.." Agad ko naman itong niyakap, ramdam ko ang lungkot niya. "My son.." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nakita ko ang pangingilid ng luha niya. "Diba always kong sinasabi sayo na don't mind them? Wag mong papansin ang sinasabi nila..dahil sila ang mga bata na hindi pinahalagahan ng parents nila.." "Pero always naman po nasa family day ang parents nila.." "Yeah i know, pero hindi ok ang parents nila at walang time sa kanilang mga anak, hindi gaya ko na palagi akong nandito para sayo kami ng daddy mo.." Hindi naman siya sumagot, kaya niyakap ko siya ulit. "Wag ka ng mag alala ok? andito naman si mommy para sa family day niyo.. gagawin lahat ni mommy para sumaya ka baby ko.." "Mom hindi na po ako baby!" Nakasimangot nitong sabi, nakahinga naman ako ng maluwag dahil na iba ko agad ang mood niya. "Baby parin kita kahit 9 years old kana..kahit tumanda kapa mananatili parin kitang baby." "Mom! di na nga ako baby.." Paghihimutok nito, kaya pinisil ko ang ilong niya. "Ok sige na, gusto mo ba ng ice cream??" Lumawak naman ang ngiti nito at agad na napatango. "Ok let's buy ice cream then.." Agad ko na ding pinaandar ang sasakyan at tumigil muna kami ng convenience store at binili nga namin ang favorite niyang chocolate ice cream, pagkatapos ay umuwi nadin kami. Nang makadating kami ng bahay ay agad na sumalubong sa amin si Manang belen at kinuha ang bag ni prince na hawak ko. "Ma'am meron po pala kayong package, andun po sa living room po sa mesa.." Nagtaka naman ako, dahil wala naman akong inaasahan na package. "Anong package po?" "Nakabalot po ma'am eh, pero parang envelope po yun, wala naman pong nakalagay na pangalan kung sino po ang nagpadala..pangalan niyo lang po ang nakalagay ma'am.." Tumango na lamang ako, kahit ako rin ay nagtataka, di nga nagtagal ay kumain nadin kami ng dinner. Inasikaso ko pa si prince bago matulog, at nang matapos nga ito ay ako naman ang nag half bath, at ginawa ko na rin ang routine ko. Nagsusuklay na ako ng buhok ko ngayon ng ma alala ko ang package na sinabi ni manang belen, kaya lumabas ako ng kwarto at kinuha ito sa living room, nasa mesa ito nakapatong. Hindi ko alam pero bigla nalang kumabog ang dibdib ko, hindi ko pa nahahawakan ito pero nagwawala na ang puso ko, iba ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na natatakot sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ewan ko ba bakit ganito. Pero dahil na curious nga ako ay kinuha ko ito, dali dali naman akong umakyat ulit at pumasok sa loob ng kwarto ko at isinara ang pinto. Umupo ako sa kama at nanatiling nakatitig sa hawak kong package. Huminga nalang ako ng malalim bago ginunting ang nakabalot nito na cellophane, at tama nga si Manang belen na isa itong brown envelope. Mas nadagdagan ang kaba ko kaya marahas akong napabuga ng hangin at pinakalma ang sarili ko. Tuluyan ko na ngang binuksan ang envelope, pero kumunot ang noo ko dahil mga picture ito ni Alfred, para akong tinakasan ng dugo sa nakikita ko ngayon, marahas kong nilipat lipat ang mga larawan at tuluyan ko na ngang nabitawan ang mga ito. Napatakip ako ng bibig at para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakikita ko. "No.." Napapailing ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko, nagkalat na nga sa sahig ang lahat ng larawan ni Alfred kasama ang isang babae at dalawang bata. Sumisikip ang dibdib ko at nag uunahan na sa pag patak ang aking mga luha. Bigla na lamang nanlamig ang katawan ko at nanginginig ito pati ang labi ko. "H-hindi ...hindi ito totoo..No no!" Sa bawat larawan na nakikita ko ay masaya si Alfred habang kasama ang babae at dalawang bata, kumakain sila sa isang restaurant at meron din larawan ang dalawa na sweet. Putangina! ginagago ba ako ni Alfred?!! Napatayo ako, naging hysterical na din ang galaw ko, lumalalim ang paghinga ko dahil sumisikip na ang dibdib ko, wala tigil sa pag agos ang luha ko. Nanlumo na nga ako, at nanghihinang napaupo sa sahig. All these years, niloloko lang pala ako ni Alfred.. Bakit? Gusto kong mag wala! gusto kong sumigaw ng malakas pero hindi ko magawa dahil nasa kabilang kwarto lang ang anak ko. Impit na napahagulgol na lamang ako habang sapo ko parin ang dibdib ko, para akong pinatay nang paulit ulit dahil sa kataksilan ni Alfred sa akin. Gumuho ang mundo ko dahil sa ginawa niya. Kaya pala? kaya pala ayaw niyang umuwi? kasi may ibang pamilya na pala siya. Nabaling ang tingin ko sa isang larawan, nanginginig na pinulot ko iyon. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at mas lalo akong pinapatay, napapikit ako ng mariin at nagpupuyos ako sa galit. Ang nasa larawan ay kapapanganak pa lamang ng babae at masaya ang mukha ni Alfred habang nakatitig sa bata na kandong ng babae, malawak at maailiwalas ang mukha niya na para bang siya ang pinakamasayang tao sa buong mundo. "Bakit Alfred?" Nilumukos ko ang larawan na hawak ko at itinapon ito sa harap ko. Kinuha ko ang phone ko at akmang tatawagan ko na sana si Alfred pero napatigil ako, huminga ako ng malalim. Ayaw kong magpadalos dalos sa gagawin ko, gusto ko siyang kausapin ng maayos. Gusto ko mismo sa kanya marinig ang lahat, ang totoo. Kahit matibay na ebidensya itong nasa harapan ko ay gusto ko parin sa kanya mismo mang galing. Gusto kong tanungin sa kanya bakit niya nagawa sa akin ito?...bakit....bakit... Napahagulgol ako ulit ng mas kumirot pa ang dibdib ko parang hiniwa ang puso ko. Jusko! ano bang kulang sa akin? bakit nagawa sa akin ni Alfred ito? naging mabuting asawa naman ako diba? hindi naman ako nagkulang sa kanya..pero bakit? ginawa ko naman lahat nung andito pa siya..binuhos ko lahat at ibinigay ko ang puso't kaluluwa ko sa kanya, buong buo to the point na wala na akong tinitira para sa sarili ko. Pero ito lang pala ang gagawin niya sa akin? gagagahuhin lang pala niya ako? Nanghihina ang katawan ko at wala paring akong tigil sa pagluha. Kulang pa nga siguro ako sa kanya..dahil nagawa niyang magloko sa akin sa mahabang panahon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD