CHAPTER 2
Andrea POV
Prente akong nakupo sa swivel chair dito sa aking kwarto ng marinig ko ang boese ni Yaya. Naputol ang pagmumuni muni ko.
"Señorita."
"Yaya Tilde, kayo po pala! Dala nyo na po ba ang pinabalatan ko sa inyong bigay ni Gabriel," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Heto na, anak."
Ibinaba n'ya sa ang tray na may binalatan na santol at kaunting asin sa platito. Ang galing talaga ni Yaya, alam na alam ang mga request ko.
"Salamat, Yaya. Ang bait mo talaga sa akin, para kang si Gabriel," tumayo ako at niyakap s'ya ng mahigpit. Sanay na s'ya sa paglalambing ko.
"Tumakas ka na naman."
Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gadgets at laptop sa mesa. Lahat ng gamit ko ay halos kulay pula dahil ito ang paborito kong kulay simula sa pagkabata. Hindi ako makaimik dahil totoo naman ang sinabi n'ya. Tumakas ako kanina para makipagkita sa kaibigan ko.
"Andrea, mag-iingat ka. Ang sa akin lang naman ay baka mahuli ka ng lola at lolo mo. Hindi lang ikaw ang malalagot sa mga 'yon kundi si Gabriel. Alam mo na ang mangyayari. Alam ko rin na ayaw na ayaw mong masasaktan ang kaibigan mo."
Ilang beses na ba itong pinaalala sa akin ni Yaya? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi lang tatlong beses, napakaraming beses na, simula ng maging magkaibigan kami ni Gabriel. Hinawakan ko ang kanyang kamay bilang pasasalamat sa pagtatago ng aking sekreto. Mapapagkatiwalaan s'ya at alam kong hindi n'ya ako isusumbong.
"Nag-iingat po ako, Yaya. Hindi ko kailanman ipapahamak si Gabriel. Mahalaga ho siya sa akin at kaibigan ko po siya."
"Nandito lang ako anak. Alam mong maaasahan mo ako. Ang sa akin lang ay mag-iingat ka. Mahalaga kayo ni Gabriel sa akin. Ayaw kong masaktan kayong dalawa, lalo ka na."
"Salamat, Yaya. Alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang masaya ka para sa aming pagkakaibigan."
Ginulo nito ang lagpas balikat kongbuhok. Mahal na mahal ako ni Yaya. Sa tagal ng paninilbihan n'ya sa pamilya namin ay kilalang-kilala na n'ya ako.Hindi lang ang buong pamilya ko -- maging ang pamilya ni Gabriel.
Gabriel POV
"Anak, ano ba 'yang tinitingnan mo d'yan?"
Narinig ko ang tanong ng akin ina. Nahuli n'ya kasi akong nakamasid sa mga ka-edad ko na nakatambay sa labas. Puro may mga hawak na cellphone ang mga ito. Walang tigil ang tunog at sunod sunod. Ang iba ay may kausap pero ang iba naman ay tuloy ang pagtype sa maliit na keyboard. Texting yata ang tawag doon.
"Wala ho, inang. Iniisip ko lang po kung may ganyan rin ako, siguro kausap ko si Andrea palagi. Siguro, alam ko ang nangyayari sa kan'ya. Makakapagkwentuhan kami. Siguradong masaya kami, Inang."
Hinawakan n'ya ang balikat ko at tinapik-tapik. "Magkakaroon ka rin n'yan, anak. Huwag kang mag-alala at magsisikap kami ng Itay mo. Huwag mong alalahanin si Señorita Andrea. Alam kong masaya 'yon dahil magkaibigan kayong dalawa at nagkakasama."
Ngumiti ako sa kanya. Alam kong hindi s'ya tutol sa pagiging magkaibigan namin ni Andrea. Ang tanging inaalala lang n'ya ay ang maaaring kahihinatnan ng samahan namin pagdating ng araw. Hindi lingid sa kaalalaman ng lahat na mayaman ang mga ito at kami naman ay nakikitirik lang dito sa isla.
"Huwag kayong mag-alala, Inang. Magsisikap ako at mararating ko kung anong mayroon si Andrea. Mag-aaral akong mabuti at magiging pantay rin ang buhay natin sa buhay nila," buong kumpiyansang saad ko sa kanya. Mayamaya ay dumating ang kaibigan kong si Victoria. Becky ang tawag ko sa kanya at ng ibang tao dito sa lugar namin.
"Gabo, heto na ang hinihiram mo. Nalagyan ko na ng load 'yan, bayaran mo na lang."
Inabot n'ya sa akin ang telepono n'ya. Nokia 5110 lang ito at may iba ng mga bagong labas pero okay lang. Basta matatawagan ko si Andrea, kahit pa anong luma ng cellphone ay tatanggapin ko.
"Naku! Salamat Becky. Maasahan ka talaga."
"Basta ikaw! Malakas ka sa akin eh," nakangiting sabi n'ya sa akin.
Tatawa-tawang nagpaalam si Nanay. Sanay na s'ya sa amin. "Maiwan ko muna kayo. Ipaghahanda ko pa ng makakain ang Tatang mo. Siguradong gutom 'yon pag-uwi galing dagat."
"Sige po, Nanang," magkasabay naming tugon ni Becky.
Nang umalis si Nanang ay hinarap ko naman ang kaibigan ko. Gusto ko na kasing makausap si Andrea at hindi ko s'ya matatawagan kung nandito ang kaibigan ko.
"Mamaya na tayo mag-usap Becky. May tatawagan lang akong importante."
Tinaasan n'ya ako ng kilay at umismid pa. "Sino na naman ang tatawagan mo? Ang phonepal mo na namang Amerikana? Ni hindi mo alam kung Amerikana nga?"
Napataawa ako. Ang alam n'ya kasi ay isang Amerikana ang madalas kong kausap. Hindi n'ya alam na si Andrea at ang Amerikana ay iisa. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil baka bigyan n'ya ng malisya at mabuko kami ni Andrea ng pamilya n'ya. Mabuti na ang nag-iingat.
Andrea POV
Napakislot ako nang tumunog ang ringing tone ng cellphone ko. Nakita ko ang pamilyar na numerong ginagamit ni Gabriel kapag tumatawag s'ya sa akin. Masayang masaya ako dahil kahit hindi kami magkasama ay maririnig ko ang boses n'ya.
"Gabo!"
"Hi, Andeng," malambing na bati n'ya sa akin.
Halos sabay nilang binanggit ang mga palayaw ng isa't isa.
"Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo."
Nahiga ako sa kama habang hawak ang telepono sa may tenga ko. Ganito ang gawa ko kapag nakakahiram s'ya ng cellphone para tawagan ako. Minsan ay gusto ko na s'yang bilhan ng cellphone dahil may pera naman ako. Iniiwasan ko laman na sumama ang loob n'ya. Sigurado kasing makakaramdam s'ya ng pangliliit sa sarili dahil may presyo ang ibibigay ko sa kanya. Hinayaan ko na lang s'ya sa diskarte n'ya. Ang mahalaga, nagkakausap kami.
"Pinahiram ulit ako ni Becky. Sabi ko kasi sa kaniya ay tatawagan ko ang phonepal kong Amerikana."
Hindi ko naiwasan na mapatawa. Kailan pa akong naging Amerikana? Nagpatuloy s'ya sa pagkwento.
"Mabuti nga nand'yan si Victoria. Nagkakaroon ako ng pagkakataong makausap ka, Andrea."
Nasiyahan akosa sigla ng boses n'ya. Pakiramdam ko ay gustong gusto n'ya akong kausap. Lamang ay nakaramdam ako ng inis na malamang nandoon na naman si Victoria. Pakiramdam ko talaga ay may gusto rin s'ya kay Gabriel at hindi lang masabi. Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang boses n'ya.
"Andrea? Andrea, nandyan ka pa ba?" untag ni Gabriel nang wala itong marinig na boses sa kaniya.
"Mabuti pa siya, lagi ka niyang nakakasama. Lagi ka pa niyang nakakausap, Gabriel."
Narinig ko ang mahina n'yang tikhim. "Lagi ko siyang nakakasama, oo. Pero alam mo ba kung sino ang laging laman ng puso't isip ko, Andrea?"
Wala sa sariling napangiti siya. Sa isip nya ay nagsisigaw na sana ay siya. Na sana, siya ang laging iniisip ni Gabriel tulad niya. Hindi ito mawala wala sa isipan nya.
Lihim akong umasa na ako ang tinutukoy n'ya. "Sino?"
"Ikaw lang, Andrea. Ikaw lang," walang gatol na sagot ni Gabriel.
Labis na saya ang aking naramdaman. Pakiramdam ko ay may mga paruparong nagliliparan sa aking sikmura at ang dibdib ko ay puputok sa tuwa. Pero biglang sumakit ang aking ulo. Para itong binibiyak at kahit anong hilot ko ay hindi mawala.
"Gabriel, Gabriel! Sumasakit na naman ang ulo ko Gabriel! Ah! Ouch! Ah!"
Hindi ko na narinig ang sunod n'yang sinasabi at ang huli kong narinig ay ang tunog ng cellphone ko na bumagsak sa sahig bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.