Kelvin's Point of View:
"Anak? Hindi ba may pupuntahan ka ngayon? Tumayo ka na diyan para maaga kang makauwi mamaya." Rinig kong sambit ng aking ina mula sa labas ng aking kwarto. Tumayo ako sa aking kama at kinusot kusot ang aking mga mata.
Malapit na namang matapos ang bakasyon at ilang araw na lang ay pasukan na naman. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Takot, excitement at pag-aalinglangan. Takot kasi mag-isa akong papasok sa isang malaking unibersidad dito sa Mazoria dahil ang aking mga kaibigan ay mag-aaral sa ibang unibersidad. Gusto ko sana silang sundan ngunit nasasayangan ako sa ibibigay na buong iskularsyip ng MU ( Mazoria University). Bawas gastos din naman ito sa amin ni mama dahil kahit hindi sabihin ni mama ay nahihirapan na rin siya sa pagtataguyod sa akin.
Salita ako ng salita dito hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Kelvin Ventura, kakalabing walo ko lang noong Abril. Ang itsura? hindi sa pagmamayabang pero napapalingon lahat ng babae sa akin kapag ako ay dumadaan noong nasa Sekondarya pa lamang ako. Ewan ko sa mga tao kasi hindi ko naman ugali ang mag-ayos ng sarili basta kung saan ako kumportable dun ako. Bisexual pala ako. Ewan ko kung bakit ako nagkaganito basta paggising ko na lang isang araw naging ganito na ako. Alam ni mama ang tungkol sa aking kasarian at ayon sa kanya ay ok lang daw basta kung saan ako masaya. Ang swerte ko no? Ganyan lang talaga ako kamahal ni mama.
Siguro nagtataka kayo kung bakit full scholar ako sa MU? Dito kasi sa Mazoria, kung ikaw ay nasa sampung pinakamagaling sa sekondarya ay awtomatikong mabibigyan ka ng scholarship ng aming hari.
Malaking tulong ang pagiging schoolar ko sa nanay ko. Buhat kasi ng mamatay ang papa ko siya na ang tumustos sa mga pangangailangan namin. Meron naman naiwan si papa noong nabubuhay pa siya pero ngayong nasa kolehiyo na ako, baka hindi na sapat ang aming mga gastusin. Kaya mahal na mahal ko ang papa ko eh kahit na wala na siya hindi niya pa rin kami pinabayahan.
Gaya nga ng sinabi ni mama sa akin kanina na may pupuntahan ako, lumabas na ako ng aking kwarto at nagtungo sa kusina. Bibili kasi ako ng mga kakailanganin ko sa paaralan. Pagdating ko dito sa kusina, nadatnan ko ang aking ina na naghahanda ng aming almusal. Linapitan ko siya at hinalkan ko siya sa pisngi. Umupo ako sa harap ng hapag habang si mama ay naghahanda ng aming agahan.
Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa aking kwarto para makapaghanda na ako sa aking pupuntahan. Pagkatapos kong maligo at makapaghanda ay lumabas na ako ng aking kwarto at hinanap si mama.
"Oh anak,aalis ka na?" Bungad sa akin ng aking ina na abala pa sa paglilinis sa sala.
"Opo ma,babalik din ako agad pagkabili ko ng mga kakailanganin ko sa pag - aaral"Sagot ko sa kanya. Itinigil niya ang kanyang ginagawa at may kinuha sa kanyang bulsa.
"Ito oh pangdagdag mo sa pera mo." Ani niya sa akin sabay abot ng limang daan. Nginitian ko na lamang siya. Pagkaaabot niya ng pera sa akin, bumalik na siya sa kung ano ang ginagawa niya.
"Salamat ma.Huwag kayong mag-alala ma kapag nakapagtapos na ako, gagawin kitang reyna dito sa palasyo natin. Hindi ka na magtatrabaho pa." Paglalambing ko sa aking ina naa siyang ikinangiti niya.
Itinigil muna ni mama ang pagwawalis at linapitan niya ako para yakapin.
"Ang swerte talaga namin ng papa mo at ikaw ang naging anak naming." Sabi ni mama habang yakap yakap ako.
Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya. "Ako nga ang maswerte eh kasi binigyan niyo ako ng pagmamahal at pag-aaroga. " Ang sagot ko naman."Sige ma alis na ako baka mag-iyakaan tayo dito eh." Paalam ko kay mama.
Naghiwalay na ang yakap namin. Hinalikan ko si mama sa pisngi bago ako umalis.
"Ingat ka anak ah."Bilin sa akin ni mama. Nginitian ko na lamang siya at tumango.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad lakad papuntang sakayan. Medyo malapit naman mula sa bahay kaya parang exercise ko na rin ito.
Sumakay ako ng traysikel para pumunta sa bookstore. Pagdating ko sa bookstore,deretsyo agad ako sa area ng mga school suplies. tatlong notebooks,ballpen,bag,papers lang ang bibilhin ko. Nang makumpleto ko ang mga kakailanganin ko,nagtungo na ako sa casier para magbayad.
Ang daming pila kasi malapit na ang pasukan kaya ayan may audition ng isang singing contest.
Habang nakapila ako biglang nagtulakan ang nasa likod ko kaya ang nasa harap ko ay nabangga ko.
"Ay sorry po hindi ko po sinasadya. " Paghingi ko ng paumanhin na nasa harap ko.Napaangat ako ng aking ulo nang wala akong marinig na boses. Kitang kita ko naman ang pagtitig ng lalaki sa akin na para bang inoobserbahan ang kabuoan ng aking mukha.
"Anong meron? may dumi ba ang mukha ko?" Tanong ko sa nasa isip ko. Paano naman kasi yung nasa harap ko na nabangga ko ay nakatitig lang sa maganda kong mukha!!Ayaw na ayaw ko pa naman ang matitigan ng ibang tao.
"May problema po ba?"Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Tinitigan lang niya ako ng hindi ko alam kung ano ang gustong niyang sabihin. Makalipas ng ilang segundo, binaling na niya ang kanyang tingin sa pila na siyang nagpasingkit ng aking mga mata. Hindi man lang niya ako sinagot na kahit isang letra lamang.
Pinabayahan ko na lamang siya. Nakipila na rin ako at hindi inintindi ang nasa aking harapan. Matapos kong makapagbayad, Bigla akong nakaramdam ng gutom. Imbes na umuwi na, nagtungo muna ako sa isang fastfood para tugunan ang aking tiyan.
Nag-order na ako at pagkabigay ang pagkain ko sa akin,naghanap na ako ng mauupoan. Wow kung sinuswerte ka naman oh! walang bakante! pumunta ako sa second floor ng fastfood nagbabakasakaling may mauupoan. Pagdating ko dun,ganun din ang sitwasyon! walang maupuan! gumala ang aking mga mata at "Bingo!!" may nag-iisa sa pangdalawaang table. Lumapit na ako sa mesa.
"May kasama po kayo?Pwede po bang makiupo?wala kasing bakante eh." Ang maayos kong tanong sa lalaki.
Nang inangat ng lalaki ang kanyang ulo, hindi ko maiwasan ang mapaatras at mapalunok, ang lalaking nabangga ko kanina. Gaya kanina tinititigan lang niya ako. Pipi ba tong taong to? hindi siya nagsasalita eh!
Hindi na ako makapaghintay ng sagot niya kaya umupo na lang ako sa harap niya. Wala akong pakialam kung sino man ang taong ito basta ang alam ko gutom na gutom na ako.
Tahimik lang kaming kumakain. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Bakit nga ba kami mag-uusap eh hindi ko nga siya kilala.
Binilisan ko na lang ang kain ko. Inunahan ko pa nga siya. Ang bagal kasi kumain dahil sa kakatitig sa akin. Pumasok nga sa isip ko na baka kagaya ko siya!Baka na love at first sight siya sa akin kaya titig ng titig sa akin. Kakaiba kasi ang mga tingin niya eh! Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya kaya.
Tumayo na ako ng matapos akong kumain. Nagpasalamat pa rin ako sa kanya kahit na tinutunaw na ako sa mga tingin niya.
"Anong problema ng lalaking 'yun?" Tanong ko sa aking sarili habang papalayo sa kung saan ako nanggaling.
Umuwi na ako sa bahay at wala na si mama. Pumasok na siguro sa trabaho. Deretsyo na ako sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto, wala na naman akong gagawin.
At dahil walang akong magawa sa bahay, napag-isipan kong maglinis ng buong kwarto ko. Nakapaglinis na naman si mama sa sala at kusina kanina eh.
Inuna ko munang palating ang mga punda ng unan,bedsheet at pagkatapos ay nagpunas muna ako ng mga gamit ko sa cabinet sa study table ko. Pagtapos magpunas nagwalis na ako at nagmop na rin para mas malinis tignan.Halos isang oras din ako naglinis. Nagpahinga lang ako ng saglit bago maligo ulit.Pagkatapos maligo, humiga na ako ulit . Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Pasukan na!Maaga akong nagising para maghanda. Mga papel, ballpen, at lahat ng aking kakailanganin sa unang araw ng pasukan ay nakahanda na. Tumuyo na ako sa aking kama dala dala ang aking bag at humarap sa slamin. Napangiti na lang ako ng makita ko ang aking repleksyon sa salamin. Hindi naman sa pagmamayabang pero may ibubuga rin ako pagdating sa itsura at tindig.
Bumaba na ako mula sa kwarto. Pagkababa ko,naabutan ko si mama na naghahanda ng agahan.Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi. Pagkatapos sabay na kaming kumain.
"Ready ka na anak?" Bungad sa akin ni mama
"Opo naman ma, ako pa!?" Pagmamayabang ko sa aking ina.
Habang kumakain,nagkwekwentuhan lang kami ni mama ng kung ano ano na maisipan pagkwentuhan hanggang sa magtanong siya ng di ko inaasahan.
"Kailan mo balak magpakilala ng babae sa akin anak?" Nakangisng tanong ni mama sa akin. Napataas naman ako ng aking kilay dahil sa katanungan ni mama sa akin.
"Mama naman eh!" Pagmamaktol ko sa kanya. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ni mama at ganyan ang tinatanong niya. Wala pa naman akong balak pumasok sa isang relasyon kasi ang gusto ko ay tapusin ko muna ang pag-aaral ko bago ko isipin ang mga bagay na yan.
"Pasensiya na anak..iibahin ko na lang ang tanong ko." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.
"Kailan mo balak magpakilala ng lalake anak?" Napahawak ako sa aking ulo dahil sa muling pagtatanong ni mama sa akin.
Napatingin ako kay mama at kitang kita ko ang pagngiti niya. Ano bang meron kay mama at ganyan mga tanong niya sa akin?
"Ma naman eh! wala pa sa isip ko yan mga yan! tatapusin ko muna pag-aaral ko bago yan mga pinagsasabi. At tsyaka istorbo lang yan sa pag-aaral ko no." Sagot ko sa aking ina. Napangiti na lamang si mama sa aking nagging sagot.
"Huwag mong sabihin yan anak. Pwede mo naman silang gawing insperasyon eh." Tugon ni mama sa akin.
"Sige ma..alis na ako baka malate pa ako eh." Paalam ko sa kanya. Hindi kasi ako komportable kung ganyang pinag-uusapan namin.Tumayo na ako at muli kong hinalikan si mama sa pisngi.
"Sige. Ingat ka anak."Ngumiti lang ako sa kanya bago lumabas ng bahay. Paglabas ko ng bahay, pumunta na ako sa sakayan. Swerte ko naman na may jeep agad. Pinara ko ito at sumakay.
Halos 30 minutes din ang byahe papunta sa Mazoria University. Pagdating ko dun, hindi talaga maikakailang napakaganda ng university na eto.
Habang naglalakad ako papasok ng campus, napansin kung kakaunti lang ang naglalakad at karamihan ay nakakotse o di kaya naman naka motor.
Halatang mga mayayaman talaga ang nag-aaral dito at ako nakapasok lang dahil sa schoolarship.
Inilabas ko na ang white form ko para malaman kung saan ang unang room. Sc 2 - 2o1 ang nakalagay.
Nagtungo na ako sa building ng CTE ( College of Teacher Education). Education kasi ang napili kong course.
Agad ko naman nahanap ang room namin kasi may mapa ako ng building. Nakakuha ako noong nag-enrol ako.
Pagpasok ko sa room may mangilan ilan na ding kagaya ko na students. Halatang mga mayayaman mga ito dahil sa mga ayos nila at mga gadgets na hawak hawak nila.
Pumasok na lang ako at nagtungo sa pinakalikod wala kasing masyadong nakaupo dun.
Ilang minuto rin ang nakalipas, dumami na kami at pumasok narin ang instructor namin. Sa diko inaasahan,kasunod din niya yung lalaking pipi at kung makatitig ay huwagas.
Umayos na ang lahat ng studens ng upo at nagpakilala ang instructor namin. pagkatapos magpakilala isa isa rin kaming nagpakilala sa harap. Uso pala sa kolehiyo ang ganito? akala ko sa elementarya at sekondarya lang.
At dahil nasa likod ako! ako ang unang nagpakilala. Ganito na pala ngayon!nagsisimula sa likod ang magpapakilala. Tumayo na ako at pumunta sa harapan.
"Goodmorning guys i am Kelvin Ventura. 18 yrs old" ang maikli kong pagpapakilala.
Ilang sandali pa magpapakilala na rin yung lalaking tahimik. Maririnig ko na din ang boses niya.
"Goodmorning i am Moises Delgado 18 yrs old"ang pagpapakilala niya. Gaya gaya naman siya eh. Ginaya niya kasi ako kaninang nagpakilala ako.
Ganito lang ang ginawa naming maghapon sa mga klase namin bukod sa pagsasabi ng mga rules ng mga instructors namin.
Yung Moises na yun panay tingin pa rin nya sa akin kanina.Nakakaintriga na din siya ah. hay pagbigyan ang gwapong lalaking yun.
.............................
Naging maayos naman ang takbo ng pag aaral ko. Na-maintain ko naman ang schoolarship ko at ilang araw na lang bakasyon na naman.
Sa halos isang taong magkaklase kami sa lahat ng subjects ni Moises, hindi niya talaga ako kinausap kahit minsan. Ang talim pa naman niya makatitig sa akin kapag nagkakasalubong kami ng tingin. Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. nakikita ko naman siya na nakikipagtawanan at nakikipagkwentuhan sa iba naming mga kaklase pero bakit hindi niya magawa yun sa akin? Minsan nga pumasok sa isip ko na ako ang unang lalapit sa kanya pero ewan ko ba kasi nauunahan ako ng hiya kaya sa gaanito kami humantong. Walang pansinan, usapan o kahit ano man.
Napabuntong hininga na lamang ako. Buti na lang uwian na at makakapagpahinga na rin. Kakapasa ko kasi lahat ng requirements ko eh.Naglalakad na ako papunta bahay nang mapansin ko ang mga kalalakihan na sumusunod sa akin.
"Kanina pa yan mga yan ah!" Sabi ko sa aking sarili. Akala ko kanina pareho lang ang dinadaanan namin kaya hindi ko pinapansin pero hanggan dito pa naman sinusundan nila ako?Binilisan ko na lang ang paglakad ko para mas madali akong makauwi sa bahay.Lakad takbo na ang ginawa ko. Natatakot na rin kasi ako eh. Nang makarating ako sa bahay nilock ko lahat ng pinto at sinara lahat ng bintana. Nasa trabaho pa kasi si mama mga 7 pm ang uwi niya.Nang masigurado kung nakalock na lahat,nagtungo na ako sa aking kwarto. Hindi pa ako nakakahiga ng kama ko nang may kumatok.
Bumaba na ako baka si mama na yun.dali dali kung binuksan ang pinto at laking gulat ko.
Moises?
Pero teka!paano niya alam ang bahay namin?stalker ba to?baka kriminal?
"A..anong kailangan mo?"Nauutal kong tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot sa akin at pumasok na lang bigla. aba ayos din ito ah! Hindi panga kami nakakapag usap kahit minsan tapos ganyan siya kung umasta?!Nakakainis talaga ang lalaking to eh! Ang sarap patayin!
Umupo siya sa sofa at aba kapal talaga mukha nito!akalain niyo pinatong pa niya paa nya sa lamesa.
"Ano bang kailangan mo!?"Pagalit kong tanong sa kanya. Hindi pa rin siya nagsasalita at may ipinakita lang siya sa akin. Isang bagay na kapareho ng hugis ng pamana sa akin ni papa.
"Pwede bang makita ang "Arkin" mo?" ang sabi niya sa akin.
"Teka lang!alam mo rin yan kwentong yan?sikat pala ang kwento ng lolo ng tatay ko, ah! "ang sabi ko sa kanya.
"Pwede bang kunin mo na lang!?wala na tayong oras anak ni Alvin Ventura. "Medyo mataas niyang utos sa akin.
"Anong wala na tayong oras?At paano mo nakilala ang kapatid ni papa na si Alvin at anong sinasabi mo na anak nya ako?"ang sunod sunod kung tanong sa kanya.
"Ipapaliwanag ko sayo mamaya kunin mo muna." ang sabi niya.
Umakyat na ako sa kwarto ko para kunin ang kahon na iniwan ni papa sa akin noong bago siya mamatay. Pagbaba ko nakita ko si mama na kausap ni Moises. Lumapit na ako sa kanila. Bakas sa mukha ni mama na malungkot.
"Anong nangyayari mama?" Nag-aalala kong tanong kay mama.
"Anak patawarin mo sana kami ng papa mo kung nilihim namin kung sino ka talaga."Naluluhang sagot ni mama sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ni mama sa akin.
"Anong sinasabi mo mama?"Nagtataka kong tanong sa kanya. Napayuko si mama ng kanyang ulo. Para bang nag-iisip kong sasabihin ba niya sa akin o hindi.
"Hi..hindi kami ang tunay mong mga magulang anak. Ang tatay mo ay ang kapatid ng asawa ko na si Alvin pero ng iniwan ka niya sa amin noong tatlong buwan ka palang noon. Iniwan ka niya sa amin dahil may kailangan daw siyang gawin bilang isang seeker pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik." Mahabang paliwanag ni mama sa akin. Kitang kita ko sa mga mata ni mama ang kanyang mga luha. Siguro mahirap din sa kanya ang sabihin sa akin ang katotohanan.
Hindi ko ring maiwasan ang hindi magulat sa sinabi sa akin ni mama. Sa halos dalawang dekada na sila ang kinilala kong mga magulang ay hindi pala sila ang tunay.
Marami pa sana akong tanong kay mama pero bigla na lang nagpasukan ang tatlong mga lalaki na nakashade pa sila.
Hinila na ako ni Moises at iniwan na namin si mama. Sinundan kami ng tatlong lalaki.
takbo kami ng takbo para matakasan namin ang mga lalaki.
Takbo dito,liko diyan hangang makarating kami sa saradong lugar.
Naabutan na kami ng tatlong lalaki.
"Tumakbo ka na ingatan mo yang kahon ako na bahala dito."ang utos niya sa akin.
"Paano ka?alangan naman na iiwan kita dito"ang pagtutol ko.
"Sabi na ngang ako bahala dito eh"pasigaw niyang sabi.
Tumakbo na ako palayo kung nasaan sila pero may isang sumunod sa akin at yung dalawa ay naiwan.
Tumakbo na naman ako habang ang isang lalaki nakasunod pa rin sa akin.
Habang tumatakbo ako may humarang na kotse sa akin. Napahinto ako dahil sa humarang na kotse. Bumukas ang kotse at lumabas ang tatlong lalaki. Hindi ako nakagalaw dahil sa takot. Napapalibutan na nila ako. Paatras ng paatras ako hanggang sumandal na ako sa gate ng isang bahay. Pumikit na ako sa takot ng biglang may nagsalita.
"May problema ba dito?"ang sabi ng isang lalaki.
Napadilat ako ng aking mga mata at nakita ko ang isang lalaki na siguro nasa middle 20's ang edad maganda ang pangangatawan at may soot na puting tshirt at blue pants.
"Hindi na kayo naawa sa binata at pinagtutulungan niyo lamang siya" ang sabi ng lalaki.
"Huwag kang makialam dito!" ang sigaw ng isang armado pero tuloy tuloy lang ang lalaki sa paglalakad patungo sa kinaroroonan namin.
"Talagang gusto mo ng sakit ng katawan ah!" Ang sabi ng isa pang lalaki. Ilan sandali pa naglabas ng isang bagay na katulad ng iniwan sa akin ni papa at sumigaw
"Arkin!"ang sigaw niya at unti unting naging espada ang hawak niya.
"aba..may mga "Arkin" pala kayo."Ang sabi ng lalaki habang nakangiti.
umatake na ang dalawang armado sa lalaki. Inatake nila ang lalake pero nakailag ang lalake.
"Arkin!" ang sigaw ng kasama ng armado at naging isang espada rin.
Inaatake lang nila ang lalake habang umiilag lang siya. Napakagaling niyang umilag ah kahit dalawa na ang umaatake sa kanya. Nang makahanap ang lalake ng pagkakataon sinipa niya ang isang armado at sinuntok din ang isa pa. Ayun bagsak ang dalawang armado.
Napatingin naman ang dalawa pang armado na nasa harap ko at naglabas na rin sila ng tinatahuwag nilang "Akkin". Gaya nang dalawa kanina mga espada din ang nailabas nila. Habang pasugod sila sa lalake,nagulat ako kasi naglabas na rin siya ng "Arkin".
"Arkin" ang sigaw din ng lalake. Hindi gaya sa mga armado na espada ang lumabas. Ang lumabas na armas sa Arkin ng lalake ay isa mahabang sibat. Habang papalapit ang dalawang armadong lalake sa tumutulong sa akin ay biglang naghiwalay sa dalawa ang kaninang mahabang sibat. Parang naging arnis ang armas niya.
Bago pa makalapit ang dalawa,tumalon ang lalake at sakto naman sa mga papalapit na mga armado. pinagpapalo niya ang dalawang armado ng dalawang sibat. ayun tumba din sila.
Habang papalapit ang lalake sa kinalalagyan ko biglang may sumigaw ng pangalan ko
"Kelvin!" ang sigaw ng isang lalake. Hinanap ko kung saan galing ang boses at nakita ko si Moises na tumatakbo patungo sa amin.
Ilan sandali pa nasa harap ko na ang lalakeng tumulong sa akin.
"Maraming salamat po sa pagliligtas sa akin." Ang pasasalamat ko sa lalake.
"Wala yun! bakit ka nila gustong saktan?" Ang tanong ng lalake sa akin.
"Siguro dahil dito." Ipinakita ko sa kanya ang ibinigay ni papa sa akin at kitang kita ko ang gulat sa mga mata ng lalake.
"Ayos ka lang ba?" ang tanong naman ni Moises.
"Ayos lang ako.Salamat din sa pagtatanggol mo sa akin ah." ang pagpapasalamat ko din sa kanya.
"Kaya naman pala hinahabol ka eh dahil na sayo ang isa sa lima na legendary Arkin." Gulat na sambit ng lalaki sa amin.
"Anong ibig niyo pong sabihin?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Wala naman kasi akong alam sa mga pinagsasabi niya eh.
Narinig na lang naming ang malakas na pagtawa ng lalaki sa aming harapan.
"Hindi mo ba talaga alam? matagal na kaming naghahanap sa mga legendary Arkin pero wala pa kahit isa ang nahahanap namin dahil talagang itinago ng mabuti ng mga sinaunang sayantipiko ang mga yan."Sagot ng lalaki sa amin.
"Ganun po ba?eh hindi ko naman alam gamitin ito eh"Ang sabi ko.
"Pumasok muna kayo sa aking tahanan para maipaliwanag ko sa inyo "ang anyaya ng lalake.
Sumunod na lang kami sa kanya at pumasok sa kanyang bahay.
"Siya nga pala, ako si David." Pakilala niya sa amin.