Chapter 1: Ang Pamana

2043 Words
May isang maliit at tagong organisasyon ang nabuo maraming taon na ang nakakalipas. Itong organisasyong ito ay may layuning patayin,puksain at ubusin ang lahat ng halimaw na nagkalat dito sa bansang Mozaria. Ang organisasyong ito ay tinahuwag na "Bantay Halimaw" na may iilan lamang na kasapi at tinatawag silang "Seekers". Ang mga kasapi ng grupong ito ay dapat may sandatang tinatahuwag nilang " Arkin ". Ang mga "Arkin" ay mga sandatang ginawa ng mga sinaunang sayantipiko. Ang tunay na layunin ng Arkin ay gumawa ng ginto gamit ang iba't ibang uri ng metal pero sa hindi inaasahang pangyayari,nakagawa sila ng kakaibang mga sandata. At dahil sa panganib na nagagawa ng "Arkin", nagdesisyong ang ikatlong hari ng Mozaria na si Haring Jacob na ipatago ito sa iba't ibang bahagi ng Mozaria. Ginawa naman ng mga sayantipiko ang inutos ng hari. Itinago nila ang mga "Arkin" at gumawa na rin sila ng mga patibong upang hindi ito madaling makuha. Matagal na panahon din ang nakakalipas at namatay na lahat ng sayantipikong gumawa ng "Arkin". Walang kahit sino man ang nakakaalam tungkol sa "Arkin" maliban sa mga sinaungang sayantipiko at ang ikatlong hari ng Mozaria. Makalipas ang isang siglo, si Haring Argon ang ika - 9 na hari ng Mozaria. Sa kanyang pamumuno, naging maayos naman ang takbo ng Mozaria. Mas naging produktibo itong bansa at nabibilang na ito sa tatlong pinakamayamang bansa. Pero sa kabila ng produktibong bansa, meron din itong mga pagsubok na dapat na masolosyonan. Isang kagimbal gimbal na kaganapan ang nagbigay ng problema ng Hari. Isang baliw na sayantipikong ninais gumawa ng isang bagay na imposibleng magawa. Ninais niyang gumawa ng isang bagay na magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan. Nakagawa siya ng ganung bagay ngunit ng subukan niya ito sa kanyang sarili, nagbago ang kanyang anyo. Naging isang mabangis na halimaw ito at pinatay lahat ng sayantipikong kasama niya sa laboratoryo. Nabalitaan ni Haring Argon ang nangyari sa mga sayantipiko at nag-utos ang hari na patayin ito. Ngunit nabigo lahat ng mga mandirigma ni Haring Argon. Halos kalahati ng mga mandirigma ang napatay ng halimaw kaya nagdesisyon ang mga sundalo na umatras na lamang at ibinalita nila ito sa Hari. Hindi na alam kung anong gagawin ng hari sa oras na iyon. Humingi na rin siya ng tulong sa mga karatig bansa pero wala pa rin silang napapala. Hindi tinatablan ng pangkaraniwang sandata tulad ng pana, espada o kahit baril. Naisipan din nilang gumamit ng malalakas na mga sandata tulad ng mga bomba, mga tangke malalakas na calibre ng baril ngunit wala pa ring nagagawang pinsala sa halimaw. Lumipas ang ilang buwan at may isang hindi kilalang lalaki ang lumapit kay Haring Argon. May dala dala itong isang hugis hexagon na bagay at humingi ng pahintulot sa Hari na kung pwede ay siya ang lumaban sa halimaw. Pumayag na din ang Hari sa mungkahi ng lalaki at inutos niyang patayin ang halimaw. Nagpasama din siya ng ilang mga mandirigma para tulungan ito. Pagkarating ng lalaking inutos ng hari na patayin ang halimaw sa kinaroroonan nitong isang madilim na kweba malapit lamang sa kastilyo ng hari at doon sila naglaban. "Mamatay ka na ngayong halimaw ka!" Ang sigaw ng lalaki sa halimaw at inilabas niya ang isang hugis hexagon. Ilan sadali pa, biglang nagiba ang anyo ng bagay iyon at naging isang palakol. Nagulat ang mga mandirigmang nakakita sa bagay na yun. Malalakas na ungol, nakaktindig balahibo, ito lamang ang naririnig mula sa halimaw. Nag-atrasan ang mga kasama ng lalaki at mag-isa na lang siyang lumaban sa halimaw. Naging maalab ang labanan nila sa halimaw. Dahil sa laki ng halimaw, nahirapan ang lalaki. Nang makita ng mga mandirigma na nahihirapan ang lalaki, nagdesisyon na silang tumulong. Sabay sabay na sumugod ang mga mandirigma sa halimaw at walang kahirap hirap na itinaboy ng halimaw ang mga mandirigma. Habang abala ang halimaw sa mga mandirigma, nakakita ang lalaki ng pagkakataon para atakihin ang halimaw mula sa likod. Natamaan niya ang halimaw sa likod at laking gulat ng lalaki na nag-anyong tao ito na walang saplot. Nakabulagta lang ang kaninang halimaw na ngayon ay isang tao na ngayon na may sugat. Nagdesisyon na ang lalaki at pati na rin ang mga mandirigma na iwan na lang ang nakahandusay na katawan ng lalaki at nagtungo na sa palasyo para iparating ang magandang balita sa Hari. "Ano ang nais mong gantimpala sa pagkakapatay mo sa halimaw?" ang tanong ng hari sa lalaki. "Wala po akong hinihiling mahal na Hari. Ang nais ko po lamang ay bigyan mo ng magandang pamumuno ang iyong nasasakupan" ang tangin nasagot ng lalaki sa Hari. Nagbunhi ang lahat ng mamamayan ng Mozaria sa pagkakapatay ng halimaw. ......... "Tatay naman, eh paulit-ulit na lang ang kwento mo sa akin. Wala ka na bang alam na ibang kwento?" pagmamaktol ng batang lalaki sa kanyang ama. Napatawa na lang ang kanyang ama sa tugon ng kanyang anak. "Wala na eh. 'Yan lang kasi ang kwento ng lolo mo noon sa akin kaya ayan kwinekwento ko rin sa iyo, " sagot niya sa kanyang anak. Tumayo ang lalaki sa kama ng bata. "Hala sige matulog ka na at medyo malalim na ang gabi." Utos niya sa kanyang anak. Hinalikan ng ama ang kanyang anak sa noo at inayos na niya ang kumot nito at nagtungo sa may pinto ng kwarto ng bata. "Goodnight, anak!" Ang huling salitang narinig ng bata sa kanyang ama. Kinabukasan.... " Kelvin!!! Nasusunog na ang dagat nandiyan ka pa rin at natutulog! Pati mga ngipin mo nagpuputukan na rin!" sigaw ng ina ng batang lalaki. Bigla naman siyang napamulat dahil sa gulat at lakas ng boses ng kanyang ina. "Ang nanay talaga oh! Ang sarap matulog eh!" ang pagmamaktol naman ng bata. Bumangon na siya at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo, bumaba na siya at sinaluhan ang kanyang mga magulang. Naging masaya ang buhay ng pamilya niya hanggang sa pagsapit ng Ika labing dalawang kaarawan ni Kelvin. Masaya ang kaarawan niya. Maraming handang pagkain at mga bisita. Hindi maitatago ang saya sa mukha niya lalong lalo na at kasama niya ang kanyang mga nagmamahal sa kanyang mga magulang. "Maraming maraming salamat sa lahat papa, mama," ang sabi ni Kelvin sa kanyang mga magulang sabay yakap sa mga ito. " Walang anuman iyon anak. Basta nakikita ka naming masaya sapat na sa amin iyon ng iyong mama." Ang tugon ng kanyang ama. Lumipas ang tatlong buwan, nagulat na lang si Kelvin ng biglang tumumba ang ama niya habang naglalakad ito. "Papa!!" Agad na sigaw ni Kelvin. Dahil doon, biglang dumating ang kanyang ina na hingal na hingal galing sa labas ng bahay nila. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina. " Si papa po bigla na lang natumba!" Sagot niya sa kanyang ina. Makikita sa mata ng bata ang pag-aalala sa kanyang ama. Hindi na rin niya napigilan pa ang pagbuhos ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata. Dali dali nila itong itinakbo sa ospital para magamot at malaman nila kung anong nangyari sa kanya. Paglabas na paglabas ng doctor mula sa kwarto na kung nasaan nila tinignan ang ama ni Kelvin, hinarap na nila ang doctor " Dok ano po ang balita? May sakit ba ang asawa ko?ano po Dok?" Sunod sunod na tanong ng babae sa doctor habang lumuluha ang kanyang mga mata. " Maayos na ang kalagayan ng iyong asawa misis. Dahil lang sa pagod kaya siya natumba kanina." Ang sagot ng doctor. Nahugutan naman sila ng tinik at kinabukasan inuwi na nila ang tatay ni Kelvin. Pagdating nila sa kanilang tahanan, idineretsyo nila ang tatay ni Kelvin sa kwarto nila ng nanay niya. Inihiga nila ang tatay niya at aalis na sana silang dalawa sa kwarto ng tawagin siya ng tatay niya. "Kelvin dito ka muna sandali." Ang sabi ng kanyang tatay. Bumalik si Kelvin sa kama at umupo sa tabi ng kanyang ama. " Pwede bang pakikuha ang isang kahon na nakatago sa may cabinet?" Ang utos niya dito. Agad naman na tumayo si Kelvin. Hinanap ni Kelvin ang sinasabing kahon ng kanyang ama at ilan sandali pa ay nakita na niya ito. Kinuha niya ito at ibinigay sa kanyang ama. " Anak ibibigay ko ito sayo. Bubuksan mo lang itong kahon na ito kapag kailangan. " Ang sabi ng kanyang ama. "Ano po ba ito papa?" Nagtatakang tanong ni Kelvin kanyang ama. " Ito yung tumalo sa halimaw na kinukwento ko sayo." Ang sagot naman ng ama niya. " Ikaw talaga papa puro ka kalukohan. Eh gawa gawa mo lang yun eh noong bata pa ako." Ang di makapaniwalang sabi niya sa kanyang ama. Ngumiti lang ang kanyang ama sa kanya. " Basta, ingatan mo ito ng mabuti ha anak, huwag na huwag mong ibibigaay ito na kahit na sino." Bilin ng kanyang ama. Kinuha na lang niya ang kahon dahil wala naman itong magagawa pa. Naging mabuti na ang kalagayan ng kanyang ama sa loob ng isang lingo. Dahil nasa mabuting kalagayan na ang kanyang ama, pumasok muna siya sa eskwelahan. Habang abala sa pag - aaral si Kelvin biglang may tumahuwag sa kanya. “Anak ang papa mo..patay na." Parang biglang gumuho ang mundo ni Kelvin dahil sa nabalitaan niya. Hindi na siya nag-atubili pa sa kanyang kinauupuan at dali daling pumunta sa hospital kung nasaan ang katawan ng kanyang ama. Pagkadating niya dito sa ospital,agad niyang nakita ang kanyang ina na umiiyak sa isang kama na may nakatalukbong na katawan. Unti unti siyang lumapit sa bangkay ng kanyang ama. At nang makarating na siya sa may kama, unti unti niyang tinatanggal ang kumot. Sobrang lungkot at paghihinagpis ang nararamdaman ni Kelvin sa nangyari ngayon. Maayos pa ang mga kalagayan ng kanyang ama ng umalis siya para kumuha ng entrance exam at eto ngayon wala nang buhay ang kanyang ama. Agad nilang iniuwi ang bangkay ng kanyang ama. Pagkatapos ng burol, inilibing na nila ito. Hindi mapigilan ni Kelvin ang kanyang luha habang tinitignan niya ang unti-unting paglalagay ng kabaong ng kanyang ama sa puntod. Ang kanyang ina ay halos mapaos na dahil sa kakaiyak. Purong lungkot ang mararamdam sa paligid. Ang mga tao ay nakisimpatsya sa pamilyang naiwanan. Pagkatapos ng libing, umuwi na sila sa kanilang tahanan at dumeretsyo sa kanyang kwarto si Kelvin. Umiiyak parin siya dahil sa nangyari. Hindi man lang niya nasabi sa kanyang ama kung gaano niya ito kamahal. Iyak ng iyak si Kelvin ng hindi niya inaasahang mapatingin siya sa kahon na bigay ng kanyang ama. Tumayo siya sa kanyang kama at dahang dahang nilapitan ang kahon. Kinuha niya ito at binuksan. Nagulat siya sa kanyang nakita dahil kung paano ilarawan ng ama ang bagay na pumatay sa halimaw sa kanyang kwento ay ganun din ang laman ng kahon. Ito ang huling bigay ng kanyang ama sa kanya. Ito ang pamana niya sa anak na si Kelvin Umiyak na naman si Kelvin dahil sa pagkaalala niya sa mga gabing paulit ulit niyang kinekwento ng kanyang ama ang tungkol dito. Bawat detalye ay inaalala niya. Napapikit si Kelvin sa kanyang kinatatayuhan na parang naririnig niya ang boses ng kanyang ama habang ikwinekwento ulit ang kwento. " Maraming maraming salamat sa lahat papa. Iingatan ko ang iyong pamana sa akin tulad ng iyong sinabi. Hindi kita bibiguin. Gagawin ko ang lahat para sa amin ni mama. Huwag kang mag-alala pa, magsisikap ako." Bulong ni Kelvin sa kanyang sarili habang yakap yakap niya ang kahon. Makalipas ang tatlong taon at magtatapos na rin si Kelvin sa secondarya. Masayang masaya ang kanyang ina dahil nakatanggap siya ng pagkilala bilang valedictorian. Pagkatapos ng graduation ceremony nila, dumertsyo sila sa puntod ng kanyang ama upang ialay ang tagumpay niya sa kanyang yumaong ama. " Ito na ang simula papa, matutupad ko rin lahat ng pangarap mo sa akin. Alam ko pong nasa tabi lang kita at binabantayan kaya sana ay ituwid niyo ako kung malilihis man ako ng landas." Nakangiting sambit ni Kelvin sa puntod ng kanyang ama habang ang kanyang mga luha ay lumalabas na sa kanyang mga mata. Halos mag-iisang oras na sila sa sementeryo ng magdesisyon silang umuwi na. Habang nasa byahe, nagkwentuhan lamang ang mag-ina tungkol sa kung ano ano tulad na lang kung ano ang plano ni Kelvin sa susunod na pasokan. Unti-unti na rin nilang natatanggap ang pagkamatay ng ama ni Kelvin at nagagawa na nilang ngumiti at tumawa. Sa susunod na pasukan, ano kaya ang mangyayari kay Kelvin? May mga tao kaya siyang makikilala na magbibigay sa kanya ng saya, lungkot at pag-ibig? Ito ang kwento ni Kelvin Ventura ay ang magiging Adventure niya sa paghahanap ng kanyang sarli, ang paghahanap ng katotohanan at ang paghahanap ng ligaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD