Kelvin Point of View :
Lumapit na ang mga kalalakihan sa aming tatlo at nagpalabas ng kani kanilang mga Arkin.
Mga espada ang lumabas sa Arkin ng mga lalaki pero si Arthure ay iba. Dalawang parang espada na may tangkay tangkay sa katawan ng espada ang lumabas sa kanyang Arkin.
Napaatras ako sa aking kinatatayoan dahil sa takot. Wala naman kasi akong alam sa mga labanan na ganyan,eh.
" Huwag kang mag-alala nandito lang ako para sa iyo, "ang sabi sa akin ni Moises. Nakaramdam naman ako ng sekyuridad dahil sa kanyang sinabi, ewan ko lang kung bakit.
Abala na si David sa pakikipaglaban sa mga lalake. Pinagtutulungan nila si David. Kahit na pinagtutulongan siya ay hindi siya nakikitaan ng takot at isa-isa niyang pinatumba ang mga kalaban na para bang wala lang sa kanya ang mga ito.
Nang mapatumba ni David ang lahat ng nakalaban niya, tumingin siya kay Arthure na nakangisi.
" Magbabayad ka David! "ang sigaw ng Arthure kay David.
Itinuro niya ang dalawang kakaibang sandata niya kay David at biglang may naglabasang kidlat mula sa sandata niya na iyon. Dahil sa bilis ng atake ni Arthure, hindi niya maiiwasan ang atake nito sa kanya.
" Arkin! " ang biglang narinig ko. Napatingin ako sa sumigaw at laking gulat ko ng magpalabas si Moises ng isang kalasag at malaking espada. Hinarangan niya ang mga kidlat mula sa atake ni Arthure.
Kahit ilang beses na magpalabas ng kidlat si Arthure, hindi naapektuhan sina Moises at David. Doon ay nakakita si David ng pagkakataon para umatake kay Athure at dahil sa bilis ni David ay napatumba siya sa sahig.
Agad siyang tumayo mula sa pagkakatumba.
" Babalikan ko kayo! " sigaw ni Arthure sa amin at pagkatapos ay mabilis isyang tumakbo.
" Aba! May Arkin ka rin pala? " ang paghanga ni David kay Moises.
" Syempre naman. Ito ang sandata ng aking pamilya na pilit nakawin ng mga Hunters noon sa amin." ang pagpapaliwanag niya.
"Seekers din ang pamilya mo kung ganun?" ang tanong ni David sa kanya.
Tumingin siya kay David, " Ang akin lolo noon pero ng mamatay siya wala nang iba pang pumasok sa foundation" ang paliwanag ni Moises sa kanya.
" Nasaan na ang pamilya mo? " ang muling tanong ni David.
Napayuko si Moises dahil sa naging tanong niya, " Patay na sila, pinatay sila ng mga Hunters! " sagot ni Moises.
Ramdam ko na may galit ang mga salita niya. Sino ba naman ang hindi magagalit kung pinatay ang pamilya mo , hindi ba?
Habang naglalakad kami ay nagkwento si Moises sa amin.
Ang kwento ni Moises:
Labing dalawang taong gulang ako noon. Masaya ang pamumuhay namin ng pamilya ko.Ang aking ama ay nagtatrabaho sa isang kumpanya at ang aking ina naman ay isang guro. Meron akong kuya si Elmer.
Masaya kaming naghahapunan noon oras na iyon! masaya, nagkwekwentuhan at nagtatawanan nang may mga dumating na mga bisita. Bumukas na lang ang pinto ng amin bahay noon mga oras na 'yun.
" Magandang hapon po! " ang pagbati ng isang lalake sa kanila.
" Anong maipaglilingkod namin sa inyo? " ang tanong ng akin ama.
" Meron po kaming hinahanap na isang Arkin, " ang sabi ulit ng lalaki kay ama. Napaatras ang ama ko noon dahil sa takot.
"aah wa...wala po ka...kaming ga..ganun ba...bagay dito, " ang nauutal na sagot ng akin ama sa kanila.
Pumasok na ang mga kalalakihan sa loob ng aming tahanan .
" Ganun po ba? pwede po bang maghanap na lang kami dito? " ang magalang na sabi ng lalake.
Sinenyasan kami ng aking ama na tumayo at tumakas pero ang aking ama ay naiwan.
Papalayo na kami noon sa aming tahanan kasama ko ang akin ina at ang kuya ko pero ng mapansin nilang nasusunog na ang buong bahay bumalik ang aking ina.
" Dito lang kayo, ah babalikan ko lang ang inyong ama," ang bilin ng aming ina. Tumakbo ang akin ina patungo sa aming tahanan noon at mga ilan minuto pa ay hindi pa siya bumalik.
" Dito ka muna, Moises susundan ko lang ang ina. Huwag na huwag kang alis dito! " ang bilin ng aking kuya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at tumakbo na ang aking kuya. Gaya ng aking ina hindi na rin nakabalik ang kuya ko. Nagmadali akong nagtungo sa aming tahanan. Pagdating ko doon, nakita ko ang aking mga magulang na nakahandusay sa sahig! pumasok ako sa bahay na may luha na ang aking mga mata. Nilapitan ko silang dalawa. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at umiyak na ako.
"Sssshhh...tama na anak. Kunin mo ang isang kahon na nasa malaking orasan. 'Yun ang hinahanap ng mga lalaki kanina. Kunin mo' yun at ingatan mo. Huwag na huwag mong ibibigay sa mga masasamang tao ang bagay na iyon, " ang bilin ng aking ama. Kinuha ko ang kahon at bumalik sa aking mga magulang.
" Umalis ka na, Moises delikado na dito. Hanapin mo ang kuya mo. binihag siya ng mga lalaki kanina, " ang sabi ng aking ama.
" Pero papaano kayo ama? "ang naluluha kong tanong sa kanila.
" Huwag kang mag-alala anak babantayan namin kayo, " ang nakangiting tugon niya sa akin.
" Hindi, pa! Ililigtas ko kayo!" pinilit kong buhating ang aking ama pero hindi ko kinaya.
" Sabi na ngang umalis kana eh! "ang medyo mataas na boses ng aking ama. Halata na nahihirapan na siyang magsalita noon dahil sa mga natamo niyang sugat.
Tinulak niya ako at napa upo ako sa sahig. Tumayo na ako at tumakbong palabas ng bahay dahil lumalaki na ang apoy sa aming tahanan noon.
Pinanood ko ang aming bahay na nasusun0g mula sa labas.
" Ipaghihiganti ko kayo ama,ina. Magbabayad sila sa ginawa nila sa inyo! " ang nasabi ko na lang sa aking sarili habang unti unting nagiging abo ang aming bahay, " pagtatapos ni Moises sa kanyang kwento kung paano at ano ang nangyari sa kanya at sa kanyang mga magulang.
Nakinig na lang kami sa kwento ni Moises sa amin. Hindi maitatago ni Moises ang lungkot sa kanyang mga mata dahil sa nangyari sa kanya at ang kanyang mga magulang.
" Pasensya na kung natanong ko pa sayo, " ang paghingi ni David ng paumanhin sa kanya.
" Ok lang po. Kailangan ko rin ilabas ito dahil masyado nang mabigat na dinadala ko ito sa aking loob, " ang tugon naman niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang malaking pintoan. Pinilit naming buksan ito pero sadyang malaki ang pinto. Naghanap kami ng kung ano man na pwedeng magbukas sa malaking pinto pero wala!!.
Nawalan na kami ng pag-asa. Umupo na lang ako sa sahig at sa pagsandal ko parang may naitulak ako. Nagulat na lang kami ng biglang bumukas ang malaking pinto.
" Magaling magaling!!salamat sa tulong! "ang sabi ng isang boses. Napalingon kami sa direksy0n kung saan nanggagaling ang boses.
" Arthure! " ang galit na sigaw ni David.
" Akala namin tumakbo na kayo sa takot kaninaI Iyon pala naghihintay lang kayo ng pagkakataon! " sigaw ni David sa kanila.
Tumawa ng malakas si Arthure, " Hindi kami pwedeng umalis dito hanggang hindi namin nakukuha ang Arkin! " ang sagot ni Arthure.
" Hindi mapapasainyo ang Arkin! "ang matigas na sigaw ni David kay Arthure.
Inilabas na ni David ang kanyang Arkin pati na rin kay Moises. Nagsilabasan na din ng mga Arkin ang mga kalaban habang ako ay nakatago lang sa likod nina David at Moises.
Sumugod na ang mga kalaban sa kanila at nakipaglaban na rin sina Moises at David.
Habang abala sila sa pakikipaglaban, pumasok ako sa loob ng silid. Hahanapin ko na lang ang nakatagong Arkin dito.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. Wala akong makita kundi mga eatatwa lang ng mag santo at kung ano-ano pa.
"Nasan ka na ba!? " ang sabi ko sa sarili ko. Hindi ko kasi mahanap, eh.
Sa kakahanap ko sa Arkin, doon ko napansin ang kabuoan ng silid.
Malawak ang loob nito at may tatlong rebulto ng maliliit na dragon. May mga Ordinaryong armas din ang naka display dito.
Nagpalingon lingon pa ako hanggang "Bingo!!" nasa may leeg ng isang rebultong dragon ang Arkin!!
Pinilit kong kunin ang Arkin pero sadyang hindi ko ito maabot.
Linga ako ng linga para humanap ng pwedeng mapatungan at ayon may nakita akong isang lamesa.
Pumunta na ako sa kinaroroonan ng lamesa at binuhat ito papunta sa rebulto kung nasaan ang Arkin.
Umakyat ako sa lamesa at kinuha ang Arkin. Pagkakuha ko sa Arkin, nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Parang may sumanib sa akin akin na parang malamig na mainit!!!
Bumalik lang ako sa katinuan ng mapansin kong nabubuhay ang tatlong maliliit na rebulto ng dragon.
Napaatras ako sa tak0t..
"Da...David..." ang natatak0t kong sigaw. Pumasok naman si David at Moises sa loob at kasun0d naman nila ang mga kalaban.
Napahinto ang mga kalaban ng makita nila ang tatlong dragon na bato na unti unting lumalapit sa akin. Tumakbo ang mga kalaban ng makita nila ang mga batong dragon.
"Anong nangyari?" ang tanong ni David sa akin.
" Hindi ko alam. bigla na lang nabuhay yan mga rebulto na yan matapos kong makuha ang Arkin." ang sagot ko naman.
Unti unti nang nakakalapit ang mga batong dragon sa amin. Sumugod na si David sa mga batong dragon pero walang nangyari sa pagsugod niya at lumapit pa ito sa amin. Napaatras kaming tatlo dahil sa takot. Sumugod din si Moises at nagpalabas ng apoy mula sa malaking espada niya pero wala pa rin nangyari.
Patakbo na kaming tatlo palabas ng silid ng napahinto ako. Tumingin sila sa akin.
"Ano pang hinihintay mo d'yan Kelvin! " ang sigaw ni Moises sa akin.
may bumulong sa akin na gamitin ko ang nakuha kung Arkin kanina. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses na yun. Hinarap ko ang tatlong bato na drag0n.
"Arkin!!"ang sigaw ko.
unti unting nagbago ang hawak ko at biglang naging boumeran. Kulay ginto ang boumeran pero magaan lang ito.
Ibinato ko ang boumeran gamit ang lakas ko. Tinamaan ang isang batong dragon at nawasak ito. Bumalik naman ang boumeran sa akin. Ibinato ko ulit ang boumeran sa isa pang batong dragon at katulad ng una nawasak din ito ang muling binato ang boumeran sa ikatlong batong dragon at nawasak din.
Nagulat sina David sa nakita nila at lumapit sa akin.
" Nakasanib na pala ang kapanyarihan sayo ng Arkin na yan sa iyo, Kelvin! " ang sabi ni David sa akin.
" Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ko naman sa kanya.
" Noong ginawa ang mga Arkin, ginamitan din nila ito ng black magic. Dahil sa black magic, pipiliin ng Arkin kung sino ang pwedeng gumamit dito. May naramdaman ka bang kakaiba kanina?" ang tan0ng ni David.
" Meron parang malamig na mainit na ewan basta ganun!" ang naguguluhan kong pahayag sa kanila.
" Ang ibig sabihin ay sumanib na sayo ang kapangyarihan ng Arkin na 'yan" ang tugon naman niya.
"Bakit wala akong naramdaman noong hinawakan ko ang ibinigay ng ama ko na Arkin?" ang tanong ko ulit kay David.
" Ang limang legendary Arkin ay sadyang mapili kung sino man ang pagbibigyan nila ng kapangyarian nila. Dapat may kakaiba sa kung sino man ang may hawak sa kanila. Kung pinili ka na ng Legendary Arkin na gamitin mo ito,makakaramdam ka ng kakaiba at may kunting sakit din. Nalaman ko ito sa isang libro sa foundation noon, " ang sag0t naman niya.
" May mga libro pala tungkol sa mga Arkin? " ang nasabi kp na lang.
" Meron syempre pero nang maghangad ang mga tao ng kapanyarihan noon, naging kumplikado ang buong Mazoria noon kaya nagdesisy0n ang hari na sunugin lahat lahat ng libro at mga sulat na may kinalaman ang Arkin pero may mangilan ilan din ang nakaligtas na mga libro, " ang paliwanag niya.
Lumabas na kami sa Basiica de Sto Ignasio at nagtungo sa tahanan ni David. Pagkadating na pagkadating namin doon ay nagmeryenda kami at umupo sa kahoy na upuan. Habang kumakain kami biglang bumukas ang malaking t.v.
"Kamusta ang mission nyo David?" ang bungad ng boss ni David.
"Hindi naging madali ang pagkuha ng Arkin sir dahil sa mga Hunters at sa patibong na ginawa ng mga sinaunang sayantipiko pero nakuha namin ito at sumanib kay Kelvin ang kapangyarihan ng Arkin sa kanya." ang mahaba niyang paliwanag sa b0ss niya.
" Mabuti naman kung ganun. Maaari mo nang dalhin ang Arkin dito sa foundation para maitago natin, " ang utos ng boss niya.
" Ah, sir pwede po bang gamitin ko na lang muna ito para makatulong din ako sa kanila at hindi maging pabigat pag may mission kami? " ang sabi ko sa boss nila.
Nag-isip sandali ang boss nila at pumayag din sa huli.
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos kumain, dumeretsyo na kami ni Moises sa kwarto namin.
Humiga ako sa kama at si Moises naman ay naghubad. Nagpalit siya ng kanyang mga damit. Habang nasa ganoong siyang pagpapalit ay hindi maiwasan ang mapatitig sa kanyang katawan. Alam kong mali ito pero hindi ko mapigilan.
"Hoy 'yan ka na naman nakatitig ka naman sa katawan ko! " napayuko ako sa hiya ng sabihin nya sa akin yun habang nakangisi.
Eh, sino ba kasing may sabing maghubad na lang bigla sa harapan ko!! "Ang kapal mo din, no. Bakit naman ako tititig diyan eh may katawan naman ako! mas yummy lang sayo! " ang sagot ko..wait wait wait!!nasabi ko bang yummy???
"Yummy? Ok ka din ano!!" ang hindi napigilan tawa niya.
'Yan kasi putik na bibig to!!pahamak!!
" Umalis ka nga sa harapan ko baka kung ano pa magawa ko sayo! " ang utos ko.
" Bakit? ano ba gagawin mo sa maganda kong katawan? "ang tanong niya na sinabayan pa ng isang ngiting nakakatunaw!!
Binato ko na lang siya ng unan. Baka mamatay na ako sa hiya, eh!
Umalis na siya at nagtungo ng banyo para maligo.
Habang nakahiga ako, binuklat ko ang diary ng ama ko.
" Sa isang malalim na parte ng kweba, nakatago ang kayaman ng Mazoria."
Naintriga ako sa nakasulat dito.
Ano naman kayang kayaman ang sinasabi sa diary ng ama ko? Napabuntong hininga na lang ako.
Makatulog na nga! Nakakapagod ang araw na ito!
............................................