When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
EZELLA POV NAGSIMULA na ako sa trabaho kay Cheska at hindi naman ako nahirapan dahil mabait naman siya at pala-kwento pa. Nalaman kong eighteen lang ang edad niya kagaya ko pero nagpapatakbo na siya ng malaking negosyo at kung saan-saan na rin nakakapunta. Anak din talaga si Cheska ng mayaman at unica-iha pa kaya mag-isang magmamana ng isang malaking kompanya. "Grabe! Sobrang yaman mo pala? Ang laki nitong bahay na tinutuluyan mo rito," humahangang bulalas ko habang pinagmamasdan ang malaki at magarang bahay ni Cheska. "Hindi naman sobra, tama lang." Umupo si Cheska sa sofa,"upo ka na muna," alok niya sa akin. "Paano mo naging pinsan si Zin? Malayo ba kayong magkamag-anak?" tanong ko kay Cheska nang makaupo na rin ako sa malambot na sofa niya. "No. Rodney is my first cousin at magkap