EZELLA POV
HINDI na kami ulit nag-usap ni Zion dahil hindi na siya pumupunta banda sa amin at kahit si Angelo ay ganoon din. Nagtanong pa nga sina Papang at Mamang sa kanya kaya sinabi ko na lang ang pinlano kong idahilan sa kanila at kita ko ang panghihinayang sa mga mukha nila. Mukhang kahit hindi pa nila ganoon kakilala ang taong iyon ay mukhang nagustuhan na nila si Zion kaagad.
"Seryoso Ate Ellay, inayawan ka kaagad ni kuya Zin?" tanong ni Ezrah sa akin nang nasa kwarto kami kasama si Amihan.
"Hindi naman kasi talaga nanliligaw si Zion sa akin, eh, nagloloko lang itong si Angelo tapos seneryoso naman nina Mamang at Papang," totoong paliwanag ko kay Ezrah at Amihan.
"Sabi ko na nga ba, eh, kasi alam mo, Ate Ellay, nakakataka talaga na ligawan ka ni Kuya Zin, sa gwapo niyang iyon?" sabat naman ni Amihan.
Napatingin kaagad ako sa sinabi ni Amihan, medyo nakakainsulto kasi ang sinabi niya.
"Sa sinasabi mo ay parang panget ako?" gulat na tanong ko kay Amihan.
"Hindi naman kaso para laang ang layo natin sa magugustuhan ni Zin. Oo, makinis ang balat mo, maputi ka at kahit paano may ganda naman, eh, kaso napaka-simple mo laang."
Napatango naman ako sa sinabi ni Amihan. Tama naman kasi siya, sa itsura at pananamit ni Zion ay hindi nababagay ang tulad ko sa kanya.
"Pero, Ate, kung si Kuya Zin naman ang makakatuluyan mo ay magkakalahi na sana tayo ng magaganda. Aba, eh, sayang din naman!" sabi naman ni Ezrah.
"Tumigil ka nga, Ez! Kabata-bata pa natin para sa pag-aasawa 'no! At mas maganda ay makapagtapos muna tayo ng pag-aaral bago pag-aasawa," tutol ko naman sa sinabi ni Ezrah.
"Kaso, Ate, sa hirap ng buhay natin hindi na tayo makakapag-Kolehiyo pa," tugon ni Amihan
"Magsisikap ako para makapag-Kolehiyo at kapag naka-graduate na ako at nakahanap ng magandang trabaho ay kayo naman papaaralin ko," desididong sabi ko.
"Talaga, Ate? Sige, magsisikap din ako at tutulungan kita sa pag-aaral mo."
Napangiti naman ako sa tinuran ni Amihan at kahit pinsan ko lang siya ay parang kapatid ko na rin siya dahil dito na rin siya lumaki kina Mamang at Papang. Iniwan ng kanyang Nanay noong sanggol pa lang at hindi na binalikan. Ang Tatay naman niya ay ang anak nina Mamang at Papang na nagkaroon na rin ng sariling pamilya at nasa ibang lugar na at hindi na rin pa naisipang gawin ang responsibilidad niya para sa anak na si Amihan.
ZION POV
MADALING-araw nang magising kami ni Angelo, sa totoo lang nahihirapan akong gumising nang ganoong kaaga dahil hindi naman talaga ako sanay pero kinakaya ko lalo pa't kailangan para may maitulong naman ako kina Angelo at hindi maging masyadong pabigat.
"Kaya mo pa ba, Zin?" nag-aalalang tanong sa akin ni Angelo.
"Oo naman. Nasasanay na nga ako. Pang-apat na beses ko ba naman na pangingisda 'to."
Nginitian ko si Angelo.
"Hayaan mo at tatanungin ko si Tiyong Abril. Baka maisingit ka sa pabrikang pinagtatrabahuan niya," sabi pa niya.
"Sige, kahit anong trabaho ay tatanggapin ko." tugon ko habang papalakad na kami patungong dagat.
Nang makarating kami sa dagat kaagad kaming sumakay sa bangka ng Tatay ni Angelo na nasa Maynila naman at driver namin. May kasama kaming mga pinsan ni Angelo na nangingisda rin na sanay na sanay na sa ganoong trabaho at sila rin ang nagtuturo sa akin kung paano ang tamang pangingisda maliban kay Angelo.
Pagsapit ng alas-sais ay nakapangisda na kami at madami-dami ang nahuli namin ngayon dahil hindi bilog ang buwan. Iyon kasi ang paniniwala ng mga mangingisda rito na kapag nilog daw ang buwan ay konti lang ang mahuhuling isda at kapag hindi ay marami silang nakukuha at ngayon ay senwerte kami na hindi bilog ang buwan. Nang bumalik na kami sa pangpang aglapag pa lang ng bangka ay nakaabang na ang mga mamimili ng sariwang isda.
"Zin, si Zellay, oh! Mukhang mamimili rin 'ata ng isda," nakangising sabi sa akin ni Angelo.
Kaagad namang hinanap ng mga mata ko ang dalaga at nakita ko siyang nakatayo lang at may dalang basket.
Nag-aantay siguro si Ezella na maubos ang mga nagkakagulong mamimili nang hindi siya maipit bago lumapit sa bangka at mamili.
Napangiti ako at napatitig ako sa maliit na mukha niya. Ilang-araw na ring hindi ko siya nakikita at ewan ko ba kung bakit parang na-miss ko siya. Gusto ko talaga siyang maging kaibigan pero hindi ko maitindihan kung bakit parang umiiwas siya sa akin.
Napansin kong paubos na ang mga isda sa bangka namin kaya kaagad akong nagtabi ng para kay Ezella dahil hindi pa rin siya kumikilos sa kinatatayuan niya at kaagad akong bumaba sa bangka at nilapitan siya. Nakita ko naman ang pagbilog ng mga mata niya nang mapansin ako at nang makalapit ako sa kanya ay kinuha ko ang basket na hawak niya saka pinasok doon ang isda.
"Mauubusan ka na, nakatunganga ka pa rin diyan," sabi ko sa kanya.
"Ha! Eh, kasi ang tagal maubos ng tao. Ayokong masiksik baka maipit ako pero salamat dito," tugon niya sa akin, "magkano ba lahat?" tanong pa niya pero hindi ko siya tinugunan at nakatitig lang ako sa magandang mukha niya.
"Ito na ang bayad ko." Inabot ang pera sa akin pambayad at doon ako natauhan at napatingin sa perang inaabot ni Ezella sa akin.
"Huwag mo ng bayaran. Ako naman nanghuli niyan kaya libre ko na sa'yo," tanggi ko.
Namilog na naman ang mga mata ni Ezella. Gusto kong mangiti sa reaksiyon niya pero nagpipigil lang ako.
"Nangingisda ka na?" gulat na tanong niya sa akin.
"Oo. Kaya 'wag mo ng bayaran."
"Hindi pwede! Pinaghirapan mo 'yan tapos ibibigay mo" tanggi ni Ezella. "oh, tanggapin mo na."
Iniabot pa rin niya ang pera pero hindi ko pa rin tinatanggap.
"'Huwag na nga." Hinawakan ko ang kamay niya at binaba ko ito sa pag-abot niya sa pera.
"Salamat," sabi niya sa akin.
"Kumusta ka na?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Ah eh, mabuti naman," tugon niya, "ikaw? Hindi ka ba nahihirapang mangisda?" tanong din niya sa akin.
"Medyo. Pero kaya naman."
"Nakakatuwa ka," nakangiting sabi ni Ezella.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Iyong iba kasing kabinataan dito ay nagpupunta ng siyudad para hindi maranasan ang pangingisda. Pero ikaw na galing ng Maynila ay pumunta rito at nangingisda pa. Ang hirap kaya mangisda lalo na sa tulad mong mukhang hindi naman sanay. "
Napangiti naman ako. "Kahit paano ay nakakasanayan ko na. Pero talagang sa umpisa nahirapan ako lalo sa paggising ng madaling-araw."
"Pero kinaya mo. Nakakabilib ka."
Napangiti na naman ako sa sinabi niya at ewan ko ba kung bakit parang pinapataba ng mga sinasabi niya ang puso ko. Iyon kasi ang unang babaeng bumilib sa akin nang ganito sa mga nagawa ko maliban sa Mama ko. Ang mga kakilala ko kasi ay tanging ang estado ng buhay ko at itsura ko lang ang alam kong kinabibiliban nila at humahanga dahil sa nakakaangat kong pamumuhay.
"Thank you," nakangiting tugon ko.
"Thank you rin sa isda," pasasalamat din niya, "sige na at may lakad pa ako mamaya," paalam niya sa akin.
Tumalikod na si Ezella at lalakad na sana paalis nang tumikhim ako kaya napalingon ulit siya sa akin na may nagtatanong na mga mata.
"Saan ka pupunta? Pwede ba akong sumama?" kaagad kong tanong kay Ezella.
"Ha?" gulat na tugon ni Ezella.
"Sige na. Hindi ako magpapakita sa Mamang at Papang mo na magkasama tayo. Wala kasi akong ibang kaibigan dito, eh, ikaw lang tapos ayaw mo pa akong kaibiganin."
Matiim niya akong tinitigan. Kinabahan tuloy ako bigla at hindi ko maintindihan kung bakit ko naramdaman iyon.
"Sige. Magkita na lang tayo sa may highway. Pasalamat ka nilibre mo ako ngayon sa isda kung hindi ay malabo kitang isama." Napatigil siya sa pagsasalita at napaisip, "kaso baka naman ma-boring ka sa pupuntahan ko?"
"Saan ka ba pupunta?" tanong ko.
"Sa birthday party. Narentahan kaming kumanta doon at isang children's party iyon ng Barangay captain namin. Isa sa mga raket ko," tugon niya.
"Really? I think I will enjoy accompanying you and your band. Isa pa, new experience rin ito. Ang pumunta sa children's party," excited na tugon ko.
"Sige. Aalis na ako at magluluto pa kasi ako ng agahan. Kita tayo sa highway ng two pm."
"Sige." Saka tuluyang ng umalis si Ezella.
Nakadama ako bigla ng excitement. Hindi dahil makakapunta ako sa children's party na first time ko talagang mararanasan kundi dahil makakasama ko na naman si Ezella sa buong maghapon na ito. Hindi ko alam pero simula nang makilala ko si Ezella ay gusto ko na siyang laging makasama at makilala pa nang lubusan.
"Makangiti ka diyan, ah, ligayang-ligaya," narinig kong tudyo sa akin ni Angelo.
"Shut up!" Kunwari sinimangutan kong panunungit kay Angelo.
"I smell love is in the air," ngingisi-ngisi pang sabi ni Angelo at naglakad na paalis.
Napangiti lang ako at sinundan na siya sa paglalakad. Uuwi na kami dahil nabenta na lahat ng isda namin. Masaya ako ngayon dahil nakabenta na naman kami ni Angelo ng maraming isda at mas masaya ako dahil nagkausap kami ni Ezella at pumayag siyang isama ako sa pupuntahan niya.
NAGULAT ako sa itsura ni Ezella nang makita ko siya sa highway na pagkikitaan namin. May dala si Ezella na gitara kagaya ng dati pero ang suot niya ay hindi ang nakasanayan kong sinusuot niya.
Lagi kasing naka-T-shirt at maluwag na short si Ezella pero ngayon ay nabago at naka-floral dress siya na hanggang tuhod at ang buhok niya ay nakalugay pa.
May headband lang siya na polka dots, naka-doll shoes din na pink at may konting takong pa.
"Hoy! Makatitig ka diyan? Baka matunaw ako!" sita ni Ezella sa akin.
"Nanibago lang ako," tugon ko.
"Nahiya tuloy ako bigla. Kasi sabi ni kapitan mag-ayos daw ako kasi pangbatang party ang tutugtugan namin at pati iyong kantang kakantahin ko para rin sa bata, eh, kaya ito sinuot ko. Nanghiram pa nga ako kay Ezrah ng damit para sa party na iyon."
Namumula ang mukha ni Ezella na lalong ikinaganda niya.
" Ang pangit ba? Sabihin mo iyong totoo kasi babatukan kita kapag nagsinungaling ka!" banta pa niya sa akin.
"You look pretty. Bagay pala sa'yo ang ganyang outfit. Bakit ngayon mo lang naisipang magsuot ng ganyan?"
Napayuko na si Ezella sa sobrang hiya.
"Niloloko mo lang 'ata ako, eh. Ako maganda?" hindi naniniwalang tanong ni Ezella sa akin.
"Oo nga. You look pretty in that dress," nakangiting tugon ko. Hindi na siya nagsalita, "akin na nga iyang dala mo. Hindi bagay sa magandang dalaga na tulad mo ang may dala-dalang ganito kalaki na gitara. Sayang dress mo." Kinuha ko ang gitara at ako na nagdala, "ano tara na?" aya ko sa kanya
"Tara," tugon niya.
Malaking bahay ang pinuntahan namin ni Ezella. Malaki para sa natural na bahay dito sa probinsiyang ito pero hindi naman kasing-laki ng bahay namin sa Maynila at masasabi mong may masaganang buhay ang nagma-may ari ng tahanang ito. Nakabukas ang gate kaya pumasok na kami doon at marami na ring tao at mga bata na halos lahat yata ay nakatingin sa akin.
"Oh, nandito na pala si Ezie," narinig kong sabi ng kabanda niya at hinila na ako ni Ezella palapit sa mga kabanda niya.
Tatlong lalaki sila at mga floral din ang suot na polo kaya lalo tuloy nakita ang kulay ng mga lalaking ito dahil sa suot.
"Uy! Mga 'tol, nagmukha kayong olikba diyan sa mga suot niyo, ha," bati kaagad ni Ezella.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang lalo pa't napasimangot ang tatlong lalaking kabanda ni Ezella.
"Kasi naman, eh! Ganito raw suutin namin sabi ni kapitan. Kung hindi lang pagkakaperahan ito ay hindi ako magsusuot ng ganito! reklamo ng isa sa kanila.
"Hayaan mo na dahil napasubo na rin naman tayo. Mga 'tol, si Zin nga pala siya iyong kasama ko noon sa bar na pinag-gig-an natin last week. Bagong tropa ko siya."
Lumingon sa akin si Ezella na nakangiti pa.
"Zin sila si Arturo, Loki at Bernard mga tropa at kabanda ko rin," pakilala sa akin ni Ezella sa mga kaibigan niya habang tinuro niya isa-isa habang pinapakilala.
Nakita ko naman na ang mga ito sa bar noong unang sinama ako ni Ezella pero hind pa naipakilala. Ngayon pa lang talaga.
"Hello 'tol!" halos sabay na sabi ng tatlo.
"Tutulungan niya nga pala tayo. 'Di ba Zin?" Napatingin ako sa nakangiting si Ezella na nagtataka rin sa sinasabi niya.
"Ha! Ah, oo!" nabiglang ayon ko.
"Ano naman gagawin niya?" tanong ni Bernard.
"Siya ang magiging emcee ng party na ito," kaagad na tugon ni Ezella na ikinalaki ng mga mata ko.
"Ano?" gulat na bulalas ko.
Hindi ko kasi ini-expect na iyon ang itutulong ko na tinutukoy ni Ezella, Hindi pa naman ako sanay mag-emcee sa kahit anong party.
"Omo-o ka na kaya wala ng bawian," tugon sa akin ni Ezella.
Hinila ako ni Ezella para kausapin malayo sa mga kabanda niya.
"Pero hindi ako sanay mag-emcee sa isang party. Anong gagawin ko?" tanong ko kay Ezella.
"Ganito lang, i-introduce mo lang kami tapos babatiin mo na rin iyong birthday celebrant. Ito, oh, my script ako." Inabot sa akin ang isang papel, "sige na Zin, promise, may komisyon ka rito. Hahatian ka namin," nakikiusap na sabi ni Ezella sa akin.
Napabuntonghininga ako. "Sige. Pero ayokong pera ang kabayaran."
"Ha! Eh, ano?" takang tanong niya sa akin.
"Basta. We will talk the p*****t after the party. Let's start our work for now," tugon ko.
"Sige," ayon niya.
Binasa ko ang script na binigay sa akin ni Ezella at pinag-aralan. Pinagpawisan tuloy ako bigla dahil first time ko itong gagawin.
Noong nasa Maynila ako ay hindi naman ako dumadalo sa mga party na dinadaluhan ng parents ko kahit pa ang mga bussiness party ni Papa o birthday party man ng mga kaibigan ni Papa ay hindi ako pumupunta at kung nagpa-party man ako ay lagi iyon sa mga bar with my friends at ilang mga naka-flirt ko.
Pero ang ganitong party na ako pa ang mag-e-emcee? This is really my first time and it's because of Ezella?
Sabagay, first time ko rin namang sumunod sa isang babae maliban sa Nanay ko. Ewan ko ba, bakit napapayag ako ng babaeng ito?
Nang nasa harap na ako ng mga bata at parents nila ay napatingin ako kay Ezella. Iginuhit niya ang dalawang kamay niya pangiti sa labi niya at ngumiti siya sa akin na sinasabing ngumiti raw ako kaya napangiti naman ako.
"You can do this, Zion! Pinasok mo na ito, eh, umo-o ka na kaya gawin mo na lang at dapat ma-impress mo si Zella at dapat mapahanga mo siya sa'yo." pagpapalakas niya sa loob niya.
"Mapa-empress? Mapahanga? What the hell! Why am I doing that for her?" iglang tanong ko rin sa sarili ko nang maisip ang sinasabi ko kanina.