Nagising akong nag-iisa na lamang sa kama. Dahan-dahan akong bumangon ngunit kaagad akong napasapo sa aking noo nang maramdaman ko ang pananakit nito. Napansin kong may suot na akong puting polo shirt at boxer. Dahan-dahan akong kumilos patungo sa gilid ng kama nang mapansin ko ang isang bungkos ng pera sa aking tabi. Napanganga ako at mabilis na dinampot ang lilibuhing bungkos ng pera. "Diyos ko, ang dami naman nito. Siguradong kay Charles ito. Bakit nandito 'to? Parang wala pa naman ito dito kagabi ah." Dinangkal ko ito gamit ang aking mga daliri at umabot ito ng halos isang dangkal. "Charles, nakakalat dito ang pera mo," malakas kong saad. Tuluyan na akong bumaba ng kama. Sinilip ko siya sa loob ng banyo kahit iika-ika ako dahil nararamdaman ko pa rin ang pananakit ng aking kase