Chapter 34

2366 Words

Uriel’s POV Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Fifth. Naawa ako bigla sa reyna ko. Naiipit siya sa amin ng mga kapatid niya. “Masaya ka na?” Inalis ko ang tingin kay Fifth at napalingon pabalik sa kakambal niyang si Thirdy. “Anong pinagsasabi mo?” Inis na sita ko sa kanya. “Ito naman ang gutso mo diba? Ang sumama ang loob ni Fifth sa aming mga kapatid niya para wala ng hahadlang sa iyong harutin siya-” “Wow! Akala mo kung sino kang santo!” Sigaw ko sa kanya. “Kesa naman sayo! Mapagpanggap!” Galit na saad niya sa akin. “Mapanghusga! Ang kitid-kitid ng utak mo!” Muli ay sigaw ko sa kanya. Muli ay pinigilan kami ng mga kaibigan namin ng sinubukang sugurin muli ako si Thirdy at dahil bwisit na bwisit na rin ako sa kanya at naubos na rin niya pasensya ko ay hindi ko siya inurunga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD