Uriel Spencer Ferrer's Point of view Tila para pa rin akong nakalutang sa alapaap sa lahat ng nangyari sa amin sa isang gabi pa lang. Paano pa kaya sa pagdaan pa ng mga gabi? Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapagtimpi hangga’t kaya ko pang magpigil ay pinipigilan ko ang sarili. Mas masarap pa ring angkinin siya na alam niyo pareho na mahal niyo ang isa’t-isa dahil ngayon hindi pa ako nakakasiguro kung may nararamdaman nga siya para sa akin, kung dahil lang ba ito sa epekto ng alak na iniinom naming dalawa o kaya’y naninibago siya sa mga ginagawa ko sa katawan niya, curiosity kung baga. Nakatalikod siya sa aking gawi habang yakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. Ang himbing na ng tulog niya. Ang sarap sa pakiramdam ngayong katabi ko siya sa iisang kama, habang nakaunan siy