bc

His Guardian Angel

book_age12+
431
FOLLOW
1.1K
READ
tragedy
heavy
lighthearted
mystery
like
intro-logo
Blurb

Thunder grew up in a pandemonium, where he lived in a street and no particular residence. He even experienced how to steal money or anything that he needs. Few years ago, his parents and two younger brother and sister died in a m******e incident. In order for him to became wreckless and brave person, he was able to investigate while he was ten and promised to give his deceased family a right justice.

No one could believe on him aside of himself. He also believe that destiny is a matter of choice. But when he met Angela, it was the most remarkable moment in his life. And apparently, all of the minor incident that he encountered would become fantastical.

Hindi niya lubos akalain na sa paulit-ulit na insidenteng kanyang kinasasangkutan, ay paulit-ulit din na maililigtas ang kanyang buhay. At kahit masakit para kay Angela ang kanyang buhay na nakasanayan ay patuloy niya pa rin na iniintindi si Thunder. And eventually, Thunder would realize what Angela's real purpose why all tragic becames romantic.. it is because, Angela is an Angel.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Downfall Medium
ON A WIDE CITY of Payatas that is known for it's designation as, "Brgy. Matugbok, Sitio Lawis." There is a man named Thunder who grew up in a pandemonium. Magulo ang buhay na pinili niya at kung maghahangad ka lang din naman ng ideal boyfriend, ay hindi mo 'yon mahahanap sa kanya. Likas na kasi kay Thunder ang pumasok sa kahit na anong g**o, at kung minsan pa nga ay muntikan nang mapahamak ang buhay niya. Sa tagal niyang nanirahan sa kalye ay nagkaroon naman siya ng mga kaibigan, subalit ang mga ito ay hindi nalalayo sa pagkatao niya-- laking kalye at sanay sa pagnanakaw o kung ano mang krimen. Kaya nilang pumatay kung saka-sakali hangga't kaya nilang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Pero si Thunder, kailanma'y hindi niya sinubukang humawak ng dahas para makipagsakitan, para sa kanya ay sapat na ang kanyang matikas na pangangatawan at matibay na kamao para sa kung ano mang laban. "Ikaw? Ilabas mo 'yan! Kung "di, makukulong ka talaga!" Nakaramdam ng kaba si Thunder nang sandaling nakatutok na sa kaibigan niya ang batuta ng isang security guard. Nahuli kasi sila sa aktong kumukuha ng items sa grocery store. At kung minamalas nga naman ay pang-ilang beses na itong nangyayari sa kanila. Agad naman inilabas ng kaibigan niyang si Zander ang kinuha nitong tatlong pirasong cookies at nasa latang soft drinks. Nasa labing siyam na taong gulang na rin ito kagaya niya at sa kanilang tatlo ay ito ang pinakamagaling magnakaw. Sandaling nagkatinginan ang magkakaibigan at bago pa man tuluyang makuha ng security guard ang mga item ay mabilis nila itong pinagsusuntok sa panga, sa dibdib at sa tiyan. Doon sila nakahanap ng tsempo para makatakbo habang nag-iingit ito sa sakit. Mabilis ang pagtakbo nila na tila isang motorsiklo. Hindi na sila nahabol ng guard kaya labis ang inis nito dahil sa kanya maibabawas ang sahod nang nakuhang item. Pagkarating nila sa tinutuluyang abandonadong bahay ay doon lamang nila naramdaman ang pagod. "Shete, muntikan na tayo roon, a?" sabi ni Zander. Habang si Thunder naman ay sinisimulan nang buksan ang biscuit na cookies. "Oy, Thunder, gutom na gutom lang?" puna sa kanya ni Felix. Natawa naman si Thunder at saka ibinato sa dalawa ang natitirang pagkain maging ang soft drinks na nasa lata. "Kumain na nga kayo, hindi pa tayo nag-aalmusal, isipin ni'yo nga," malumanay niyang pagkakasabi. "Bakit ba kasi hindi mo gamitin ang itsura mong 'yan para sa babae, malay mo.. maperahan mo pa 'di ba, lix?" sabi ni Zander. Nagpapadyak pa ito sa katuwaan nang sang-ayunan ito ni Felix. At bigla na lamang itong natigilan nang matamaan ng ibinatong lata ng softdrinks ni Thunder sa kanya. "f**k you! Ikaw na lang kaya, hindi ko gugustuhing manakit ng babae, kahit loko-loko ako 'no." Natahimik ang dalawa at sinundan siya ng tingin pagkatayo niya pa lamang. Wala naman kasing kwenta ang abandonadong bahay na iyon dahil wala roong kagamit-gamit, maliban na lang sa marupok ng mga upuan na hindi na ginagamit. Paminsan-minsan ay dito sila nag-iinuman at kung saan-saan sila tumutuloy para magpahinga, dahil na rin sa mga krimeng kinasasangkutan nila. Habang nagpapahangin si Thunder sa may labas ay hindi niya maiwasang isipin ang kanyang pagkabata. Kung saan ay masaya niyang kasama ang kanyang buong pamilya, pero ngayon, wala na.. wala na ang lahat ng 'yon na parang isang iglap. Muli na naman pumatak ang kanyang luha nang makita niya sa kanyang sariling imahinasyon ang itsura ng kanyang ama, ina at dalawang kapatid na duguan dahil pinagtatadtad ng saksak sa katawan. Naisip niya na lang na sana ay namatay na lang din siya, para hindi sana naging ganito ang kinahinatnan ng buhay niya. Hindi niya nga rin lubos akalain kung paano siya naka-survive sa m******e na 'yon. Nakakakilabot at sadyang masalimuot ang dinanas ng pamilya niya. Kaya hindi niya na gugustuhing may manakit pa sa kanya, dahil kahit saang laban ay handa siyang makipagpatayan. - Naalarma siya nang may marinig na kung anong ugong ng sasakyan at huli na nang mapag-alaman niyang naroon na ang mga pulis at pinaghahanap sila. Nakita niya rin ang security guard na sumita sa kanila kaya bago pa man siya makita ng mga ito ay mabilis siyang nakapasok sa loob upang ipaalam sa mga kaibigan. "Kailangan na nating umalis," kalmado pero kinakabahang aniya. Heto na naman kasi sila sa pagtatago, habambuhay na yata ang pagtatago nila. Kaya walang anu-ano't tinahak nila ang daan palabas upang umakyat sa puno kung saan ay makakatawid sila papunta sa bubong. Mabilis naman silang nakaakyat sa bubong habang pinagmamasdan ang mga pulis. Subalit, maingat lamang ang kanilang pagtapak doon dahil magdudulot iyon ng ingay. Napapapikit na sila sa kaba at kung anong pagpipigil na 'wag magdulot ng ingay nang makita na sinubukang halughugin ng mga pulis ang abandonadong bahay na tinuluyan nila, marahil ay may nakakita sa kanila at doon sila itinuro. "Wala sila rito!" Narinig nilang sigaw ng isang pulis. "Niloloko ba tayo ng mga taga-rito? Sinabi nilang dito raw nila huling nakita ang tatlo, e," sabi ng isang pulis. Paalis na sana ang mga ito nang matunugan nila ang pagkaluskos sa may bubong. Aksidente kasing na-out of balance sa kinauupuan si Felix. "Sandali, ano 'yon?" Narinig muli nilang tanong ng pulis at bago pa man ito sumilip sa may taas ay nakaisip na ng plano si Thunder. "Meow, meow," huni ni Thunder. "Ay, pusa lang pala! Halika na," pang-aaya ng pulis sa kasama niya. Hindi naman maiwasang mapahagikhik ng tatlo sa kalokohang pinaggagawa nila. Nang makita nila na wala na ang mga pulis ay doon lang sila bumaba at tumakbo sa kung saan. "Nakakahingal na ang takbo nang takbo, a," ani Zander. "Ano bang gusto mo? Ang tumakbo nang tumakbo o ang mabulok sa kulungan?" tanong ni Thunder na ikinangiwi ng kaibigan. "Teka, doon na muna tayo," dagdag pa niya habang itinuturo ang isang bakanteng lote. Malapit naman doon ang nagtitinda ng fishball kung kaya't nakadama na naman sila ng gutom. "Bakit ba hindi na lang tayo magtrabaho, para makakain?" usisa ni Felix na ikinalingon nilang dalawa. "Ayaw ko, wala akong pang-requirements, 'ni pagbasa nga ng liham ay hirap pa ako, e!" pag-angal pa ni Zander. "Hindi nasusukat ng talino ang pagtatrabaho, kung may tiyaga ka, kayang-kaya mong kumita kahit na wala kang pinag-aralan," panimula ni Thunder na ikinatahimik nila. "Tingnan ni'yo si manong na nagtitinda ng fish ball, simple lang ang kabuhayan niya pero naitataguyod niya naman siguro ang pamilya niya. Mas maayos pa nga ang suot niyang damit kaysa sa atin.." pagpapaliwanag pa niya. "Kung ganoon ay nais mo na bang iwanan ang grupo at magbagong buhay?" tanong ni Zander. "Hindi ko rin masabi, sa sitwasyon kasi natin ay sadyang mahirap bago makakain. Pero kahit hindi naman tayo magtrabaho ay p'wedeng masolusyunan ang ating gutom, e." Napaisip ang dalawa sa sinabi ni Thunder. "Teka, anong gagawin mo?" tanong kaagad ni Felix nang sandaling tumayo siya at lumapit kay manong na nagtitinda ng fishball. Ang mga mata nila'y nagtataka nang sandaling kausapin ni Thunder ang matanda. "Ah, manong.. maaari ko po ba kayong matulungang magbenta? Hindi pa po kasi kami kumakain ng mga kaibigan ko.." panimula niya. "Hay naku, hijo, kahit ako na lang dito ay makakabenta pa rin naman ako at isa pa.. bakit ba hindi kayo magtrabaho para makakain kayo.." malumanay na sagot nito. Pero sa halip na pakinggan 'yon ni Thunder ay hindi siya nagdalawang isip sa pinaplano niya. Nilakasan niya ang kanyang loob para magbakla-baklaan. "Mga ate at mga kuya, bili na po kayo ng fishball ni kuya! Masarap, malasa at malinamnam ang sauce niya, kaya bili na!" aniya na may halo pang kembot. Kaya hindi naman maiwasan maaliw ng ibang dumadaan at napapabili talaga. "Ang gwapo naman ng baklang 'yan! Sayang naman!" Narinig pa niyag sabi ng ilang estudyante roon. "Manong, magkano po sa fishball?" Naririnig niya pa ring boses ng mga customer habang patuloy pa rin siya sa ginagawa habang ang mga kaibigan niya naman ay tawa nang tawa sa ginagawa niya. Ilang minuto pa ang lumipas at biglang naubos ang paninda ng matanda kaya labis ang saya nito nang tawagin siya nito. "Hijo, maraming salamat sa'yo, at bilang pasasalamat ay tanggapin mo ito." Nakita niyang iniabot nito sa kanya ang isang daang piso at para sa kanya ay napakalaki na no'n. "Maraming salamat, kuya! Makakakain na po kami ng mga kaibigan ko!" naluluhang aniya. "Naku, mababa pa nga 'yan dahil sa mahal ng mga bilihin ngayon.. pagpasensyahan mo na dahil may pamilya rin akong binubuhay, pero maraming salamat, nawa'y makatulong ka pa sa iba dahil sa tingin ko ay may dala kang swerte," anito na nagbigay ng palaisipan sa kanya. "Nice, der! Ang galing mong gumiling ah! Ipangkain na natin 'yan!" ani Zander na nakabukas na ang palad sa kanya. "Anong ipangkain? Sandali, may naisip ako para lumago pa 'to," aniya na nakapagpatahimik sa dalawa. "Mag-a-apply tayong dishwasher sa kabilang bayan," ideya niya. "Ano?! Nahihibang ka na ba? E, wanted na nga tayo roon 'di ba? Sa tingin mo ba ay may tatanggap pa sa atin?" katwiran ni Felix. "Hindi, may naisip ako. P'wede ba kasing patapusin ni'yo na muna ako?" Natahimik ang dalawa habang hinihintay ang sasabihin niya. "P'wede tayong magsuot ng wig bilang pagbabalat kayo." "Saan naman tayo makakahanap no'n? Sa may mga mall lang ang alam kong may ganoon, e," ani Zander. "Gagawa ako ng paraan, relax," kalmadong sabi ni Thunder. Hindi niya alam kung magiging matagumpay ang pinaplano niya pero nais na niyang magbagong buhay alang-alang sa hustisya ng kanyang magulang at mga kapatid. Nais niyang hanapin ang pumatay sa pamilya niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook