JASMINE ILANG araw na ang nakalipas mula ng barilin ni Xander si Er. Ngunit ang nakapagtataka ay hindi man lang ito nagsampa ng kaso. Kahit ilang beses ng bumabalik ang mga pulis sa kinaroroonan ospital ay hindi talaga nagbigay ng kahit anong isasalaysay. “Ilang araw ka ng walang imik, Er. Galit ka pa ba sa kaibigan mo?” “Hindi mo maalis sa akin na magalit nakita mo naman ang ginawa niya sa akin ‘di ba?” “Yes, pero bakit wala kang ginawa samantalang ilang beses na pabalik balik dito ang mga pulis?” “Para saan pa ay wala ng magbabago. Isa pa ay bibigyan ko lang ng kasiyahan si Congressman. Alam mo naman na matindi ang galit sa amin ng matandang yon.” Hindi siya nakasagot tama naman si Er, isa pa ay lalo lang lalaki ang gulo kapag kumalat ang isyu. Sigurado lilitaw ang mga taong mahilig