JASMINE POV. ILANG araw akong nilagnat pero hindi matatawaran ang kaligayahang tinatamasa ko ngayon. Damang dama ko kung gaano ako pinahahalagahan ni Xander. At ipinalasap din niya sa akin ang kasiyahan na hindi ko pa kailanman naranasan. Sa piling niya ay wala na akong mahihiling pa at dama ko rin ang kakuntentohan. Kaya ang dapat na tatlong araw lang namin sa Paris ay umabot ng isang linggo. Ngayon ay pauwi kami at idadaan lang nila ako sa bahay. Pagkatapos ay tutuloy na sila ng uwi sa bansang Pilipinas. “Tahimik yata ang sweetheart ko?” Wika niya sa aking taenga habang hinahaplos ang aking buhok. “Ang bilis naman kasi ang mga araw ngayon ay uuwi na kayo ng Pilipinas. Kailan mo na naman ako bibisitahin dito?” “Basta may free time ako ay pupuntahan agad kita dito kaya ang mga bilin