CHAPTER 4

1101 Words
CHAPTER 4 NAIRO's P.O.V "Huy par tara na?" Sabi ni Chleo saka kinaway ang kamay nya sa mukha ko. Narealize kong ang lalim na pala ng iniisip ko. At dahil maagang natapos ang klase namin ay naisipan kong tawagan ang pinsan kong lalaking si Dem. "Mauna kana Chleo. M-may pupuntahan lang ako sa labas ng school." Sabi ko sa kanya. Taka namang tumingin sakin si Chleo at nang makita kong ngumiti sya ay parang nagbago ang anyo nya sa paningin ko! Para syang nilagyan ng wig na mahabang buhok at nagmukhang babae at nanunudyong hahalikan ako kaya napasigaw ako. "Huy ano ba yan! Ba't sumisigaw ka? Binabangungot kaba ng gising?" Asar ni Chleo sakin. "Oo binabangungot na yata ko!" Sabi ko sakanya saka ko tumakbo palabas ng school at saka dumiretso sa parking lot di-nial ko ang number ni Dem at sinagot naman nito yung tawag ko. "Insan! Pwede bang makausap ka sa personal? Magkita tayo ngayon may problema ako sobrang laki!" Sabi ko sa kanya. ("Bakit insan? May sakit ka ba?") Sabi ni Dem sa kabilang linya. Isa kasi syang psychiatrist kaya naisip kong tawagan sya. "Mukhang meron pinsan! Parang malala na nga eh." Sabi ko sa kanya. ("Sige insan magkita tayo sa Sweet Cafe,")  Sabi niya saka binaba ang tawag. Nagmaneho na ko papuntang Sweet Cafe at nang makarating dun ay nakita kong nakaformal attire si Dem mukhang kakagaling lang nitong trabaho. Nagbro hug kami saka kami naupo ng magkaharap. "Now tell me, ano bang sakit yan?" Sabi ni Dem. Nagaalinlangan akong sabihin sa kanya. "Wag mo kong pagtatawanan ah!" Sabi ko sa kanya. Tumango lang sya at humigop ng kape saka ko nagsimulang magsalita ulit. "Insan? Natural lang ba na magreact ang little Nairo ko sa kapwa ko lalaki?" Seryosong sabi ko sakanya. Nagulat ako ng ibuga nya sakin yung kapeng iniinom nya! "What the hell?! Seryoso insan?!" Sabi nya. Napatingin ako ng masama sakanya. "Bat moko binugahan?!" Inis na sabi ko sakanya. Nakita kong nagpigil sya nang tawa nya. "Sorry nagulat kasi ako sa confession mo pero seryoso nga insan?!" Sabi niya huminga ko nang malalim saka tumango. "Wadapak! Insan hindi na normal yan! Pakiramdam ko di rin sakit yan! Baka bakla kana insan!" Nanunudyong sabi nya kaya binatukan ko sya! "Hindi ako bakla! Actually may kinalolokohan nga kong babae eh! Kaso natatakot na ko insan! Pakiramdam ko lumala na yata sakit ko!" Sabi ko sakanya. "Paanong lumalala na? Saka sino ba yang lalaking tinutukoy mo?" Seryosong sabi nya. "You Chleo Asmera right? Sya ang tinutukoy ko! Aksidenteng pareho kaming napahiga sa sahig nun tapos bigla nalang nagreact yung katawan ko! Tapos insan nito lang lately napapanaginipan ko na sya at naiisip kong babae sya! Anong gagawin ko insan?! P-paano kung bakla na nga ako? A-ayokong ipagtabuyan nila mom and dad." Natatakot na sabi ko sakanya. Nakita kong napabuntong hininga sya. "Mahirap nga yan insan pero may isa pa namang paraan para di ka tuluyang maging bakla." Sabi ni Dem. "A-ano?" Sabi ko sa kanya. "Start dating girls saka try mong pagpantasyan ang mga tunay na babae or worst yung mga babaeng sexy sa mga magazine. Makakatulong sayo yun na mabaling sa iba ang atensyon mo." Sabi niya kaya nakahinga ko ng maluwag at para kong nabunutan ng tinik. "Salamat insan." Sabi ko sa kanya. "Basta ikaw insan, just call or text me when you need me again, balitaan mo na lang ako kung nakatulong yung sinabi ko." Sabi nya kaya tumango ako at nagpaalam na aalis na. Nagdrive ako papunta sa bilihan ng mga bulaklak saka ko nagdrive papuntang school dormitory namin. Bukas na bukas din ay liligawan ko na si Kaycee. Nang makarating ako dun ay nakita kong kumakain na si Chleo kaya naman napahinga ko ng malalim. "Par kain na, nag-order na ko." Sabi niya kaya tumango nalang ako saka kumain na din ng mailapag ko ang bag ko sa kwarto pati ang bulaklak na binili ko. "Par bukas liligawan kona si Kaycee samahan mo ko sa school nila ha? Haharanahin ko sya." Sabi ko sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo nya kaya naman kumain nalang ako.  Nang mapabaling ako sa TV ay nakita kong romance ang drama sa telebisyon at nang makita kong nagkissing scene ay bigla akong may naisip. Naimagine ko ang sarili kong hinahalikan si Chleo at ng mapamulat ako ay nabilaukan ako! "Dahan-dahan ito oh tubig!" Sabi ni Chleo sakin saka ko inabutan ng tubig. Agad kong nilagok yun at nang makahinga na ko ng maluwag ay saka ko napamura sa isip ko! Bakit ba sumagi sa isip ko yun. Napalingon ako kay Chleo at kita ko ang kunot noo nito. "Ano bang nangyayari sayo para kang di mapakali ang lalim ng iniisip mo lately." Sabi ni Chleo. Naramdaman ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko! "M-mauna na kong matulog goodnight!" Sabi ko sa kanya saka naglakad papuntang kwarto ko at saka humiga sa kama ko! "Start dating girls saka try mong pagpantasyan ang mga tunay na babae or worst yung mga babaeng sexy sa mga magazine. Makakatulong sayo yun na mabaling sa iba ang atensyon mo." Naalala kong sabi ni Dem sakin kaya napatangu tango akong bumangon. First step look for the men's magazine.  Kinuha ko sa drawer ko ang mga men's magazine na pinagbibigay sakin na di ko natingnan kahit isang beses palang. Kaya isa isa kong nilatag sa harapan ko ang mga magazine. Napangisi ako ng makita ko ang mga nagagandahan at nagsesexyhang mga babaeng cover ng bawat magazine. Pero ng muli kong sulyapan ang mga ito ay para napalitan itong lahat ng mukha ni Chleo! Napaatras ako at muling napatingin sa isa sa mga magazine. Nakita ko ang isang babaeng naka suot ng bikini underwear habang ang braso nito ay nasa dibdin nito. Ngunit para yung minagic dahil bigla nalang naging mukha ni Chleo ang nakita ko!  Ah s**t!! Naihagis ko ang magazine na yun saka napatingin sa isa pang magazine. Nakita ko ang babaeng nakabukaka at tanging panty lang ang suot habang may star tattoo naman sa dibdib nito para di lumantad ang mga n*****s nito. Ngunit gaya ng nauna ay biglang naging mukha ni Chleo ang nakita ko!  Wadapak?! Ano bang nangyayari bakit puro mukha nalang ni Chleo ang nakikita ko sa mga magazines?! Maya maya pa ay narinig ko ang paglangitngit ng pintuan senyales na may bumukas nun at nakita ko si Chleo na nakatingin sakin pati na sa mga magazine na nakalatag sa sahig. Nang pagmasdan ko sya ay nakita kong namumula ang mga pisngi nito. "P-par l-let me explain!" Sabi ko saka siya nilapitan sa pintuan ngunit bigla itong ngumisi. "S-sesexy nung mga babae sa cover par ah... Nice yan." Sabi ni Chleo saka iiling-iling na bumitaw sa pintuan ko saka bumalik sa kwarto nya. Parang umakyat sa mukha ko lahat ng dugo ko! Wadapak! Kinabahan ako jusmiyo! Anong nangyayari binabangungot ba ko?! Help me lord please!  --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD